Stellar's POV
My name is Stellar Perez and I was an orphan and adopted by a rich family. I don't know the reason why they adopted a child like me long ago even though they have a daughter.
Adopted child ako pero yaya ang turing sa akin ng tunay nilang anak simula ng magdesisyon ang magulang namin na magsama kaming manirahan sa condominium nila.
Dati pa man ay hindi na ko tanggap nito kaya naman lagi akong nagpapakumbaba sa kanya.
Lagi kong ginagawa ang lahat makuha lang ang loob nya at maituring nya din akong isang tunay na kapatid.
Humihiling pa din ako na sana nga dumating na ang araw na matanggap nya na ko.
Kahit na lagi nya akong inaalila, ginagawang alalay at pinapahiya sa mga kaibigan nya.
Nagising ako mula sa tunog ng bell, hudyat iyon na kailangan kong pumunta sa kapatid ko dahil may iuutos sya.
Kaya naman agad akong bumangon sa pagkakahiga.
Umunat ng sandali. Humikab. Inayos ang kama. Sinuot ang apron. Nagtali ng buhok at agad ng pumunta sa kinaroroonan ng bell.
"Ano ba ha?" mataray nitong bungad sakin.
"Sorry Audrey…" pagpapakumbaba ko habang tinatali ang sintas ng apron sa likod ko.
"Don't just call me Audrey." sya at kumuha ng libro na nakapatong sa drawer nya sa tabi ng kama at ibinato sakin.
Tinamaan ako sa mukha ng pagkakabato nito. Ininda ko ang sakit, pinulot ko ang libro at inilapag ito sa study table nya.
"Sorry Miss Audrey. Hindi na po mauulit." ako.
"Kasalanan mo 'to eh. Dahil sayo magkasama tayo ngayon sa condominium ni Dad." sya na nagmamaktol.
Nalaman kasi ng magulang namin na kinakawawa ako ng kapatid ko kaya naman pinagsama kami sa condominium ni papa para daw magkasundo kami.
Pero.
Alam kong hindi iyon mangyayari lalo't dalawa na lang kami at ginagawa nya kong mas alalay ngayon.
Noong nasa mansion pa kami ay pagmagkakasama kaming pamilya ay para kaming perfect sister sa lahat pero sa oras na tumalikod sila mama at papa ay isa lang alalay ang turing ng kapatid ko.
"Hoy ano pang tinatayu-tayo mo dyan! Gawin mo na ang inuutos ko!" si Audrey na nakapagpagising sa naglalakbay kong utak.
"Ano po iyon ulit. A-aud-" tumigil ako dahil sa masamang tingin nito. "Miss Audrey?" pagtuloy ko.
"Di ka ba nakikinig ha! Sabi ko ipaghanda mo ko at unang araw ng pasok." siya na napakalakas ng pagkakasabi.
"Okay po." ako na agad ng lumabas ng pinto para gawin ang dapat na gawin.
Nagluto ng pagkain. Nagplantsa ng uniform. Inihanda ang panligo. Ginawa ang bao nya.
Hindi kami sabay papasok dahil sa napagkasunduan namin.
Mali.
Sa desisyon nya.
FEW DAYS AGO…
"Unang-una wala ng rason pa para maglokohan tayong hashtag sister goals dahil wala dito si Mom and Dad sa condo. Pangalawa, alalay na kita sa ayaw mo o sa hindi. Pangatlo, hindi tayo magkasama matutulog sa kwarto ni Dad dito sa condominium na 'to, Doon ka sa maliit na storage room gumawa ka ng kwarto mo dun. Pang-apat, hindi tayo sabay papasok. Ayoko ng may kasama kong katulad mo. Panglima, hindi tayo sabay kakain o kahit ano mang bagay na magkakainteract tayong dalawa maliban na lang pag may inutos ako at ang pinakahuli pagnarinig mo ang bling ng bell ko kailangan sa loob ng limang- mali tatlong segundo ay nasa harap ka na at suot ang apron na para sayo." sya na sa haba ng sinabi ay kinailangan kong palihim na irecord ang sinabi nya para ulitin ko sa made up room ko na storage room.
BINABASA MO ANG
ROLLERCOASTER HEARTBEAT!
Novela JuvenilFRIENDSHIPS CONFLICT COMPLICATED STATUS WISHES TANGLED RELATIONSHIP LOVE WAR ROLLERCOASTER HEARTBEAT!