HSBT PART 2 - PAGTATAGPO

217 4 0
                                    

ATR'S POV

Simula na naman ng pasukan asusual gising ng maaga dahil ayoko mahuli sa unang araw ng pasukan. Dali dali ako kumilos dahil ayoko abutan ng traffic kahit mejo malapit lang naman ang school. Pagdating ko sa school agad kong hinanap ang building namin at classroom, agad ko naman itong nakita since unang araw at napaka aga ko konti pa lang ang student sa room namin. Agad akong umupo sa likuran sa dulo. Gusto ko talaga pumwesto sa likod dahil feeling ko mas panatag ako dun at nakikita ko lahat ng nangyayari sa buong classroom. Hangga ns lumipas ang oras at nagsimula na nga ang klase at anu pa nga bang ineexpect mu? Papakilala ang lahat.

Isa isang nagpakilala ang lahat ng mga kaklase ko may seryoso, may mga suplado ung iba nakakatuwa ung iba pinapalakpakan kasi may itsura. Hanggang sa ako na ang magpapakilala at pumunta na ako sa unahan, haist eto talaga pinaka ayaw ko.. kasi mahiyain akong tao, ewan ko ba basta binilisan ko nalang ang pagpapakilala ko. GOOD MORNING TO ALL OF YOU, IM JHANN ARTEMIELLE MENDEZ , 20 Y/O TAGA  Q.C but all of you can call me ART. pagtatapos ko ng pagpapakilala ko. May mga namangha, may sumigaw pa ng ang cute mu kuya may gf na daw ba ako? Syempre sabi ko wala (bf kasi hanap ko :p) may mga nagapapa cute pero syemore nginitian ko na lang sila. At syempre natapos ang unang araw namin na puro pagpapakilala na lang.

Sumunod na araw ayun daily routine ulit maaga ulit ako pumasok sa university para iwas ulit traffic.
Sa room since maaga pa naman at ilan pa lang kami, labas ng headset at ng mumurahin kong cellphone para makinig ng music. pinikit ko ang mata ko at muni muni habang nakikinig.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero di ko pinansin. Maya maya napamulat ang mata ko kasi umuuga ung desk ko. Pagtingin ko naka smile sakin yung katabi ko. " anu naman kaya problema ng tao na to" sa isip isip ko lang. Hinarap ko naman sya at sabay sabi nyang " Hi' im brixx ngumiti sya at sabay taas ng kamay para makipag kamay. Grabe na amazed ako sa kanya kasi ang gwapo nya, mejo makapal ang kilay ang kinis ng mukha, tangos ng ilong, at ang ganda ng ngipin. Grabe para syang artista. maya maya umubo sya kunwari at napansin kong kanina pa pala nya inaabot ang kamay nya para makipag kamay.. bigla akong namula kasi feeling ko nakita nya reaksyon ko kung panu ako namangha sa kagwapuhan nya. Agad ko din inabot ang kamay ko sabay sabing " ay sorry may iniisip lang ako"  para di mapahiya :D  im art pagpapakilala ko.. grabe ang lambot ng kamay nakakahiya kasi samantalang ako ang gaspang kaya sa tinanggal ko agad kasi nahihiya ako.

Pwede ba tayo maging magka ibigan or buddy? Kung ok lang? Kasi transferee lang ako dito at wala ako kakilala eh. Si brixx

Ah oo ba ok lang yun atleast para may bago akong tropa... sabi ko naman.

At dun na nga nagsinula ang pagkakaibigan namin ni brixx. Sabay kami kumakain sa breaktime, tapos minsan tambay sa bench pag vacant habang nagkukulitan or gumagawa ng assignment or reseach. minsan naiisip ko na hindi malabong maging crush ko si brixx. Kasi pogi na mabait pa. Almost perfect na. Pero ung isiping maging kami? parang malabo kasi straight siya at syempre ayoko naman na malaman nya na bi ako hanggat maari kasi bka hindi sya open minded at iwasan nya ako. Sya pa naman ang nag iisa kong close na kaklase may iba naman na kilala ko na, pero iba ung level ng samahan namin ni brix. At ayoko naman masira samahan namin.

Maagang natapos ang klase namin. At niyaya naman ako ni brixx na samahan sya sa mall kasi may bibilhin daw sya. So since nahiya naman ako tumanggi at maaga pa naman kasi 2:00 pm pa lang at 4:00 pm pa pasok ko Sa trabaho sinamahan ko na siya.
Infairness may kotse siya at feeling ko may kaya sila kasi mejo mamahalin ang kotse nya at halata din naman sa kanya.

Pagdating namin sa mall kumain muna kami sa isang fast food para mag meryenda, nahiya nga ko kasi nung magbabayad nako ng order ko pinigilan nya ko.. treat na daw nya since sinamahan ko naman daw sya.
Haist nakakahiya man wala ako nagawa. ok n din kasi nagtitipid din naman talaga ako :D

Brixx huwag tyo magtagal dito sa mall ha? ....Sabi ko

ha? Bakit naman? Nagmamadali ka ba or busy? O may lakad ka pa ba? ...si brixx

Wala naman, may trabaho pa kasi ako ng 4:00 pm eh. ...sabi ko

Trabaho? What you mean? ...si brixx

Working student kasi ako sa isang fast food paliwanag ko sa kanya..

What? Working student ka? Bakit parang ngayon mu lang sinabe sakin yan? Gulat na tanong ni brixx

Ha? Hindi ko pa ba sinabe sayo? Sensya kana ha.. working student ako  simula nag aral ako ng college. Ayoko naman kasi na umaasa lang sa ipapadala ni mama na pera eh. Lalo na at marami tayong kelangan bilhin sa school at mga project.
Alam ko minsan kinakapos din sila sa probinsya kaya para maka bawas sa gastusin ni mama, pinilit ko na pagsabayin ang pag aaral at trabaho. ..mahabang paliwanag ko

Hindi ko alam kung nagulat ba siya? Or humanga o naawa sakin sa mga sinabe ko, kasi kakaiba expression ng mukha nya ng tignan ko siya.

meron pa pala akong hindi nalalaman sayo. Pero panu mu napagsasabay ang lahat? Hindi ka ba nahihirapan? ... si brixx

Ahm.. mahirap pero sanayan lang din.   Isang taon na lang naman after nito pwede na kong mag apply at gamitin ang pinag aralan natin. Sabi ko

Wow! Alam mu pinapahanga mu talaga ako. Kung ako nasa kalagayan mu bka di ko kayanin mga ginagawa mu. Nakakabilib ka talaga. Basta pag may kelangan ka or may maitutulong ako sayo, hwag ka mahihiya mag sabi ah? ... si brixx

Anu ka ba? Ok lang. Nakaka survive naman ako, pero salamat na din sa offer. ( nahiya naman ako.. pero infairness ang bait nya talaga, konti na lang talaga mahuhulog na ako sa kanya) sa isip ko

At ayun nga sinamahan ko na siyang mamili ng mga gamit nya at sabay din kami lumabas. Nag offer pa siya na ihahatid na lang nya ako sa work kaso tumanggi na ko dahil nahihiya ako.at hindi nya ako napilit :D

Papasok na ako sa trabaho ko ng mapansin kong wala ang i.d ko.

Haist kapag minamalas ka nga naman talaga oh, kung kelan nagmamadali naman dun  pa sumabay ang kamalasan. Dali dali akong nagtatakbo patawid at dahil sa sobrang pagmamadali ko para makatawid hindi ko napansin na may paparating pala na motorsiklo. At sa sobrang bilis ng pangyayari muntik na akong bumangga. Napapikit talaga ako ng sobra dahil alam ko katapusan ko na. Pero hindi ganun ang nangyari, pag mulat ko na aking mata, agad kong nakita ang lalaki na naka handusay sa kalye. Sa pagka bigla hindi ko halos alam ang gagawin sa sobrang taranta. Nung medyo naka bawi na ako agad kong tinakbo ang lalaki at humingi ako ng tulong. Buti na lang at may mga police na malapit sa pinangyarihan ng aksidente. Agad akong pumara ng taxi para dalhin sa hospital ang taong walang malay na siyang halos maka bangga sa akin kanina. Naki usap ako sa mga pulis na sila muna ang bahala sa motor ng lalaking naaksidente at agad akong sumakay sa taci para dalhin sa malapit na hospital ang lalakeng walang malay.

--------------------------

Next chapter na ang pagkikita nila ng taong babago sa buhay ni art. Sino kaya ang lalaking yon at panu nya babaguhin ang takbo ng buhay ni art. subaybayan po natin.

Votes ang comments lang po..
Sana po magustuhan nyo.

Salamat po.

ITUTULOY........

HANGGANG SAAN BA TAYO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon