CHAPTER 14 - Past Lover

67 33 27
                                    


SA PANGALAWANG pagkakaton ay nadurog na naman ang puso ni Alice. Hindi niya lubos matanggap na hanggang sa Fictional World ay susundan siya ng pighati. Akala niya ay hindi na siya mamimighati pa roon at umasa sa maling paniniwala.

"Alice, let me explain first." Sinubukan pa siyang hawakan ni Genesis, subalit kusa siyang humakbang paatras upang umiwas.

Nasa likod naman ni Genesis 'yong babaeng kahalikan niya kanina.

Mas matangkad sa kaniya 'yong babae. Hanggang leeg lamang ang kulot nitong buhok. Bilugan ang mga mata nito at manipis ang kaniyang labi. Lumilitaw pa ang kaputian nito dahil sa suot nitong floral dress.

Namumukhaan ni Alice 'yong babae. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang babaeng nabunggo niya noon sa rest room!

"Go on, Genesis. Explain to her that we're already engaged," nakangising entrada no'ng babae.

Mas napaawang tuloy ang bibig ni si Alice sa sinabi niya. "E-Engaged? Sino ka ba?"

Mas lalong lumawak ang ngisi n'ong babae at tinaasan niya pa ng kilay si Alice. "Ako lang naman si Angeline Villareal. Ako fiancée ni Genesis, at ang pamangkin ni Agnes Villareal, founder ng D&C Corporation."

Halos mabuwal si Alice sa nalaman niya. Napatingin na lang siya kay Genesis nang diresto. Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon: lungkot, galit, at panghihinayang.

"Totoo ba ito, Genesis?" tanong niya at pinahid ang mga luhang hindi niya namalayang rumaragasa na sa pisngi niya.

"Oo, fiancée ko si Angeline—" hindi niya na siya pinatapos magsalita.

"Ang kapal ng mukha mong ligawan ako samantalang may fiancée ka na pala! Ginawa mo lang ba akong panandaliang ligaya habang nangungulila ka sa babaeng iyan?" Pulang-pula na sa galit si Alice, samantalang si Angeline naman ay nakangisi lamang.

"Sasabihin ko naman sana sa iyo noon... pero ... pero natatakot akong baka layuan mo ako," pilit na pagpapaliwanag ni Genesis.

Agad namang napahakakhak nang pilit si Alice. "Kung sinabi mo sa akin nang mas maaga noon, talagang lalayuan kita—kusa akong lalayo para hindi ako magmukhang kontrabida sa love story ninyo."

Sa huling pagkakataon, bago pa bumagsak ang kaniyang mga luha, ay nginisian niya sina Genesis at Angeline, pagkatapos ay tumakbo na siya papalayo. Nang makalayo na siya sa bahay ay hindi niya na napigilan pa ang mga luha niya sa pagkawala. Sa pangalawang pagkakataon ay naloko na naman siya. Akala niya ay hindi iyon mangyayari sa kaniya sa Fictional World. Akala niya ay hindi na siya iiyak pa ulit sa bagong mundong ginagalawan niya.

Hindi niya namalayang nakarating na pala siya sa Make-Believe Park. Naupo siya sa harap ng pond at napatulo na lamang ulit ang mga luha niya.

Napapikit siya at isa-isang nag-flash lahat ng masayng alaala na ibinigay ni Genesis sa kaniya. Sa bawat pag-flash nito sa isipan niya ay para bang isa itong patalim na sumasaksak sa kaniyang puso.

"Siguro hindi lang ako ang dinadala niya dito. Siguro dinadala niya rin dito ang babaeng iyon." Iminulat niya ang kaniyang mga mata at ikinuyom ang kaniyang mga palad.

"Sinungaling ka, Genesis! Pareho rin pala kayong mga lalaki rito sa Fictional World at sa totoong mundo!" hinagpis pa niya. Dumampot siya ng bato sa tabi niya at ibinato iyon sa pond.

Hindi pa siya nakuntento, dahil sa labis na poot ay dumampot pa siya ng mga bato. Sunod-sunod na mga bato ang ibinato niya sa pond. Umabot tuloy sa kinaroroonan niya ang mga talsik ng tubig. Humalo pa ang mga iyon sa mga luha sa pisngi niya.

✓Journey To The World Of Make-BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon