Dedicated to two of my undying readers. Kaso sa isa ko muna idededicate to di ata pwede ang dalawa!
*A/N: Pasensya na at ngayon lang nakapag-update ulit. Nag Christmas break at nagka-anomalya yung lappy namin. Kaya ni-refomat pa ni Kuya John! (Thanks to Kuya John and James Salvador)
Sa mga readers po na nagtataka sa pag ho-hold ko ng "The Bodyguard" nagkaroon lang ng problem sa story line at may nagke-claim na plagiarism daw, pero hindi naman so tatapusin ko na muna siguro yung next three chapters tapos ia-upload ko ng sabay-sabay. Magkakaroon din ako ng bagong story within the month habang naka hold yung The bodyguard.
Back to the story, Hinabaan ko tong chapter na to para masatisfy yung mahabang panahon ng paghihintay!!!
ASUKA
Nasaan ako? Bakit wala akong makita? Zombie na ba ako? Nasa heaven na ba ako? Bakit hindi ko maigalaw ang kamay at paa ko? Hindi ko maibukas ang bibig ko..
"OY!! Gising na ata to!" ang boses ng isang lalaking nararamdaman ko na isang bata.
"Miss ok ka lang ba?" tanong nito
"UMMM.UMM" sagot ko dahil hindi ko maibukas ang bibig ko
"Ay sorry." sabi ng lalaki at tinanggal niya ang nakatali sa aking bibig at mata para ako'y makapagsalita at makakita.
*Malalim na paghinga*
"Nasaan ako?"
"Nasa Kapitolyo ka"
"kapitolyo??"
"Malolos"
"Paano ako napunta dito?! nasa..."
"Ano?"
"Nasa......Teka, sino ako?"
"Seryoso Miss?"
"Ha?"
"Kamusta na siya ha Shane?" tanong ng isang lalaking kaidad ko na hula ko ay kapatid ni Shane(Yung bata)
"Nako kuya, wala atang natatandaan"
Lumuhod siya at tiningnan niya ako sa mata
"Wala ka ba talagang natatandaan? Supermarket? Tumalon?"
"HA??!!" sagot ko na halos pasigaw at naramdaman kong masakit sa tenga ang pagsigaw kong iyon.
"Wala nga siyang naaalala. Wala tayong mapapala dito" Sabi ng Kuya ni Shane sabay tayo at umalis.
"Sino ako?" tanong kong muli kay Shane
"nako ate, hindi ko rin masasagot yan. nakita ka lang namin ni kuya na tatalon ng supermarket, at niligtas ka namin sa mga zombies at dinala dito. Dito kasi ang kampo namin ni kuya, sa Malolos Bulacan. baka taga-Maynila ka. Doon ka namin natagpuan"
Ansakit ng ulo ko, walang nagsi-sink in sakin. Sino ako? Nasaan ako? Baka mamaya ay.... NAKO! In the first place, kung totoo ang sinasabi ng batang ito, dapat hindi ako nakagapos, dapat pinakawalan man lang nila ako? Bakit tinanggal lang nila yung piring ko at yung busal kung mga mababait silang tao? Teka, paano kaya kung boyfriend ko pala itong kuya ni Shane at na-disappoint siya kanina kaya siya umalis? E kung girlfriend naman niya ako ba't naman nila ako igagapos? At isa pa, Ako? Tatalon sa building?! Huh! at bakit naman. At ano tong mga zombies na sinasabi nila?!!! Niloloko ba nila ako?!!!
"Ate... Alam kong naguguluhan ka din pero kailangan ka naming itali" sabi ni Shane na parang nababasa ang nilalaman ng utak ko.
"Ahh ehhh... bakit naman?"
"Alam mo na baka nakagat ka" sabi ni Shane
"Nakagat ng ano? lamok? ano to dengue?"
"Ng....hindi mo rin natatandaan?"

BINABASA MO ANG
SILENCE: You, Me and the Zombies BOOK 2
HorreurA Sequel to the First Short Story:Silence. Xavier is on the run to find his girlfriend Asuka but what if Asuka doesn't remember him anymore and lives with a different name and a different boyfriend named Xavier too? Find tthe answers in their apocal...