NAGULANTANG si Trisha nang may narinig siyang ungol na nagmumula kabilang kuwarto—ang kuwarto kung saan dinala ni Genesis si Alice. Hindi tuloy maiwasan ng kaniyang isip na lumikha nang kung anu-ano.
Nagsilaglagan tuloy ang mga unan mula sa kama nang mahila niya ang bedsheet noong dali-dali siyang bumangon. Patakbo siyang nagtungo sa labas ng kwarto ni Alice, at itinutok ang tainga niya sa pinto para pakinggan kung ano talaga ang nangyayari sa loob.
"Kung anu-anong problema na naman ang pinapasukan mo, Alice! Paano 'pag nabuntis ka?" kinakabahang sabi ni Trisha sa kaniyang isip habang kagat-kagat ang kaniyang daliri. Tuloy-tuloy rin ang pagpatak ng pawis mula sa kaniyang noo.
"Aahhhhh!!! Ang sakit!" Narinig niyang sigaw ni Alice.
Napatampal siya sa kaniyang noo nang mapagtanto niyang mukhang tama ang kutob niya na may kababalaghan silang ginagawa sa loob. Pinaghalong kaba at inis ang nararamdaman niya ngayon: kaba dahil baka mapahamak at masaktan na naman si Alice, at inis dahil mabilis siyang nagtiwala kay Genesis. Wala, eh. Naging desperada sila para may matuluyan lang.
Nilalamon na talaga siya ng kyuryosidad kung ano ba talaga ang ginagawa nina Alice at Genesis sa loob. Napailing siya nang maisip na baka maging ninang o kaya ay made of honor siya nang wala sa oras.
"Aahhhh! Ayoko na! Please!" Nanlaki ang mga mata niya sa sunod niyang narinig.
Kinutuban siya na baka may ginagawa nang masama si Genesis sa kaniyang bestfriend! Sa bagay, hindi na siya magtataka dahil hindi pa nila lubos na kilala si Genesis. May kasalanan din sila dahil hindi muna nila agad siya kinalalang mabuti.
"Sabi ko na nga ba, eh, dapat hindi kami kaagad nagtiwala. Kanina lang naman namin siya nakilala. Baka sekretong miyembro pala ng sindikato si Genesis. Lagot na talaga siya!" litanya ni Trisha sa kaniyang sarili at pinagkrus pa ang kaniyang mga braso.
Hindi na siya nag-aksya pa ng oras. Binuksan niya na ang pinto, masuweerte siya dahil hindi naman pala iyon naka-lock, at sumugod sila sa loob.
"Anong ginagawa mo? Napakasama mong nilalang!" Umalingawngaw ang boses niya apat na sulok ng kuwarto. Napalingon si Genesis sa kaniya kaya agad niya siyang pinaghahampas nang malakas.
Tumama ang kaniyang mga kamay sa likod, braso, dibdib, at maging sa mukha ni Genesis. No'ng tumagal ay nasalag na ni Genesis ang mga hampas mula kay Trisha.
"Let me explain first!" Patuloy pa rin naman sap ag-iwas si Genesis.
Mayamaya ay kusang napahinto si Trisha nang makita niya ang kalagayan ni Alice. Nakaupo siya sa ibabaw ng kama at patuloy sa pagwawala habang nakapikit, na tila ba tulog ang kaniyang diwa. Magulo rin ang kaniyang buhok, at basing-basa ng luha ang kaniyang pisngi
Agad namang lumapit si Trisha kay Alice, at hinawakan siya nang mahigpit dahil ibanabato na niya ang isa pang hawak niyang unan. "Teka! Si Alice, bakit nagkakaganyan?"
Kinuha naman ni Genesis ang unan, at marahang inilapag sa dulo ng kama kung saan hindi maabot ni Alice. Pagkatapos n'on ay inumpisahan niya nang magsalaysay habang bumabalik sa kanyang alaala ang nangyari kanina.
Hindi namalayan ni Genesis na nakatulog na pala siya sa couch ng kuwarto dahil sa pagbabantay kay Alice. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang hindi niya mamataan sa kama si Alice. Agad siyang bumangon at napahikab para hanapin ang dalaga.
Napalingon na lang siya sa may malapit sa bintana ng kuwarto at nakita ang dalagang umiiyak. Nilapitan niya ang dalaga para sana patahanin kaso marahas siya nitong itinulak, pero hindi siya nagpatinag.
BINABASA MO ANG
✓Journey To The World Of Make-Believe
FantasyPinakaasam ni Alice ang maranasan ang perpektong pag-ibig at happily ever after, na sinasabing matatagpuan lang sa Fictional World. Dream come true sa kaniya noong pagbigyan siya ng tadhana na mapunta roon. She met there a guy that changed her lonel...