HSBT PART 7 - NABUONG PLANO

106 1 1
                                    


Vero's pov

Eto nga pala ang i.d ko. nanjan ang pangalan ko, address, school, contact no. Kunin mo na lang para naman isipin mu na hindi kita tatakasan. Sabi nya sakin

Kinuha ko naman at tinignan ang i.d nya. At medyo nagulat ako ng mabasa ko ang detalyeng nakalagay dito.

Estudyante ka pa lang? Tapos sa iisang university lang pala tayo? Pero bakit sabi mo nagtatrabaho ka?
Sunod sunod kong tanong sa  kanya.

Oo iisang school lang tayo. Nakita ko din I.d mu kanina. Pasensya kana pinakielaman ko na gamit mu sa bag kasi kelangan ng info mo for the records daw sabi ng nurse kaya naghanap ako. Working student ako since 1st year college. Kelangan ko din kasi ng extra income eh. Ayaw ko din kasi umasa sa pamilya ko sa probinsiya. Kaya kahit scholar ako nagtatrabaho ako.  ... mahabang paliwanag ko.

sa totoo lang bigla ako napahanga ng taong ito. At nakaramdam nanaman ako ng kakaiba ng marinig ko ang mga sinabe niya. Hindi ko alam kung naawa ako or namangha sa kanya.
Siguro pwede din pareho kasi naawa ako dahil kelangan nya pa magtrabaho para makapag aral at namamangha kasi napag sasabay nya ang dalawang yon. Kakaiba talaga ang taong to. Medyo napapabilib na talaga ako

Maya maya biglang bumukas ang pinto at may pumasok, si mama pala.  At agad dumiretso sa higaan ko.

Oh my god iho! Anung nangyari sayo? Sabi ko naman sayo na wag masyado mabilis at mag ingat ka pag naka motor ka, kita mu tuloy ayan ang nangyari sayo. Sabi ni mama

Magsasalita na sana si art at mukhang magpapaliwanag pero sinamaan ko ng tingin at sumenyas na lumabas muna. mukha namang nakuha nya ang gusto ko iparating kaya nagpaalam muna siya samin ni mama

Lalabas po muna ako. Para po makapag usap kayo ng anak nyo mam sabi niya..

oh hello dear. kaibigan ka siguro nya, pasensya kana at hindi kita napansin dahil sa masyado akong nag aalala sa unico iho ko. Maraming salamat sa pagbabantay mu sa kanya. Sabi ng mama ko sa kanya

Wala pong anuman, labas lang po muna ako at tawagin nyu na lang po ulit ako mamaya. Sabi nya

Sige iho. Maraming salamat. Sabi ni mama Sa kanya

Nang makalabas na siya ng kwarto ay nag usap na kami ni mama.

Ano ba talaga ang nangyari iho at nangyari sayo yan? Tanong ni mama

Eh kasi naman "ma" noong mabasa ko agad ang text mo sa akin agad ako nangmadali para makauwi. Kasi nga sobrang miss na talaga kita kaso sa sobrang pagmamadali ko hindi ko napansin na may asong biglang tumawid, ayun huli na para maiwasan ko kaya sumalpok ako. Paliwanag ko kay mama

Naku iho sa susunod mag ingat kana baka mamaya hindi lang ganyan ang mangyari sayo. Naku hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari yon. Mukhang kasalanan ko pa tuloy yo. Kung hindi ko agad pina alam sayo na nka uwi na ako, excited na kasi ulit ako makasama ang nag iisang inico ijo ko, kung hinintay na lang sana kita maka uwi sana hindi namgyari to! Mangiyak ngiyak na sabi ni mama.

Ano ka ba naman ma. Huwag mo sisihin sarili mo. Hindi mo kasalanan yong nangyari sakin. Ako may kasalanan nito kasi hindi ako nag ingat sabay yakap kay mama. Na miss kasi kita ng sobra kaya nagmamadali lang talga ako umuwi. Next time mag iingat na talaga ako mama promise sabi ko kay mama.

Mabuti naman iho kung ganon.
Nga pla sino nga pala yong kasama mo dito kanina? Kaibigan mo ba yon? Tanong ni mama.

hindi naman ako nakasagot agad.

Yeah ma! Si art close friend ko sa university nagkataong soon din siya dumadaan sa lugar kung saan ako naaksidente kaya nung nalaman niya na ako yung naaksidente agad niya akong dinala dito. Pagsisinungaling ko.

HANGGANG SAAN BA TAYO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon