Chapter Three: Xavier

195 2 5
                                    

Napalitan ang aking Caliber 45 ng isang Ingram, yung baril na pangtadtad kumbaga. Kung naglalaro ka ng Max Payne, alam mo yung sinasabi ko.

"Sa harap tayo dadaan para mas malapit." Sabi nung japanese, na nakalimutan ko na yung pangalan.

"Baka maraming zombies dun" Ang kinakabahang sabi ni Luke, isa pa naming kasamahan

"Ba't ka pa sumama kung duwag ka naman pala?!" Sabi ni Anne, yung sigang babae kanina, second name niya yung Anne. Mas trip ko siyang tawaging ganoon.

Lima lang kaming papunta sa puregold, may mga dala kaming bag, yung mga bag nila nung nag-aaral pa sila, kaya hindi ganoon kalalaki. Ako, si James,Anne,Yung Japanese, luke at isa pang lalaking hindi pa nagsasalita at hindi ko pa nakakausap.

"Makikita din natin sila doon Bren" Sabi ni Anne,

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Anne

"Kasama ang girlfriend ni Bren sa mga kaklase naming hindi na nakabalik galing ng Puregold"

Hindi na ako nakapagsalita. Wala na akong dapat pang sabihin.

Nasa 1st floor na kami ng Natividad hall. Walang bakas ng mga zombies.

"Bakit kaylangan pang sa Puregold tayo pumunta? Bakit hindi nalang sa Canteen?" Tanong ko

"Wala na, nakuha na namin lahat ng pagkain doon" Sagot ni Bren.

Nasa main gate na kami at wala parin akong nakikitang mga zombies.

"Bakit walang zombies?" tanong ko.

"Kasi, Dahil matagal na silang zombies, Unti unti na silang nagde-decompose at pag natamaan sila ng UltraViolet rays mula sa araw ay mas napapabilis ang pag-dedecompose nila, kaya sa gabi sila madalas na lumalabas o sa mga kulob na lugar tulad ng Puregold." Sabi nung Japanese

"Ha?" Ang nakanganga kong sabi

"UGHHH" Sabi ni Anne.

"In Short, mahina sila pag may araw" Sabi ni James

"Ahh."

"Ang hypothesis ko, pagdating ng panahon at wala na silang makain, unti unti silang madedecompose at matatanggal ang mga natitirang laman sa kanilang katawan hanggang maging mga living bones sila, at pagdating ng panahon na yoon, magiging mas malakas at aggresive sila." Sabi ulit nung Japanese

"Parang sa Warm Bodies?" Tanong ko

"Eksakto" Sabi nung japanese.

Hindi na ako nagtanong, bago pa mangyari yun, ay kailangan ko nang makita si Asuka at mamamalagi na kami dito kasama ang iba.

Nasa Mcdo na kami at nakikita ko sa loob ng Mcdo ay maraming zombies na nagsisiksikan para lang hindi matamaan ng araw. Kahit nakikita nila kami, hindi sila makalabas, ang magagawa lang nila ay ang magwala sa loob. Nang makita ko kung gaano karami ang mga zombies sa Mcdo, hindi maalis sa isip ko kung gaano pa karami ang mga zombies sa Puregold.

Naglakad kami papuntang puregold, ginamit namin ang isang lane sa kalye, Ilang segundo narin ang lumilipas pero walang kumikibo, nang biglang

“sa palagay niyo, tumat*e kaya ang mga zombies?” Tanong ni Makoto(Sa wakas at naalala ko narin)

“nonesense” sabi ni Anne

Hindi na muling nagsalita si Makoto hanggang makarating kami sa parking lot ng Puregold. As expected walang mga zombies dahil maaga pa, ngunit sa ilang sandali lang ay maglalabasan nadin sila.

“Mag-ingat kayo” Sabi ni Bren habang dahan dahang lumalapit sa pintuan ng Puregold.

Inihanda namin ang aming mga baril habang lumalapit sa pintuan. Kung iisipin, ang mga pintuan sa mga supermarkets at malls ay transparent, pero ang isang ito’y may mga “plywood” na nakasalansan na nagresulta sa pagtataka ng aking mga kasama.

SILENCE: You, Me and the Zombies BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon