XAVIER
Halos 3 araw narin akong naglalakad...
Walang tulog, walang pagkain, At unti-unti naring nawawalan ng pag-asa.
Paulit ulit na bumabalik sa alaala ko si Asuka, nang mahulog siya mula sa rooftop at pagbaba ko para puntahan siya ay nabigo ako dahil ni bakas ng dugo ay wala. Wala si Asuka kung saan siya bumagsak. Nilibot ko nadin ang loob at labas ng gusali ngunit wala akong nakitang bakas niya. Kahit tawagin ko ang kanyang pangalan ay walang sumasagot.
Minsan ay sumagi nadin sa isip ko na baka.......
Hindi.. Hindi pwede, kung nangyari sa kanya 'yun, dapat ay may bakas man lang ng dugo, pero wala.
Nasaan siya? Saan ko siya sisimulang hanapin? Nanghihina na ako. Lalong dumadami ang mga patay na ito. Halos wala na akong mapuntahan para makapagpahinga dahil bawat kanto ay may mga ZOMBIES. Tama.. ZOMBIES, Ayoko nading bumalik sa Van, at baka buhay pa yung mga tao doon. Hindi naman sa ayaw kong makakita ng tao, pero kung siya nalang ang dadatnan ko doon, di bale nalang na makipagsapalaran ako dito.
2WEEKS
Nakahanap ako ng isang sasakyan sa may tapat ng isang Supermarket. Van siya at tila ba'y magbabakasyon ang pamilyang nagmamay-ari ng van sa kadahilanang, may mga swimsuit, pagkain, lotion at marami pang iba. Ano na kaya ang nangyari sa pamilyang nagmamay-ari nito. BAKIT kailangan ko pang itanong sa sarili ko kung ano ang nangyari sa kanila. Malamang ay isa narin sila sa mga zombies na gustong gustong kainin ang mga lamang loob ko.
Di bale na, ang mahalaga ay may sasakyan ako at may makakain ako ng 3araw. Malamang ay makakapagpahinga narin ako kahit 2oras lang, pero bago ang lahat ay kailangan kong lumayo dito sa siyudad.

BINABASA MO ANG
SILENCE: You, Me and the Zombies BOOK 2
HororA Sequel to the First Short Story:Silence. Xavier is on the run to find his girlfriend Asuka but what if Asuka doesn't remember him anymore and lives with a different name and a different boyfriend named Xavier too? Find tthe answers in their apocal...