ART'S POVAko si JHANN ARTEMIELLE MENDEZ pero ART ang tawag nila sakin. 20 y/o na ako , may height na 5'8 maputi at gwapo (sabi nila) at graduating student student ako sa kursong architecrure isang university dito sa manila. Isa akong scholar at working student, pag aaral sa umaga trabaho sa gabi. Minsan mahirap pagsabayin ang pag aaral at trabaho, pero inisip ko lang sila mama at nag iisa kong kapatid kaya pinipilit kong kayanin ang lahat para sa kanila. Nasa probinsya sila mama, dahil sa hirap ng buhay kaya ko piniling magtiis mahiwalay sa kanila para mag aral at tuparin ang pangarap kong bigyan sila ng magandang buhay.
Nagpasya akong dito sa manila mag aral para pagka graduate ko ay dito na din maka kuha ng magandang trabaho at malaking sahod at dito ko na din itira sila mama at pag aralin ang bunso kong kapatid.
Hindi madali ang naging buhay ko dito sa manila umuupa aq sa isang maliit na kwarto para makatipid na din dahil ayoko din naman umasa lang kay mama na nagpapakahirap magtinda sa isa nyang maliit na pwesto sa palengke dun sa probinsya para may ipadala lang sakin kaya sinikap q mag working student para kahit papaano e makatulong din ako sa kanila at yung pera na imbis na ipadala nila sakin ay gamitin na lang nila ng kapatid ko para sa pang araw araw nilang pamumuhay doon. Simula kasi ng mawala ang papa ko doon namin naramdaman lalo ang hirap, isa yang engineer sa ibang bansa dati at medyo maalwan pa ang buhay namin. Pero nung nagkasakit sya dun na rin naubos lahat ng naipundar ni papa para sa amin hanggang bawiin siya sa amin. Masakit mawalan ng isang ama sa murang edad. 3rd year ako noon ng magkasakit si papa at 4th year na ako ng mawala siya. Simula noon sinabe ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para kila mama at sa kapatid ko. Nangako ako kay papa na magpapakatatag ako para sa amin nila mama. Mahirap lang tanggapin na sandali lang ang panahon na nakasama namin siya at wala na sya sa panahong nagsusumikap ako para sa kanila.
Isa akong bisexual , oo alam ko na since high school pa ako, kung pano ko nalaman? Simple lang dahil sa pagkakagusto ko sa kapareho ng aking kasarian. Nung una di ko alam ang ganitong pakiramdam. Kasi ang alam ko ang lalake ay para sa babae, pero ako nung high school aq ang weird, dahil kahit gaanong gusto ko na magka gf eh mas naaatract ako kadalasan sa lalake, yun ang simula ng aking pag tuklas kung ano talaga ako.
Hindi naman ako yung tipo na bi na ladlad or tinatawag nilang "cross dresser" dahil syempre ayoko maging tampulan ng tukso, yung tipong aasarin ka na bakla, salot sa lipunan sa tuwing makikita ka ng mapang husgang mata. Ok na sakin na pamilya, kamag anak, at malalapit ko na kaibigan ang may alam. Pero ang ipagsigawan at ipakita sa ibang tao? Wala akong balak
Kung sa buhay pag ibig naman, wala pa naman akong balak pumasok sa isang relasyon. tama na sa akin yung magka crush ako pero hanggang doon lang dahil wala akong panahon dahil tutok ako sa pag aaral, at trabaho.
------------------
Sana nagustuhan nyo.. pagpapakilala kay ART. Sundan pa natin ang takbo ng buhay ni art . Anu kaya ang mangyayari sa pagtatagpo nila ng taong babago sa takbo ng buhay nya.
Itutuloy......