Chapter 6
ASUKA
Pasado Alas-siete na ng umaga at nauna akong nagising. Naisip ko na mhanda na ng mkakain namin ng maalala ko na may mga tao pala sa baba. Bumangon ako at sinilip sila sa baba, yung isang babaeng kasama palang nila ang gising. Hindi si Anne, yung isa pa.
Bumaba ako at nakita niya ako
"Ano ang nangyari?" Tanong ko
"Nung pagbalik namin sa BulSu(BSU), wala na. Zom....." hindi pa niya natatapos ang sinabi niya at umiyak na siya.
Nagising si Xavier at nagulat nang makita ako. Pero pinatahan niya si Ella at hindi na muling tumingin sa akin.
"Gisingin niyo na yung mga kasama niyo at kakain na tayo. Kailangan niyo yun" sabi ko, sabay talikod at akyat uli sa taas
"Kamusta?" sabi ni XD
"Alam mo..." sabi ko habang lumalapit sa kanya na kagigising pa lamang
"....tinanong ko lang sila kung ano ang nangyari, walang mga kaganapan na nangyari na ipinagSESELOS mo!!!" sabi ko sa kanya habang ginugulo ang kanyang buhok
Napangiti siya at tumayo narin para tulungan akong maghanda ng makakain at sabay bumaba kasama ni Shane
Pagbaba namin ay nakaayos narin sila at nakaupo sa sahig. Sumalampak narin kami at inilapag ang mga pagkain
"Pasensya na, yan lang ang makakain natin" sabi ko
Mayroong Maling, itlog, at kanin. Mga nakuha namin sa Puregold.
"Ako nga pala si Makoto", sabi nung japanese.
"Ako naman si Ella" sabi nung babaeng hindi ko kilala.
Hindi na nagpakilala si Anne at si Xavier, pero sumusulyap sulyap siya sa akin, at nararamdaman ko rin ang aura na bumabalot kay XD.
Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman ko na nakaporma na ang kanyang kamao para manuntok pero napigilan dahil sa ginawa ko. Tiningnan niya ako at nginitian ko siya
"Kialala mo ba talaga si Ate?" tanong ni Shane kay Xavier
Tumigil sa pagkain si Xavier at hinarap ang bata
"Oo, Kilala ko siya"
"Paano?" sabi ni Shane
"Mamaya, ikukwento ko sayo" sabi ni xavier
Pagkatapos ng almusal ay iniakyat na namin ni XD ang mga pinagkainan.
"Hindi tayo pwedeng mag-stay dito"
"Ha?? Bakit?" tanong ko
"Kung tayong tatlo lang, pwede sana. Pero pito na tayo. Ang hindi nila alam ay na-a-attract ang mga zombies sa temperature, kaya hindi nagtatagal ang malalaking grupo katulad nang nangyari sa kanila. Hindi rin magtatagal ay masesense narin tayo."
Natakot ako sa sinabi ni XD.
"A..Ano na ang gagawin natin?" tanong ko
"Aalis tayo, naisip ko na pumunta sa mga islang maliliit, malamang ay ligtas doon dahil hindi naman lumalangoy ang mga zombies."
Sinasabi niya ang mga katagang iyon na hindi tumitingin sa mga mata ko
"XD..."
"Haha, masyado lang akong nagiging seloso Annie. Ngayon ay malamang ay napaniwala na niya si Shane sa mga kwento niya"
"Hindi yan, matalino si Shane at kahit anong gawin ni Xavier ay hindi na magbabago ang isip ko, bumalik man o hindi ang alaala ko"
"Sana nga.. Sana nga..."

BINABASA MO ANG
SILENCE: You, Me and the Zombies BOOK 2
Kinh dịA Sequel to the First Short Story:Silence. Xavier is on the run to find his girlfriend Asuka but what if Asuka doesn't remember him anymore and lives with a different name and a different boyfriend named Xavier too? Find tthe answers in their apocal...