VERO'S POV
Ako si CLINT VEROMOS SANDLER. 20 years old, habulin ako ng mga babae dahil sa 6'1 ang height,may malaking katawan dahil regular ako sa gym, magagandang mata yung tipong pag tinignan kita maakit ka haha, kissable lips na talagang gusto mong halikan na lang ako buong araw. in short halos perpekto na ang kagwapuhan ko. Haha joke
Kilala ang pamilya ko sa university dahil malaking pera ang naitutulong na mga magulang ko kaya kahit hindi ako mag seryoso sa aking pag aaral, isang pitik lang at labas ng pera makaka graduate ako. Ewan ko ba hindi naman ako ganon dati, lagi akong nangunguna sa klase sinced elementary to high school pero simula ng hindi ko nakuha ang kursong aeronautic doon ako nawalan ng gana, ang gusto kasi ng papa ko ay yung related sa business dahil ako lang naman ang nag iisang taga pag mana ng kumpanya namin. Hindi ko naman pinangarap maging presidente ng kumpanya. At dahil dun nagtampo ako kay papa. Pero kahit naman anong tampo gawin ko bale wala naman sa kanya. Ni hindi nga kami close non at bihira lang kami magkita dahil napaka busy sa kumpanya. Buti na lang kahit papano nandyan pa si mama, kahit na mejo busy siya ay nagkakaroon pa din kami ng quality time pero kay papa? Hindi ko na matandaan kung kelan pa kami huling nagkaroon ng quality time, pero ok lang, sanay naman na ako.
Lagi akong laman ng mga bar kasama ng iilang mga kaibigan at halos sa lahat ng napuntahan kong bar hindi ako nawawalan ng babae, syempre hindi naman ako papayag na hindi maka score sayang naman ang mukha ko kung uuwi akong luhaan. Hindi ko naman sineseryoso ang lahat laro lang sakin yon. Dahil pag dumating na ang time na ga-graduate na ako, simula na yon ng oras na matitigil na ang lahat dahil iti-train na ako kung paano ang magpatakbo ng kumpanya. Kaya ngayon pa lang ine-enjoy ko na ang lahat.
Kung tutuusin isa na ako sa mga taong masasabing mapalad, mayaman, lahat ng bagay pwede ko makuha. mamahaling kotse, mamahaling gadget, at lahat ng pwedeng bilhin ng pera makukuha ko. Isa lang naman ang hindi ko pwede makuha eh. yung kasiyahan ko. Simula bata pa lang ako kontrolado na lahat ng kilos o mga dapat ko gawin. Hindi pwede na ang lahat ng gusto ko masusunod at lahat ng yon ay dumadaan sa papa ko.
Minsan naiingit ako sa ibang tao, malaya nilang nagagawa ang gusto nila, may karapatan silang mamimili sa kung ano man ang gusto nilang gawin sa buhay nila. Kung baga sila ang magdidikta sa buhay nila. Kahit simple lang ang buhay nila pero masaya sila , buo at nagkakaisang pamilya kahit salat sila sa pera.
kung naging simple lang kaya ang buhay namin, ganyan din kaya kami kasaya? Mabubuo din kaya ang pamilya namin? I mean ung tipong buo naman pero larawan ng wasak na pamilya dahil hindi naman kami nagkakasama.
Kaya hanggat maari lulubus lubusin ko na ang lahat. Mag eenjoy ako dahil ilang buwan na lang para akong ibong makukulong sa hawla, at gagawin ang isang bagay na hindi ako masaya.
*******
Panibagong araw na nanaman isa na namang araw ng pagtitiis dahil buong maghapon na naman akong tutunganga sa room. Wala naman kasi ako pakielam kung ano man ang ituturo ng mga prof. Sa klase, dahil pag dumating din naman ung time na magtatrabaho na ako sa kumpanya matututunan ko rin naman ang lahat. Nauubos lang ang oras ko sa pakikinig ng music ,paglalaro sa aking cp at palihim na pakikipag kulitan habang nasa loob ng klase. Ganun lang ang routine ko buong maghapon. Bonus na lang talaga pag nakinig ako sa prof. Ko. Karangalan nila yon. Haha joke
Habang papalabas ako ng klase dahil uwian na namin ng maka receive ako ng txt.
"Hi ijo! Uwi kaagad after school. Miss na kita at ipagluluto kita ng favorite mong kare-kare. Miss u ijo"
Si mama. Umuwi pala galing business meeting sa ibang bansa. Agad akong pumunta ng parking lot at nagmamadaling sumakay ng aking motor at humarurot para maka uwi. Miss na miss ko na kasi ang mama ko.. para sakin kasi siya na lang ang meron ako at siya na lang ang sinasandalan ko. Kaya kahit gaano ako ka busy o kahit anong lakad meron ako. Pinagpapaliban ko ang lahat para kay mama. Dahil walang ibang mas importante sakin kundi ang makasama ang mama ko
Habang nagmamaneho ako hindi ko agad napansin ng may biglang tumawid. sa sobrang taranta ko para makaiwas mabangga kung sino man yon ay kinabig ko pakanan ang manibela at sumalpok ako sa kung saan hangang sa unti unting nag dilim ang paningin ko.
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko ng akoy magkamalay agad kong ginala ang aking paningin at alam ko kung anong lugar ito dahil natandaan ko pa ang biglaang pangyayari kanina. Medyo masakit ang ibang parte ng katawan ko kaya ginala ko ang aking paningin. May nakita akong isang tao na malapit sa pintuan. Siya yon, hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Pero ng mapansin kong lalabas siya ng pinto agad akong nagsalita baka takasan ako ng lalakeng ito.
At saan mu naman balak pumunta?
Iiwan o tatakasan mu na lang ba ako ng ganito matapos mo kong maaksidente ng dahil sayo? ...sabi koAgad naman siyang humarapsakin at sabing... wala naman po akong balak iwan or takasan ka. Ang akala ko lang kasi hindi ka pa magigising kaya balak ko muna bumili ng maiinom. .. sabi niya
Sus nagpapalusot ka pa! Medyo may pagka diin kong sabi. Subukan mu lang na takasan ako at hahanapin kita kahit saan. Banta ko sa kanya
Napatitig siya sa akin na wari tinatantsa kung nag sasabi ako ng totoo. Pero gagawin ko naman talaga yon pag tinakasan nya talaga ako. Mukha namang natakot siya sa sinabi ko.
Ahm! May masakit ba sayo? sabihin mu para tumawag ako ng nurse or nagugutom ka ba o nauuhaw? Para maibili kita ng makakain... sabi nya
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ng napatitig ako sa kaya. There something inside me na basta hindi ko talaga ma explain. Pero agad ko din binawi yung tingin ko ng mapansin kong mejo matagal na ko nakatingin sa kanya at nakatingin din siya sakin.
sinagot ko na lang uung tanong nya. Hindi ako nauuhaw or nagugutom. Alam na ba ito ng parents ko? Tanong ko sa kanya.
Ah sige sabihin mu lang kung nagugutom ka ha. About pala sa nangyari sayo naipaalam na daw ng hospital sa parents mu siguro papunta na din sila dito. ...ang sabi nya.
Buti naman kung ganun. .. sabi ko
Mejo nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa. Hanggang sa hindi na siguro siya makatiis sa sobrang nakaka binging katahimikan ay siya na ang unang nagsalita .
Ah nga pala ako si art. Pasensya kana pala sa nangyari kanina ha? Di ko naman sinasadya at di ko ginusto mangyari yon sayo. Nagmamadali kasi ako dahil mahuhuli na ako sa trabaho ko. sabi nya at Paghingi nya ng paumanhin sakin.
Ganun na lang yon? Sorry? Nang dahil sayo hindi ako makakapasok sa school, ng dahil sayo mukhang nasira pa ang pinaka mamahal kong motor, ng dahil sayo heto ako at puro sugat, pasa, at bali sa katawan, tapos sorry na lang. halos pasigaw kong sabi sa kanya.
Hindi siya agad nakapag salita. Nakita ko na lang na nakayuko siya. Narinig ko din na humikbi siya tipong naiiyak na. Gusto ko sanang humingi ng tawad at sabihing pasensya na, nabigla lang ako. Pero hindi ko nagawang sabihin sa kanya. Pinanginahan ako ng hiya pinanindigan ko na lang ang mga sinabi ko.
Alam ko naman kasalanan ko sabe ko. hindi mu naman ako kelangan sigawan, hindi rin naman kita tatakasan. Sakin lang nahingi ako sayo ng sorry dahil di ko naman ginusto yon. Sabi nya sa akin.
Hindi nga ko nagkamali dahil naiiyak na tlga siya. Bigla naman ako nakonsensya.
Hanggang sa natahimik ulit kaming dalawa. Napatingin ulit ako sa kanya, hindi ko alam pero kanina ko pa siya gusto tignan, nahihiya lang talaga ako at hindi ako makatagal na titigan siya bakit kaya? Habang nakatingin ulit ako sa kanya. Nakatingin na din pala ulit siya sa akin. Kya agad ko na namang iniwas ang tingin ko sa kanya.
---------------
Ako na kaya yung feeling na yon na hindi maipaliwanag ni vero? Hindi kaya nakukuha na ni art ang atensiyon nya ng hindi niya alam?
Subaybayan pa po natin ang kwento nila. Muli po keep on voting. Para matuwa nama ako.. joke.. thanks sa mga nagbabasa..
Itutuloy.........