"Mabuti naman at nagkaayos na kayo ni Genesis. Nalaman ko kasi kina Carl 'yong nangyari," saad ni Eve. Inilapag niya ang dala niyang maliit na basket, na naglalaman ng mga prutas, sa tabi ng hospital bed kung saan nakaupo si Alice.
"Tingin niyo po ba tuluyan nang naayos 'yong relasyon namin?" tanong niya at ngumiti nang tila walang kasiguraduhan sa mga nagaganap. "Pakiramdam ko po kasi ay hindi pa."
Kahit kasi ipinaliwanag na ni Genesis sa kaniya ang lahat kahapon, pati na rin 'yong ginawang pagpapaubaya ni Angeline, hindi pa rin siya kuntento. Pakiramdam niya ay may kulang pa rin. Hindi niya lang matukoy kung ano iyon.
Hinila naman ni Eve ang monoblock chair na nasa sulok, at inilapit iyon malapit sa harapan ni Alice, saka siya umupo. Gamit ang kanang palad niya ay inabot niya ang kanang pisngi ng dalaga.
Ramdam tuloy ni Alice ang mainit na palad ni Eve. Muntik pa ngang napatulo ang kaniyang mga luha nang matitigan niya ang mga mata nito. Punong-puno ng lungkot at kasabikan, na tila ba may hinihintay na makita ang mga malulungkot nitong mga mata.
"Nararamdaman ko ang nararamdaman mo, Alice. Sa buong 50 years na pamumuhay ko rito, at sa buong 30 years na paghihintay ko sa kaisa-isa kong inibig, masasabi kong naiintindihan nga kita," pagsasalaysay ni Eve at inalayo na nito ang palad nito mula sa pisngi ni Alice.
"M-Miss Eve..."
"30 years na akong naghihintay sa kaniyang pagbabalik, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako napapagod. Alam kong sa dulo ng paghihintay ko ay magtatagpo kaming muli; maayos pa ang nasira naming pag-ibig. Kaya huwag kang magsasawang maghintay, Alice. Darating din ang araw na tuluyang magiging maayos ang relasyon niyo ni Genesis."
Napaawang ang bibig ni Alice sa tinuran ni Miss Eve. Napakaraming sabado niya na siyang nakakasama, pero ngayon niya lang nalaman ang tungkol sa gan'ong katagal na paghihintay ni Miss Eve. Kaya pala pala-isipan sa kaniya ang pagkatao nito, pati na rin ang Make-Believe Bar.
"Darating din ang araw..." bulong ni Alice. "Sana bumilis ang paglipas ng mga araw para makamit na natin ang mga inaasam natin."
Napangiti naman si Miss Eve sa tinuran niya. "Ganiyan nga, Alice! Tatagan mo ang loob mo pa ang loob mo.
Nahawa naman siya sa ngiti ni Miss Eve kaya tuluyan na rin siyang napangiti. "Ah, oo nga pala, may gusto po sana akong itanong kung ayos lang. 'Yong tungkol sana sa Make-Believe Bar... bakit tuwing sabado lang po ninyo iyon binubuksan? Marami namang pumupunta roon."
Napakamot si Miss Eve sa kaniyang batok. "Dahil iyon sa isang nabuong pangako na hanggang ngayon ay hinihintay ko."
"You mean po, related iyon doon sa taong 30 years niyo nang hinihintay?"
"Oo, tama ang sinabi mo. Nagkakilala kami noong 18 years old pa lang ako. 'Yong Make-Believe Bar, dating shop ng mga musical instruments ng mga magulang ko. Ako dati ang nagbabantay roon, at doon din unang nagkrus ang mga landas namin. Bumili kasi siya ng bass sa shop namin at ako ang nagbenta," pagkukuwento ni Miss Eve. Inilabas nito ang kaniyang wallet mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. May kinuha siyang larawan doon at ipinakita kay Alice.
Pinagmasdan ni Alice ang medyo nalukot nang larawan. Nagsisimula na rin itong mag-fade subalit kita niya pa rin ang hitsura ng taong tinutukoy ni Miss Eve. Simple lamang ang hitsura nito, at litaw na litaw ang pagiging inosente nito dahil sa kaniyang side-parted short hair. Simple rin ang pagngiti ng maninipis nitong labi.
"Mukha siyang mabait," sambit ni Alice. Hindi pa rin niya maalis ang pagkakatitig sa larawan.
"Oo, sobrang bait talaga ni Henry." Hindi maikaila ang matamis na ngiti sa labi ni Miss Eve habang binabanggit ang pangalan ng mahal niya. "Ayon, bumili nga siya ng bass guitar sa amin. At doon ay nalaman kong iyon pala ang hilig niyang tugtugin gaya ni Genesis."
BINABASA MO ANG
✓Journey To The World Of Make-Believe
FantasyPinakaasam ni Alice ang maranasan ang perpektong pag-ibig at happily ever after, na sinasabing matatagpuan lang sa Fictional World. Dream come true sa kaniya noong pagbigyan siya ng tadhana na mapunta roon. She met there a guy that changed her lonel...