Serenity's POV
Tama nga ba na nagsinungaling ako?
Nagsinungaling ako na di totoo na nakita ko si Vivian?
Siguro tama ako.
Ayoko na ding malapit pa sya samin ni Grey.
Tapos na ang nakaraan samin.
Kaya dapat kinakalimutan na sya.
11 YEARS AGO....
"Serenity makipagkaibigan ka na din katulad ni Grey." si Mommy
"Pero mommy di ko sila kilala." ako
"Tandaan mo Eren ang pinakaimportante para magkaroon ng kaibigan ay ang makipagkilala katulad nyo ni Grey diba nakilala mo si Grey nung mas bata ka pa." Si Mommy.
"P-pero mom..." ako
"Sige na Eren makipagkaibigan ka na at may aasikasuhin pa si mommy. Okay?" si Mommy and she kissed my forehead.
Kaysa makipagkilala ako ay nilaro ko na lang ang doll na hawak ko kaysa makipagkaibigan sa mga kalaro ni Grey.
Habang naglalaro ako ay napansin kong tumahimik ang paligid at nagbubulungan sila kaya naman nagtaka ako at gustong malaman ang pinagbubulungan nila bago pa man ako tumayo sa pwesto ko ay nagtakbuhan silang tatlo.
Kaya agad ko silang hinabol ngunit malayo na sila, kakatakbo ko ay nadapa ako.
"Moooommmmmmmmmy!!!!!!!" iyak ko at napatigil sila pagtakbo agad na lumapit yung babaeng kaibigan ni Grey.
Hahahaha. Huli ka.
"Okay ka lang ba? Eren?" nag-aalala nitong tanong.
Bakit sya alalang-alala.
"Nasaktan ka ba? May sugat ka ba? Wag ka na umiyak." sya na patuloy pa din sa pag-aalala.
Hindi naman talaga ako nasaktan dahil fake lang ang pagkakadapa ko.
Bakit masyado syang nag-aala.
Di naman kami magkakilala.
"Clumsy ka talaga." si Greyson
"Shut up Grey." sagot ko at nagtaray dito.
"Ano bang masakit sayo?" tanong naman ng isang lalaking kaibigan din ni Grey. Iniabot nito ang kamay nya sakin para makatayo ako.
Gentleman.
Di katulad ni Grey.
At yun nga.
"Wala namang masakit sakin." ako at naghanap ng panyo sa bulsa ko pero wala.
"Heto hiramin mo." iniabot ng kaibigang babae ni Grey ang panyo nya.
Kinuha ko naman ito at ipinunas sa mukha ko na may luha.
"Dahil dyan may utang ka na sakin." yung babae at kumindat ito.
"Ano!?" ako
"Joke lang. Hehe." sya " Ako nga pala si Vivian." ngumiti ito at gusto makipagshakehands.
"I'm Serenity" ako at tinanggap ang shake hands nya.
"Maldita-maldita pa." bulong ni Grey at agad kong nilisikan ng mata ito.
BINABASA MO ANG
ROLLERCOASTER HEARTBEAT!
Ficção AdolescenteFRIENDSHIPS CONFLICT COMPLICATED STATUS WISHES TANGLED RELATIONSHIP LOVE WAR ROLLERCOASTER HEARTBEAT!