HSBT PART 5 - KASUNDUAN

112 2 0
                                    

Pag pasok ko sa kwarto kung saan ako itinuro ng kasam bahay nila namangha ako sa ganda nito. Halata mo na mamahalin ang mga gamit sa loob maganda rin ang pagkaka gawa ng interior design. Alam mo kaagad na lalake ang nag nag mamay ari nito.
Nabasag na lang ang pagka mangha ko ng tumikhim siya.

Buti naman at nandito kana. Sabi niya

Agad naman akong napalingon sa taong nagsalita. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa itsura nya, kahit may mga galos at benda sa binti nya na sanhi ng aksidente masasabi kong gwapo pa din ang tao nito.

Pinalapit nya ako sa kanya at may inabot siya na mga papel.

Nagulat ako ng mabasa ko ang nilalaman non. Hindi ko alam na medyo matagal na akong nakatingin don ng magsalita siya.

Ayan ang hospital bill na binayaran ko at yung isa naman ay magagastos ko sa pagpapagawa ng motor ko, ngayon may idea ka ba kung saan ka kukuha o pano mo ko mababayaran? Sabi niya

Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya. Di ko naman alam kung saan ko kukunin ang ganung halaga. Kahit ibigay ko pa lahat ang pera na meron ako ngayon. Hinding hindi aabot yon. Hindi rin naman pwede na sabihin ko pa kila mama ang tungkol dito kasi alam kong wala din sila maitutulong, bibigyan ko lang siya ng problema.
Masisiraan na talaga ako ng isip.

Oh bakit natahimik kana dyan? Akala ko ba may trabaho ka? Sabi mo may ipon ka? So mababayaran mo ba lahat ng yan? Muling turan nya sa akin.

Sa totoo lang hindi naman ganun kalaki ang ipon ko. part time job lang naman ako sa isang food chain. Kasi nga working student lang ako, at hindi ko naman akalain na ganito kalaki angbaabutin ng lahat. Halos maiyak na ako ng sabihin ko iyon. Dahil alam kong hindi ko mababayaran yon.

Huwag mo akong daanin sa pag iyak at paawa mo dyan. At anung hindi mo akalain? Hindi lang naman basta basta ang motor na nasira mo! Dahil galing pa ng ibang bansa yon na regalo pa sa akin ni papa nung huling birthday ko. At limited edition lang yon. Sabi niya

Di ko naman talaga alam eh. Wala naman kasi ako maisip na paraan kung pano ko to mababayaran. Kahit pagtrabahuhan ko ito ng isang taon mukhang di ko pa din kayang bayaran to. Sabi ko sa kanya

So ganun na lang? Hahayaan ko na lang ba ang perwisyo mo sa akin? 2weeks akong hindi makaka pasok dahil sa ginawa mo sa akin, buti na lang at kilala ng pamilya namin ang mga board sa university kaya napaki usapan na bibigyan na lang ako ng special exam idagdag mo pa yang mga babayarin na yan. So pano? Pababayaan ko na lang ba? Sabi nya

Hindi pa rin ako maka sagot. Pinagdarasal ko na lang na sana kainin na lang ako ng lupa para maka alis na ako sa kwartong ito. Gusto ko ng matakasan ang gulong ito. Diyos ko tulungan mo ako.

Wala na bang ibang paraan para maka bayad ako? Yan na lang ang nasabe ko.

Nag isip muna siya,

Mag resign ka sa trabaho mo at gusto ko ikaw ang maging taga pag alaga ko hanggat hindi ako gumagaling. Sabi niya!

wag naman ganon! Yung trabaho ko na lang kasi ang inaasahan ko sa ngayon para maka ahon sa pag aaral ko. Kelangan ko kasi yon para sa mga school project, at sa iba pang gastusin at pangagailangan ko dahil hindi naman ako umaasa sa pamilya ko sa probinsiya. Sabi ko

Scholar ka diba? Alam mu ba na pwede ko ipatanggal yan kung gugustuhin ko? Tulad nga ng sabi ko sayo kilala ang pamilya namin sa university. Isang sabi ko lang sa papa ko at gagawin nila agad yon.. sabi nya

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko akalain na pwede niya gawin yon at isipin ko pa lang na mawawala ang scholarship ko? Hindi ko kakayanin. Tagal kong pinagsikapan ang lahat. Madami akong pangarap na  tutuparin, pero paano na lang ang lahat kung matatanggal ang scholarship ko. Napaluhod na ako at tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi na ako makapag isip ng maayos iyak na lang ang tanging nagawa ko.

Pero kung ayaw mo mangyari yon. Gawin mo ang gusto ko. Sabi niya

Sige. Susundin ko ang gusto mo. Magreresign ako, ako ang mag aalaga sayo. Hanggang sa gumaling ka. Wag mo lang gawin yon nakiki usap ako.. sabi ko

ayokong mawala lahat ng hirap at pagod ko. Huling taon naman na ito. handa ko na isakripisyo ang trabaho ko. Maghahanap na lang ako ng trabaho pag gumaling na siya..

Ooops teka hindi lang yon. Magtatrabaho ka sa akin sa loob ng 6 na buwan. Ikaw ang magiging katulong ko, alalay ko, at gusto ko lahat ng ipapagawa ko sayo susundin mo. Dito sa bahay, sa school, at saan man ako mag punta kasama ka para pag silbihan ako. Hindi naman ako papayag na hanggang sa gumaling lang ako! 2 weeks lang ang binigay na pahinga sakin. Masyado ka naman ata swerte kung yon lang ang kapalit lahat ng nangyari sa akin.. mahaba nyang paliwang

Totoo nga naman. Hindi din pumasok sa isip ko na ganon lang kabilis ang lahat para mabayaran ko ang lahat.

Magsasalita na sana ako ng magsalita siya ulit.

Bibigyan kita ng oras para pag isipan mo! Hanggang bukas ng tanghali kung  ayaw mo naman, sasabihin ko sa papa ko na ipapatanggal ang scholarship mo ... sabi niya

May magagawa pa ba ako? Scholarship ko ang naka taua dito.

Hindi ko na kailangan pag isipan pa.
Pumapayag na ako.. sabi ko

Napangiti pa ang loko ng marinig yon. Haist.. sayang kagwapuhan, may sa demonyo naman ang ugali. Sana makayanan ko ang mangyayari sa loob ng 6mos. Sana mapabilis ang oras para matapos na agad. Hindi ko maatim na makasama ang taong ito. Galit ako sa kanya, sino ba namang hindi. Pero wala ako magagawa. Kelangan ko magtiis.

Mabilis ka naman pala kausap. Kung nagkaka intindihan na tayo. Gusto ko bukas dito ka na titira. Sabi niya

Napalakas naman ang sagot ko sa kanya.

ANO? DITO AKO TITIRA?.. sabi ko

Malamang! Pano mo ako pagsisilbihan kung hindi ka dito titira? ... sabi niya

Napatahimik ako. Tama nga naman siya. Ang tanga ko lang :D

hwag ka mag alala. May allowance ka din na matatangap sakin. Hindi naman ako ganon kasama para may income ka din pang tustos sa pag aaral mo. Sabi niya

Aba! Kahit papano pala may konting kabutihan ang tao na to. Ok na din yon. Atleast may income pa din ako.. pero galit pa din ako sa kanya. Haist konting tiis lang.

Kung wala ka ng sasabihin makaka alis kana. At siguraduhin mo na after mo ng school at maayos mo na ang mga gamit mo, pumunta kana dito bukas dahil bukas kana mag sisimulang pagbayaran ang atraso mo sakin. .. sabi niya

Hindi na ako nagsalita. Agad akong humakbang sa pinto at agad lumabas ng kwarto dahil hindi ko na kaya pang tumagal don at makita siya.

--------—------------

Ano kaya ang mangyayari sa kanila sa oras na magkasama sila? Simula na ba ng magandang samahan nila? O simula ng paghihirap ni art sa feeling ni vero.

Muli abangan pa natin ang kwento nila.

Kilalanin muna natin c vero sa next chapter.

Keep on voting lang po. Hindi ko alam kung may nagbabasa nito. Meron man o wala tatapusin ko ito dahil isa ito sa mga gusto kongbgawin.

Salamat sa mga readers kong iilan hahaha..

Itutuloy........

HANGGANG SAAN BA TAYO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon