Chapter Eight: Asuka

109 2 4
                                    

Chapter Eight: 

ASUKA

Halos dalawang oras nadin na walang nagsasalita sa loob ng CR-V, si Makoto, naririnig ko ang tahimik na pag-iyak niya. Ganoon din si Ella na nakatakip ang kamay sa kanyang bibig. Si Xavier, hindi na umiiyak, nakatulala lang sa labas. Si XD ganoon din, nakatingin lang sa labas.

"Ma...mawawalan na tayo ng gas. Kailangan nating huminto" sabi ni Makoto

"Sige, huminto tayo sa susunod na gas station" sabi ni XD na hindi tumitingin kay Makoto

Huminto kami sa Petron, kung saan ay may mga katabing mga fast food chain. Halos hapon narin noon, kaya may mga zombies na gumagala sa daan. Pero hindi sila/kami natakot at lumabas kaming lahat. Hindi kami pinapansin ng mga zombies na gumagala halos 3ft away. Kaya nakapag-gas kami ng maayos.

Pero

*Bang *Bang

Nakakatakot ang tunog na inilalabas ng baril ni Xavier. Pagkatapos ng insidente kay Anne, natakot na ako sa tunog ng baril

*Bang *Bang

Patuloy parin niyang kinakalabit ang baril at unti-unti nang natutuon sa amin ang pansin ng mga zombies

"Xavier! Tigilan mo yan!" Ang sabi ni XD

tumigil si Xavier, may luhang umaagos sa kanyang pisngi

Umiiyak nadin si Ella na tumakbo papalapit sa kanya

"Kasalanan ko ang lahat! Kung bakit siya namatay!" sabi ni Ella habang nakayakap kay Xavier

"P....P.....Pin...atay ko si......A.." sabi ni Xavier

"K....Kailang...an... nilang.... maubos....." patuloy niya

Lumapit si XD at dali-daling kinuha ang baril sa kamay ni Xavier at initsa sa likod ng CR-V. Inalalayan ni Makoto at Ella si Xavier papasok sa CR-V.

"Ako na muna ang mag-da-drive, mamahinga ka na muna Makoto" sabi ni XD

Ganoon parin ang pwesto namin, yun nga lang ay napalitan ni Makoto si XD sa pwesto.

"Hindi mo kasalanan yun" sabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na i-comfort si Xavier lalo na sa panahong ganito

Napatingin siya sa akin, dumadaloy parin ang luha sa mga pisngi, Sumandal siya sa aking balikat at nakita ko na nakita yoon ni XD, pero pinabayaan ko lang si Xavier. Wala namang malisya sa akin ito. 

Umiiyak parin siya at nang magtagal ay nakatulog narin siya.

Malapit nang mag-gabi at dumadami narin ang zombies sa paligid.

"Kailangan nating makahanap agad ng matutuluyan, hindi pwedeng manatiling nakabukas ang ilaw ng kotse magdamag, matutunton tayo. Hindi rin ligtas na magmaneho tayo." sabi ni XD

Sakto namang nagising nadin si Xavier at ngumiti siya sa akin. Hindi ko siya nginitian dahil siguro akala niya ay maloloko na niya ako.

May nakita kaming parang warehouse, nasa Tarlac na kami, yun ang nakalagay sa mapa.

"Mukhang ligtas dito" sabi ni XD habang ipinaparada ang sasakyan.

"Ako muna ang bababa, sesenyasan ko kayo pag okay na"

"Sasama ako!" sabi ko

"Wag na."

At dali-dali siyang bumaba mula sa sasakyan

XD

 Nagagalit ako. 

***

Chineck ko ang warehouse at mukha namang walang zombie o kung ano mang mga elemento dito, meron ding mga tools na magagamit namin. 

SILENCE: You, Me and the Zombies BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon