Tinawag ako para pumasok sa loob ng mama ni vero.Iho! Pwede bang maki suyo na pakibantayan mu muna ang anak ko sandali at bibili lang ako ng makakain? At dito kana din mag dinner ok? Tatanggi pa sana ako ng bigla siyang magsalita. Im not accepting "NO" para na din pasasalamat sa perwisyo ng unico iho ko sau at sa pagbabantay mo. Sabi ng mama ni vero. Napakunot naman ang noo ko dahil ang pagkaka alam ko eh ako nga dapat manghingi ng sorry sa kanila dahil ako ang may kasalanan ng lahat ng ito kaya nandito kami ngayon. Agad naman ako tumingin kay vero na ang tingin ko ay nagtatanong dahil naguluhan ako. pero sa pagtingin ko naka tingin din siya sakin na parang may pagbabanta na sakyan ko nalang ang sabi ng mama nya. Kaya wala ako nagawa.
Sige po mam. Ako po muna bahala dito sabi ko sa kanya.
Hay salamat kung ganun iho sige wait lang hintayin nyo ko ha. And dont call me mam, call me tita since kaibigan ka naman ng unico ko. At tuluyan na siyang lumabas.
Lumapit ako kay vero at agad nagtanong
Anung sinabe mu sa mama mu at parang di nya alam na ako may kasalanan dito? sabi ko
Una sa lahat pasalamat ka dahil hindi ko sinabi na kasalanan mu kaya nandito ako ngayon, inako ko ang lahat sinabe kong may "tatanga tanga kasing aso na biglang tumawid" kaya iniwasan ko na siyang dahilan kung bakit ako naaksidente. ..sabi nya
Grabe din tong tao na to eh. Ok na sana magpapasalamat na nga ko lalo eh, pero yung sa tatanga tangang aso? Grrr ang sakit niya magsalita ah. Mukha ba talaga akong aso? At tatanga tanga pa? Sama ng ugali nito malayo sa itsura.
At isa pa. Alam ko naman na wala ka pambayad dito sa hospital, at pati pagpapagawa sa motor ko. So pano mo ako mababayaran sa mga nagawa mo? Dagdag pa nya
Sa totoo lang medyo nasaktan ako sa sinabe nya na wala ako pera pambayad sa motor at sa hospital. Alam nyo yun? Parang nakaka baba ng dignidad? Pero totoo naman tlga eh. Wala naman talaga. May ipon ako pero alam ko hindi sasapat yon kahit ibigay ko pa lahat. At ayoko naman na sabihin pa kila mama, dahil alam kong problema nanaman yon. Haist. Hirap talaga pag pinamumukha sayo na mahirap ka lang.
Alam ko naman yon eh. Hindi mu naman na kelangan pa ipamukha sakin na wala ako pambayad eh. At hindi ko na napigilan ang mapaiyak.
Sabi ko naman sayo hindi kita tatakasan, babayaran kita pero hindi ko lang alam kung hanggang kelan. Pero wag ka mag alala babayaran kita. Medyo galit na din ako dahil nasasaktan talga ako sa mga sinabe nya.kumuha ako ng ballpen at papel at nagsulat sabay abot sa kanya.
Ayan nanjan lahat ng detalye sakin at kung saan ako makikita. Nanjan kung saan ako nakatira, room sa university, saan ako nagtatrabaho pati contact no. Ko. Para hindi mu isipin na tatakasan kita. Walang emosyon kong sabe sa kanya sabay abot ng papel. At lalabas na sana ako dahil di ko na kinakaya pa lahat ng sasabihin nya sa akin nang magsalita siya.
Totoo ba lahat ng naka sulat dito? Baka naman kung ano lang sinulat mu dito para makaiwas ka agad sa akin ngayon at matakasan mo ang kasalanan mu sa akin.. sabi nya sabay ngiti ng nakaka loko...
Sa totoo lang nag pantig ang tenga ko agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ung damit nya, ung parang kinuwelyuhan. At sabay sabing hindi porke mahirap kami eh ganyan na ang tingin mu sakin, hindi ako pinalaki ng mama ko para manloko at takasan ang mga problema na darating sakin. Kaya wag kang magsalita na parang kilalang kilala mo na ako. Dahil kahit kelan wala kang karapatan para kutyain o sabihan ako ng kung anu anu dahil di mo ako kilala. Sabay lakad agad palabas ng kwarto na yon.
******************
Nagmamadali ako lumabas ng hospital na yon dahil hindi ko kinaya ang tensyon sa aming dalawa. Kung galit ako? Hindi ko alam. hindi ko din naman siya masisisi kung wala siya tiwala sakin dahil kanina lang kami nagkaharap. Pero siya? wala siyang sapat na dahilan para pagsalitaan ako ng mga ganung bagay.