Is This Called Reunion?: Part 1

4 2 0
                                    

AUTHOR'S NOTE!!!

Yung picture above is it shows kung saan sila designated na nakaupo. I'm using animal emojis haha ang cute kasi ❤

🐰 - Vivian
🐺 - Stellar
🐻 - Roszchei
🐵 - Greyson
🐳 - Audrey (not yet introduced)
🐞 - Serenity
🐓 - Levi
🐸 - Hunter
🐝 - President

I added the president kahit minor character lang sya. Haha. Yun lang.

Vivian's POV

"Anong ginagawa mo dito?" may galak sa mukha na tanong ng lalaking tumulong sakin nung unang araw ng pasukan.

Magsasalita na ko ng mapansin kong may papalapit saming lalaki.

"V-Vivian…" si Levi. Nagulat ako dahil ang tangkad na nito at 'di ako makapaniwalang nandito sya ngayon sa harap ko. Ang alam ko ay sa states na 'to nag-aaral, nawalan na din ako ng balita sa kanya kaya naman di ko akalaing nandito nga sya..

'Di ko na napigilan ang pagkakatuwa kaya naman niyakap ko agad ito.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Levi habang nakayakap ako. Tinutukoy nya ang lalaking tumulong sakin.

Habang nakayakap ay napansin ko ang isang lalaking nakatayo na malapit samin at nakatingin ito ng masama. 'Di ko alam kung saan sya nakatingin pero alam kong masama ang tingin nya.

Ang mas nakakuha ng pansin ko ay ang nasa malayong banda.

Dalawang estudyante.

Parehong pamilyar.


Napagtanto ko agad na si Greyson at Serenity ang dalawang iyon.

Kaya naman agad akong bumitaw sa pagkakayakap kay Levi. "Kasama mo sila?" ako na may ngiti sa aking tanong.

Kung anong ikinamalas ko nitong unang araw ay sya namang ikinaswerte ko ngayon.

Kinikilig ako sa tuwa.

"Sila?" si Levi na may pagtataka kaya naman lumingon ito sa likod at nakitang papalapit si Serenity habang si Greyson ay nakatigil pa sa pwesto nito.

Papalapit na si Serenity kung saan kami nakapwesto kaya naman naglakad din ako para salubungin sya ng yakap ngunit ng malapit na kami sa isa't-isa ay iba ang tingin nito, katulad ng tingin ng lalaki na kasama yata ni Levi kaya tumigil ako sa paglapit at dumeretso lang sya sa paglalakad na tila walang nakita.

Matapos ako nito lagpasan ay naglakad na din si Grey.

"Grey..." mahina kong tawag dito pero nilagpasan lang din ako at dumeretso na papasok ng classroom ng hindi ako tinitingnan sa mata o kahit batiin

Anong nangyayari? Malaki kong pagtataka. Di na ba nila ko matandaan? Bakit iba ang dating ng tingin ni Serenity? Bakit di makatingin sakin sa mata si Grey.

"Hmmmm. Is this a reunion?" ang lalaking masama ang tingin kanina. "Right?" dugtong nito.

"Yeah." sumagot si Levi ngunit hindi pala sya ang tinutukoy nito. Kaya naman nilingon ko ang lalaking tumulong sakin at tiningnan nya lang ng napakaseryoso ang lalaki at pumasok na ito sa loob ng classroom.

Napakabilis ng mga pangyayari at magkakaklase kami.

Ano bang nangyayari? Bakit ganito? Anong meron?

"So here is our classroom." yung lalaki pagtukoy nya sa room na pinasukan ng tatlo.

Ang Section 1-0.

"Dito ka din ba?" si Levi.

"A-ah… Oo" pautal-utal kong sagot.

Pagkatapos nun ay may lumapit na teacher samin.

ROLLERCOASTER HEARTBEAT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon