Roszchei's POV
Nakatanggap ako ng tawag mula sa step mom ko matapos kong lumipat mula sa states at dito sa lugar ko. Inienroll nya na ko sa school na Top Line at sa Monday na agad ang pasukan. AGAD-AGAAAAD.
June....
Kung sa states August pa ang start ng klase.
Wala man lang akong panahon para makapagrelax at magenjoy muna dito.
HAYS
FIRST DAY...
May dumating na message mula sa step mom ko at nakasaad dun ang section ko.
At sya talaga ang unang nakaalam kaysa sakin.
Papasok na ko ng gate ng makita ko ang nagkukumpulang estudyante sa may bulletin board.
Siguro nandun nakalagay ang mga section ng estudyante.
Kaya pala nagtext sya para di na ko makipagsiksikan.
At para makatiyak nga na mga section ang nakapaskil dun ay lumapit ako at tiningnan din ang pinagkakaguluhan nila kahit na napakalayo at nasa dulo ako.
Napansin ko ang isang babae kaya lumapit ako. Natulak yata ng mga taong nagdudumugan sa bulletin.
"Okay ka lang?" tanong ko.
"A-ah m-medyo" paika-ika nyang sagot dahil sa sakit.
Naapakan siguro ang paa nito. Bakit kasi sya nakikipagsiksikan eh alam nyang mga lalaki yung sinusugod nya.
"Tulungan na kita" offer ko.
Nakayuko lang sya ng mga oras na 'yon mukhang namimilipit sa sakit. Nang tumingala sya ay halos parang kumikinang na bituin ang mga mata nya.
"Ah uhmmm." sya na may sasabihin yata.
Kaya nagtanong na ko.
"B-bakit? May problema ba?" habang akay ko sya.
Bago ko pa man sya dalhin sa clinic ay tinanong ko ang pinakamalapit na estudyante samin kung saan iyon. Pagkatapos din nun ay pumunta agad kami sa itinuro nito pero walang nurse sa clinic o kahit estudyante.
Anong klaseng clinic 'to? Iniiwan ng wala man lang assistant.
"Walang tao." ako at iniupo sya sa may malapit na kama.
"Ah ano. Uhmmm" sya na para bang may gustong sabihin.
"Oh? May problema ba?" inunahan ko na 'to kaya naman umupo na ako sa sahig para tanggalin ang sapatos at medyas nya. "Namamaga." dugtong ko matapos makita yung paa nya.
Kita ko ang inis sa mukha nya. Ang cute lang ng hitsura nya.
"Salamat" mahina nyang sambit
"Haha. Maliit na bagay." ngumiti ako at tumayo na sa pagkakaupo.
Dumating na din ang nurse nun at inasikaso na sya.
Nakita ko ang oras sa dingding at magii-start na ang opening act kaya naman nagpasya na din agad akong umalis.
"Mauuna na ko." sambit ko habang inaasikaso sya pagkatapos nun ay lumabas na agad ako.
Nakalimutan ko itanong ang pangalan nyan!
Sayang di ko 'to naitanong. Nakakahiya kung babalik pa ko para lang itanong. Siguro sa susunod na lang.
Sa susunod na magkita ulit kami itatanong ko na.
Pagkatapos ng opening act ay pinabalik na kami sa classroom para makapag-umpisa na ng klase.
Makipagkilala.
BINABASA MO ANG
ROLLERCOASTER HEARTBEAT!
Novela JuvenilFRIENDSHIPS CONFLICT COMPLICATED STATUS WISHES TANGLED RELATIONSHIP LOVE WAR ROLLERCOASTER HEARTBEAT!