Greyson's POV
Pangatlong araw na kong nag-iisip kung tatawagan ko ba sya?
Ano na mang dapat kong sabihin. Eh wala naman.
Ano bang dahilan nya. Tila wala yata syang natatandaan sa ginawa nyang pangtatraydor.
Sa pagkakatanda ko inagaw nya sakin si Vivian.
Alam nyang gusto ko ito.
Hindi na dapat ako makipagkaibigan pa ulit.
Bakit ba ko nag-ooverthink!?
Ayoko na!!!!!!!!!!
Itinabi ko na lang ang papel para di ko mapansin at pumasok na din ako. Wala din namang nangyari sa klase, parang normal lang na araw ang dumaan.
Napansin ko na ang layo ng iniisip ni Serenity mula sa upuan nya. Halatang-halata. Hindi nakikihalubilo sa iba. Nagmumukha na naman syang maldita.
Sabi ng isa kong konsensya. Sus eh maldita naman talaga yan dati pa. Ano pa nga ba.
Nakaabot na yata sya ng saturn sa kakaisip sa kung anuman yung iniisip nya.
Naglesson. Breaktime kasabay si Roszchei. Lesson ulit. P.E class. Lesson ulit at uwi na.
Serenity's POV
Kinabukasan ng araw na makita ko si Levi na kausap si Grey ay pumasok na din ako sa school. Nagdahilan na lang akong masama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ko.
Una 'di ko pinaalam na alam kong nakita ko si Vivian.
Ngayon naman di ko pinaalam kay Grey na alam kong nagkita sila ni Levi.
Knowing na nandito kaming apat.
Sumasakit ang ulo ko.
Wala akong gana.
Wala akong pake sa paligid.
Kaya hinahayaan ko lang ang mga nangyayari sa loob ng klase.
'Di rin kami nagkaroon ng panahon ni Grey para mag-usap. Nagkatinginan lang kami at nagkanya-kanya na.
B-bakit nga ba ko nag-aral dito sa Top Line.
Bakit ko ba pinilit ang Mom ni Grey para mag-aral sa Top Line?
Bakit?
Dahil ba...
Sa umaasa din akong nandun sila?
Bakit ba hindi ko na lang sinunod ang gusto ni Mom na sa ibang school.
Kasalanan ko din ito eh.
Nasasaktan pa din ako kahit na matagal na ang mga nangyari.
Bumalik na naman ang sakit.
Tinraydor ako ni Vivian.
At iyon ang masakit. Sa gusto ko pa.
Marahil kaya nandoon si Levi ay dahil nag-aaral din si Vivian sa Top Line. Mas lalo akong naiinis
Kinabukasan naman ay ganoon din. Wala akong gana sa mga nagaganap sa loob ng klase.
Walang kinakausap sa klase. Walang pinapansin at nakatingin lang sa bintana.
Isip ng isip ng kung anu-ano.
BINABASA MO ANG
ROLLERCOASTER HEARTBEAT!
Teen FictionFRIENDSHIPS CONFLICT COMPLICATED STATUS WISHES TANGLED RELATIONSHIP LOVE WAR ROLLERCOASTER HEARTBEAT!