Pag dating sa hospital agad akong nagmadali para dalhin sa emergency room ang lalaking wala pa rin malay hanggang ngayon. Agad naman kaming inasikaso ng mga nurse at agad siyang pinasok sa emergency room.Haist hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang takot at kaba ko sa pangyayari kanina. Masyado talaga akong natakot dahil muntikan na akong mawala sa mundo, ang dami ko pang pangarap sa mundo. Paano na pang sila mama at kapatid ko pag nangyari yon, ako pa naman ang inaasahan nila. Haist! Salamat nalang sa panginoon at hindi niya hinayaang mangyari yon. Naputo na lang ang malalim kong pag iisip ng kausapin ako ng nurse.
Sir, kayo po ba ang kaibigan or kamag anak ng pasyente? Kasi po kelangan po namin ng konting detalye nya sir. ...sabi ng nurse
Hindi naman agad ako naka sagot dahil hindi naman nya ako kaibigan or kamag anak. Ni hindi ko nga sya kilala eh. Pero syempre sinagot ko ang nurse.
Actually miss hindi ko po siya kilala, ako po yung muntik niya mabangga kanina kaya po siya naaksidente. Paliwanag ko sa nurse
Ah ganun po ba? Kasi po igagawa namin siya ng record dito sa hospital sir ..... sagot naman ng nurse
Agad akong nag isip kung pano nga ba ang gagawin. Agad ko naman napansin ang bag nya at agad kong kinuha yon. Hinalungkat ko agad yon at nagbabaka sakaling baka may makita akong pagkakakilanlan nya, at hindi nga ako nagkamali dahil nandoon ang i.d nya, at agad kong kunuha yon at tinignan kung anung pangalan nya.
Clint Veromos Sandler ang pangalan nya. 4th year student na din siya at nagulat ako sa sunod kong nabasa. Sa iisang university lang pala kami nag aaral. Agad kong binigay ang information na nakuha ko sa i.d nya at sinabihan ko ang nurse na paki contact na din ang parents niya na nasa likod ng i.d ang contact number.
At dahil hindi ko na napansin ang oras 4:30 na pala. Nawala sa isip ko na may trabaho pa pala ako. Agad akong tumawag sa office at sinabi ko na hindi ako makakapasok. Pinaliwanag ko naman ang lahat at agad naman nila akong naintindihan kasi alam naman nila na hindi ako basta nalang aabsent kung walang malalim na dahilan.
Maya maya lumabas na ang doctor mula sa emergency room.
Sino po dito ang kamag anak ni MR.SANDLER? Since ako naman ang naghatid sa kanya agad akong lumapit sa doctor.
Musta na po siya doc? ... tanong ko sa doctor
Ok naman po siya sa ngayon. Nagkaroon lang sa ng konting gasgas sa ibat ibang parte ng katawan, at medyo nagkaroon siya ng mild fracture sa binti dahil siguro sa pag bangga nya at nadaganan ng kanyang motor.. pero he's safe now kelangan lang nya ng medyo mahabang pahinga dahil nga sa injury nya. At mayamaya ay ililipat na din siya ng kwarto ... sabi ng doctor at nagpasalamat ako.
Maya maya pinuntahan ko na ang kwarto na pinagdalhan sa kanya. Haist kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung pano hihingi ng sorry, sana lang matanggap nya ang sorry ko. Kinakabahan din ako dahil baka pagbayarin nya pa ako sa damage ng motor nya. Nku wag naman sana nya pabayaran sakin yun dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad. Haist sana lang madaan ko siya sa paliwanag.
Pagpasok ko ng kwarto nya agad akong dumirecho sa kamang hinihigaan nya. Medyo naawa ako sa kalagayan nya dahil sa mga gasgas nya at naka bendang binti nya. Dumako ang tingin ko sa mukha nya, napako ang tingin ko dahil hindi ko akalain na napaka gwapo ng taong nadisgrasya ko,kahit na may gasgas at pasa sya hindi naging kabawasan yon sa kagwapuhan nya. makakapal na kilay, sobrang tangos na ilong,mapupulang labi na feeling ko napaka sarap halikan, para siyang natutulog na diyos. Swerte naman ng gf nito sa isip isip ko dahil kung personality lang ang pag uusapan walang sinabe ang ibang mga artista sa kanya.
Lumipas pa ang ilang oras at nagpasya sana akong lumabas para bumili ng maiinom ng malapit na ako sa pinto ay bigla siyang magsalita
At saan mu naman balak pumunta?
Iiwan o tatakasan mu na lang ba ako ng ganito matapos mo kong maaksidente ng dahil sayo? ...sabi nya pero sa malumanay na salita