Chapter Two: Xavier

187 3 0
                                    

Sa aking patuloy na paglalakad, kung saan saan narin ako nakapunta, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko parin nakikita ang gusto kong makita. Si Asuka. 
Wala akong naaalala kung kailan ko sinabi sa kanya na mahal ko siya. Naiiinis ako sa sarili ko na wala akong nagawa. Sa araw-araw na dumadaan, wala akong ibang inisip kundi kung ano na kaya ang lagay ni Asuka ngayon. Hindi din maalis sa isip ko na baka isa na siya sa kanila. sa mga ZOMBIES na yan. 

Simula nang mangyari ito, naisip ko na hindi pala talaga nakakatuwa ang zombies. Bago magsimula ang lahat, isa akong gamer at isa sa mga paborito kong laruin ay ang mga larong may kinalaman sa mga zombies. Pero napagtanto ko na mahirap pala talaga. 

Sa aking paglalakad sa bayan ng Malolos, sa loob ng BSU(Bulacan State University) ay mayroon akong nakitang isang estudyante sa itaas ng Natividad hall(Engineering hall) na tila kumakaway sa akin. Nakapagtataka din na walang mga zombies sa paligid. Malamang ay mayroon silang laman na pinagpipiyestahan. Pero bago ko ibalik ang atensyon ko sa estudyante na nasa 4th floor, BAKIT ba nangyari sa amin to? halos ilang buwan nadin simula ng mangyari to at hindi ko parin maintindihan ang ipinararating ng ipinahiwatig ng isang lalaki sa aking computer screen tungkol sa kalokohang ito.

"PSST"

Lumingon ako kung saan nanggagaling ang tunog at nakita ko ang estudyanteng nasa 4th floor na sumusutsut sa akin. Minabuti kong pumunta sa kinaroroonan niya, nakahanda ang baril, inakyat ko ang tila walang hanggang hagdan sa Natividad hall. Hindi ako makapaniwala na isa itong unibersidad sa "past life" nito. Pero sa bawat floor ay may mga tambak na katawan ng mga zombies na tila pinagmalupitan. 

Nang makarating na ako sa 4th floor ay may "makeshift" na pinto sa may hagdan at may tatlong lalaking estudyante na may mga hawak ng tig-iisang Pump-action shotguns model 870 na may scope. Alam ko yun dahil sa paglalaro ko ng Max Payne.Pss.. nevermind..

"Nakagat ka ba?" Tanong ng isa

"Hindi" sabi ko.

"ibaba mo yang baril mo"

Parang napanood ko na sa pelikula to ah. bakit naman kaya nila ako pag-iisipan ng masama kung kakaunti nalang kaming mga tao sa mundo? Magpapatayan pa ba kami?? At isa pa, nag-iisa lang ako na may hawak ng Caliber 45 na pistol na sa kahit anong husgado mo itanong ay walang laban sa tatlong shutguns... Ibinaba ko ang baril ko at itinaas ang mga kamay, Lumapit sa  akin ang dalawang lalaki, habang ang isa'y nakatutok parin sa akin ang baril.

"Anong pangalan mo?" Tanong ng lalaking may hawak ng baril

"Xavier" sabi ko.

"Taga-saan ka?"

"Plaridel"

"Ikaw lang mag-isa?"

Tila ba'y binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang tanong na iyon. Nakalimutan ko na ang tungkol kay Asuka. Hindi ko masagot ang tanong at hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

"pasensya na, wag mo nang ikwento"

Sinamahan nila ako sa loob ng isang computer laboratory kung saan may mga estudyante na nasa 30 katao.

"paano?" ang sinabi ko na naka-nganga, hindi makapaniwala na ganito karami ang mga taong nakikita ko.

"halos dalawang araw kaming nag-stay dito, dahil sa thesis namin, sa loob ng dalawang araw, malamang ay doon kumalat ang virus o anuman, at nandito lang kami sa loob. kaya hindi kami naapektuhan" sabi ng isang babae na tila ba'y leader ng buong grupo.

Wala akong masabi. Nababakas ko sa mga mukha nila ang tuwa na nakakita sila ng isa pang kauri nila.

"may mga pagkain kayo dito?" ang tanong ko

"Mayroon, pero paubos nadin. Maswerte at maraming lalaki dito kaya nakakakuha kami ng pagkain, pero ilang araw palang ang nakalipas nang umalis ang lima sa amin para pumunta sa labas at maghanap ng pagkain, pero hanggang ngayon, hindi pa sila bumabalik.

"Kaya ngayon, hangga't maaari ay walang lumalabas sa amin, at paubos na ang pagkain at tubig namin" dugtong ng isa.

"Ligtas ba dito?" Tanong ko.

"Mula 4th hanggang 5th floor, cleared. wala nang mga zombies. ginawa namin itong maliit na community, noong mga huling sandali na may kuryente pa ay gumawa kami ng transmitters para maka-connect sa lahat pero walang sumasagot.

"Transmitters?Paano?"

"Mga computer engineering students kami, at nandito lang din sa 4th floor ang library" sabi ng lalaking nakasalamin na tila tagaplano ng grupo.

"Anong pangalan mo?" Tanong ng lalaking nakasalamin

"Xavier, Xavier Matteuzi"

"Ah, ako si Makoto Mori"

"Japanese?"

"Oo. Teka, wala ka bang kasama?"

Napabuntong hininga na lamang ako at ikinuwento ko sa kanila ang tungkol kay Asuka at sa iba naming kasamahan.

Nang matapos ko ang kwento ko ay may mga nakikita akong nagpupunas ng kanilang mga luha ng biglang

"Marami ka palang karanasan, sumama ka sa amin para maghanap ng makakain at mga gamot" sabi ng isa sa tatlong lalaking kanina ko nakita.

"Hoy James, kararating palang niya dito at mamandohan mo aggad siya? mahiya ka naman!" Sabi ng isang babae

"Mamamatay na tayo at gusto mo pang isipin ko ang kahihiyan at moralidad?"

"Sige sasama ako." Sinabi ko para matigil na ang usapan.

"Maghanda ka, mamayang hapon aalis tayo" sabi ni James.

"saan?" sabi ko.

"Sa Puregold, kaunting lakad lang yun mula dito, doon din pumunta ang mga kaklase namin na hindi pa bumabalik."

SILENCE: You, Me and the Zombies BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon