Inis na inis si Alice sa sarili niya dahil sa dinami-rami ng mga araw na dalawin siya ng katangahan ay ngayon pa. Dalawang oras na ang nakalipas simula noong na-trap siya sa loob ng kuwarto ni Genesis, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaiisip ng paraan upang makaalis doon.
Napaawang ang bibibig niya nang mapagtanto niyang katatapos lang palang maligo ni Genesis dahil naka-pajama lamang siya at basing-basa ang kaniyang buhok. Nakatulala lamang kasi siya habang nakasalampak sa tapat ng pinto kaya hindi niya napansin ang pagpasok ni Genesis sa sariling cr niya sa kuwarto. Ni hindi niya nagawang tignan o kausapin siya kanina.
Gustong sapukin ni Alice ang kaniyang sarili dahil hindi niya maalis ang pagkakapako ng tingin kay Genesis—sa topeless na katawan ng binata. Kitang-kita niya tuloy ang abs ng binata.
"No, Alice! Huwag kang mahuhumaling lang sa ganiyan! Remember, galit ka sa kaniya!" panenermon ni Alice sa kaniyang isip.
"Nag-e-enjoy ka na yata sa pagtitig sa akin," nakangising sabi ni Genesis sa kaniya. Tumutulo pa sa sa kaniyang pisngi, pababa sa kaniyang leeg, ang mga patak ng tubig galing sa kaniyang basing buhok.
Nag-iwas naman ng tingin si Alice at itinuon ang pansin sa nakapatay na flat-screen TV sa tapat ng kama ni Genesis. "So? Ano ang pake ko sa topeless mong katawan?" Pinagkrus niya pa ang kaniyang mga braso. "Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa akin!"
"'Di nga? Bakit ka ba nag-iiwas ng tingin?" Ngisi naman ni Genesis. "Aminin mo na lang na nag-e-enjoy ka talaga," pang-aasar naman sa kaniya ni Genesis kaya tinaasan niya ito ng kilay.
"ASA! Ang kapal mo! Hindi naman nakaka-attract iyang abs mo dahil taba lang iyan!" sagot niya kaya mas napangisi ang binata. Tumalikod na si Alice at pinilit na namang binubuksan ang pinto ngunit bigo pa rin siya.
"Tungkol nga pala kanina... sorry na, Alice," malumanay na wika ni Genesis.
Naninikip ang dibdib ni Alice sa mga pinagsasabi ni Genesis. Iniisip niya na baka hindi bukal sa kalooban niya ang paghingi ng tawad. Na baka niloloko lamang siya. Kahit bigkasin niya ang salitang patawad ay hindi pa rin agad naghihilom ang sugat sa kaniyang puso.
"Sorry? Genesis, buong buhay ko, ngayon pa lang ako nasabihan ng malandi. Eh 'di sana naghabol ako kay Kenndrick na parang isang desperada." Ngayon naman ay nakapamewang na siya. "Genesis, wala kang karapatang sabihin na may pake ka sa akin dahil una sa lahat, nasaktan mo rin ang damdamin ko."
Sa pagkakataong iyon ay hindi na tumutulo ang mga luha ni Alice. Kayang-kaya niya nang pigilan, subalit tila tinutusok ng tinik ang kaniyang lalamunan hanggang sa kaniyang dibdib. Hindi rin niya tinaasan ng boses si Genesis, subalit bakas sa kaniyang boses ang paghihinagpis.
Hindi kasi sapat ang salitang "sorry" sa masakit na nasabi sa isang tao, dahil hindi na maibabalik ng sorry ang katagang nabanggit. Inaamin naman ni Alice sa sarili niya na naging ganoon din siya kay Genesis, pero mas masahol naman ang sinabi ng binata sa kaniya.
"I didn't mean it. Please Alice, patawarin mo na ako," pagmamakaawa naman ni Genesis.
"Patawad? Sa tingin mo gano'n kadali, Genesis? Oo, naging harsh din ako sa pagsasalita sa iyo, pero hindi naman kasing sahol ng sinabi mo sa akin!" sumbat ni Alice, at sa pagkakataong iyon ay nataasan na niya siya ng boses.
"Pasensya na, alam ko namang hindi mo ako kaagad mapapatawa. Sana ay makabawi ako sa iyo at maipakita ang totoong ako. At saka, gusto kong maitama ang nagawa kong mali," tugon ni Genesis at hinawakan pa sa balikat si Alice.
Nanlaki ang mga mata ni Alice nang lumuhod pa si Genesis. "Please, Alice, ano ba ang pwedeng gawin ko para lang mapatawad mo ako."
Naramdaman ni Alice ang sinseridad ng binata nang sabihin niya iyon sa kaniya. Lalo na noong lumuhod siya. Sa ginawa niyang iyon, unti-unting natitibag ang pader na pumapalibot sa puso ni Alice. Unti-unting lumalambot ang puso niya.
BINABASA MO ANG
✓Journey To The World Of Make-Believe
FantasiaPinakaasam ni Alice ang maranasan ang perpektong pag-ibig at happily ever after, na sinasabing matatagpuan lang sa Fictional World. Dream come true sa kaniya noong pagbigyan siya ng tadhana na mapunta roon. She met there a guy that changed her lonel...