Chapter Seven: Xavier Daniel

130 2 1
                                    

Chapter 7

XD

Di rin nagtagal at naiayos na namin lahat ng kakailanganin namin at halos dalawang oras na kaming nasa daan. At dalawang oras narin na hindi ako makakita gamit ang kaliwang mata ko at napakabigat ng mukha ko

"malayo pa ba?" tanong ni Makoto, 

"mga limang oras pa" sabi ko

"XD, tumataas ang lagnat ni Shane." sabi ni Annie

Lumapit ako para tingnan kung ano na ang lagay ni Shane at napakainit ng temperatura niya.

"Maghanap tayo ng malapit na mapagpapahingahan. Yung may mga pagkain." sabi ko kay Anne na siyang nagmamaneho ng coster.

Sa di kalayuan ay mayroong mall.

"Tsk. malamang puno na ng zombies yan" sabi ni Ella

"I-check parin natin"

Dahil tanghaling tapat palang ay siguradong walang zombies sa labas dahil takot sila sa araw.

"May plano ako. Ibaba niyo lahat ng baril niyo" 

"ano???" sabi ni Anne

"Pagpasok natin sa loob, panigurado ay merong mga zombies. Ang gagawin natin, walang babaril. Magpapatubog tayo at saka tatakbo palabas. magpapahabol tayo. Wala silang isip kaya hahabulin lang nila tayo. Pumunta kayo sa matindi ang sikat ng araw."

walang nagsalita sa kanila at halatang natatakot sila.

"Ella, samahan mo si Shane sa loob ng bus. Wag na wag kayong lalabas doon"

"sige" sabi ni Ella.

"Ikaw rin XD wag ka nang sumama" sabi ni Annie

"Hindi, sasama ako."

Hindi ko mapapatawad ang lalaking yon sa ginawa niya sa akin pero para kay Annie o Asuka o ano man ang pangalan niya, pinipigilan ko ang sarili ko.

Nauna akong pumasok sa loob ng mall na mukha namang tahimik.

Walang magulong bagay o mga bakas ng dugo o amoy man lang na may zombies dito.

Naglibot libot kami at nakita na wala ngang zombies. Dalawang palapag ang mall at wala parin kaming nakikita kahit sa department store o supermarket.

1 pm palang pero nagdesisyon kaming gumawa muna ng plano at saka tumuloy.

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay nagtipon tipon kami sa isang fastfood at umupo.

"Xavier,Makoto at Anne maglibot kayo at maghanap ng mapa at mga magagamit natin."

"Annie sumama ka sakin, pupunta tayo sa rooftop at titingnan kung may malapit na hospital"

Pagkatapos ay nagpunta na kami sa kanya kanya naming destinasyon

***

"masakit pa ba yang mga pasa mo?"

"Hahahah! sa palagay mo?"

......"first time kitang narinig na tumawa ah!"

"Oo, masakit pa pero okay lang"

May nakita kaming malapit na clinic, walking distance lang mula sa mall. 

"Kailangan nating pumunta doon"

"Ngayon na?" 

"Oo"

Bumalik kami sa fast food chain at hinintay yung tatlo

"Dalin niyo si Ella at Shane dito sa loob at hintayin niyo kami, pupunta kami sa clinic, malapit lang diyan. Maghanda kayo at kahit anong oras e pwedeng may lumabas."

SILENCE: You, Me and the Zombies BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon