Art's povBagong umaga siguro bagong simula na din ito para sa akin ngayon kasi ang araw kung saan titira ako sa mansion nila vero at ngayon din ang araw na makakasama ko siya. Iisipin ko pa lang parang gusto ko na umatras pero hindi pwede, as in hindi talaga pwede. Bakit kasi sa dinami dami ng taong mamalasin ng araw na yon ay sakin pa talaga dumating, hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sarili ko. Buti na lang at nakapag file na agad ako ng resignation. Sayang lang at hindi ko na makaka sama ang mga naging kaibigan ko doon. Dami din tanong ng land lady ko kung bakit bigla ako aalis sa boarding house ko pero nagdahilan na lang ako na sa kamag anak na lang ako titira para makatipid na agad naman niyang pinaniwalaan. Naihanda ko na din ang mga gamit ko. Haist medyo nakakalungkot lang isipin na bigla mo na lang iiwan ang mga bagay na naka sanayan mo na. Sana lang talaga maging maayos ang lahat. Sana lang hindi ako pahirapan ng hambog na yon.
Nagpa alam na ako sa land lady ko na mamaya ko na lang kukunin ang mga gamit ko pagka uwi ko galing university at agad nakong gumayak para pumasok.
Sa school iniisip ko pa din kung anu ang magiging takbo ng ng lahat pag nandun na ako kila vero, hindi ko tuloy namalayan na dumating na pala si brixx at kanina pa ko kinakausap.
Hoy! Kanina pa ko salita ng salita dito pero parang wala ako kausap. ...si brixx
Ha? Ano ulit yon? ...sabi ko
Wala, pansin ko parang lagi kang tulala simula nung isang araw? Sa tuwing kinakausap kita at kasama kita parang Lagi kang may malalim na iniisip! ... si brixx
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Pero siya lang naman ang pinaka malapit sakin dito sa room kaya sasabihin ko na.
Actually kung may iniisip ako? may iniisip talaga ako, pero kung problema? Di ko sure kung problema nga ito. ..sabi ko
Ha? Teka parang ang gulo naman ata nyan? Pwede mo naman siguro ipaliwanag diba? ....si brixx
Ganito kasi yung nangyari, naalala mo noong galing tayong mall? papasok na sana ako sa trabaho ng may nangyari. .. sabi ko
Nangyaring ano? Pwede ideretso mo na? Kasi nabibitin ako! .. si brixx
Ok fine,ganito kasi yun...... at kinuwento ko na ang lahat ng nangyari pati pag reresign ko, pag alis ko ng boarding house at pag lipat ko kila vero. ..
Veromos sandler? Tama ba? ...si brixx
Oo siya nga. Teka kilala mo? Tanong ko sa kanya. Mukhang naging interesado ako sa mga sasabihin niya
Hindi naman masyado. Narinig ko lang. Pagkaka alam ko kasi napaka yaman ng pamilya nila. Marami silang business dito sa bansa at pati sa abroad. kilala din siyang babaero sabagay may mukha naman talaga siya. At ang pinakamatindi pang alam ko, siya ang nag iisang tagapag mana ng mga negosyo nila. ...Mahabang saad ni brixx
As in? Tanong ko kay brixx kasi nagulat talaga ako sa mga sinabi niya. Alam kong mayaman sila, pero higit pa pala sa inaasahan ko.
Ang hindi ko lang maintindihan, ay bakit ka pa nya kelangan maging tagapag silbi niya para makabayad ka? Pwede naman sila kumuha ng magagaling na private nurse, at kung tutuusin bale wala lang naman sa kanya yung perwisyo na yon kasi mayaman siya, depende na lang kung. ...sabay putol ni brixx
Depende na lang kung ano??? -ako
Depende na lang kung may plano siya sayo! Pero hindi naman siguro. Baka naman naman gusto ka lang talaga niya turuan ng leksyon or baka gusto ka pahirapan. Hahahaha... ...-brixx
At nakuha mo pa talaga akong tawanan? Ang sama mo! Habang ako di ko na alam iisipin ko kasi kinakabahan ako sa pwede niya gawin sakin. Hindi ka talaga concern sakin. ..-ako