Chapter Nine
ASUKA
"Saan naman natin hahanapin si Shane?" tanong ni Xavier
"Hindi ko din alam, hindi naman tayo pwedeng sumigaw dahil baka marinig "nila" tayo"
Halos estimated na 30 minutes na kaming naglalakad sa gubat at hindi narin alam kung papaano kami babalik sa pinanggalingan namin
"Tingnan mo to!" sabi ni Xavier na nakaluhod
"Dugo!!"
"Sundan natin. Dito ka lang sa likod ko, ako ang mauuna"
Hindi ako kumportable sa baril kaya kumuha nalang ako ng Knife collection sa mall, at yoon ang dala dala ko ngayon. Si Xavier naman ay may dalang malaking baril na parang ang tagal tagal na niyang hawak pero alam ko ngayon ko lang nakita yun na hawak niya. I mean, lagi naman yun kasama sa mga bagahe namin pero ngayon lang niya inilabas yun. Pero parang nakita ko narin na hawak-hawak niya yoon. Hindi ko lang matandaan.
Napansin niya sigurong nakatitig ako sa baril niya
"Eto, isang Rapid-fire MP5SFK.. Nakuha ko ito sa Police Station sa Malolos noon, noong magkasama pa tayo"
"Talaga bang kilala mo ako?"
"haha! Magsisinungaling ba ako?"
"malay ko? baka mamaya e inaakit mo lang ako"
"Inaakit?! HA! Kung maalala mo lang yung mga sinasabi mo sa akin noon, mahihiya ka sa sinasabi mo ngayon"
"Teka.... tingnan mo yun"
Lumapit kami sa isang puno na may bahid ng dugo, parang humito siya dito ng matagal, siguro ay nagpahinga siya.
"Bakit naman siya aalis sa kotse?"tanong ni Xavier
"Hindi ko rin alam"
halos mga dalawang oras narin kaming naglalakad pero wala parin kaming makitang lead. Nawala nadin yung dugo na sinusundan namin at parang paikot ikot lang kami dahil parang yoon din yung mga nakikita naming puno kanina pa.
Tirik na tirik ang araw pero hindi ako makasigaw dahil nahaharangan ng malalaking puno ang gubat kaya malilim dito. Mahirap na.
"Magpahinga muna tayo doon" sabi ni xavier at nakaturo sa isang maliit na parang ilog sa di kalayuan
Umupo kami sa isang bato at hindi ko naiwasan na tanungin siya
"May natatandaan ka ba na kantang Mamang sorbetero?"
Nagulat siya sa tanong ko at hinawakan niya ang mukha ko
"Naaalala mo na?!!" sabay yakap sa akin
"Bitawan mo nga ako" sabay tulak sa kanya
"Bakit?"
"Napapanaginipan ko lang yun. Hindi ko pa naaalala lahat. At tsaka paano kita nagustuhan kung ganyan ka? nangyayakap ng babae ng hindi nagpapaalam?"
"Ipinagpapaalam pa ba yun?"
"Sakin, Oo"
"Ringtone mo 'yun. Yung mamang sorbetero"
"Ringtone?"
Parang may balang tumama sa isipan ko, parang may mga pangyayari na nag-pa-flash at nahihilo ako......Nakikita ko ang sarili ko na nasa loob ng isang van na mala-Ben 10 ang style at sumisigaw... Mayroon ding mga foreigner.... May airport at marami pang iba....
"Oh... okay ka lang ba??"
Nahilo pala ako at bumagsak. Sinalo ako ni Xavier
"Oo, okay lang, medyo nahihilo lang ako"
BINABASA MO ANG
SILENCE: You, Me and the Zombies BOOK 2
KorkuA Sequel to the First Short Story:Silence. Xavier is on the run to find his girlfriend Asuka but what if Asuka doesn't remember him anymore and lives with a different name and a different boyfriend named Xavier too? Find tthe answers in their apocal...