CHAPTER 15 - Mistakes

95 37 17
                                    

NAGISING si Alice kinaumagahan na tila pinupukpok ng martilyo ang ulo niya. Napasapo siya sa kaniyang noo at bumuntong hininga. Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa dulo ng kama.

"Okay ka na ba? Inumin mo muna itong kape." Napalingon siya sa may pinto nang makita niya roon si Trisha.

Lumapit sa kaniya ang kaniyang kaibigang may hawak na isang tasang kape. Pagkalapit ni Trisha sa kaniya ay ibinigay sa kaniya ang hawak nitong kape. Agad itong tinungga ni Alice na parang alak.

"What the heck, Alice? Kapapakulo ko pa lang ng tubig na pinantimpla ko riyan!" litanya ni Trisha pero hindi iyon pinansin ni Alice. Pagkaubos niya n'on ay kinuha na ni Trisha sa kaniya ang tasa at umalis.

Pagkalabas ng kaniyang kaibigan ay naisipan niya ring lumabas din muna. Nagtungo siya sa likod ng bahay, sa may hardin, para magpahangin. Naupo siya sa bench kasabay ng kaniyang malalim na pagbuntong-hininga.

Hindi niya makayang manatili sa loob dahil naroon si Genesis. Kanina ngang palabas siya ay palinga-linga pa siya sa paligid at pasimpleng lumabas para hindi siya mapansin ng binata—para hindi sila magkasalubong.

Mayamaya'y napatayo siya nang makitang paparating si Angeline. Huli na ang lahat dahil nakalapit na ito sa kaniya. Akma pa rin siyang aalis, kaso hinigit ni Angeline ang kamay niya at itinulak siya sa damuhan.

Matalim na tingin ang ipinukol ni Alice kay Angeline at padabog siyang tumayo habang pinapagpagan ang kaniyang suot na pajama.

"Anong kailangan mo?" taas-kilay na tanong ni Alice.

Pinagkrus naman ni Angline ang mga braso niya. "Layuan mo si Genesis dahil ikakasal na kami!"

"Kasal? Hindi 'yan uso sa'yo dahil malandi ka!" singhal ni Alice.

Subalit, ilang segundo lamang ang lumipas ay parang namanhid ang pisngi niya nang sampalin siya ni Angeline. Kahit na masakit ang pinsngi niya ay hindi pa rin siya nagpatinag.

"Bakit ka pa bumalik? Masaya na kami ni Genesis! Iniwan mo siya noon tapos babalik ka ngayon na parang hindi mo siya inabanduna!"

"Hindi ko siya inabanduna!" giit ni Angeline at pinanliitan siya nito ng tingin. "Inuulit ko, layuan mo na si Genesis dahil higit na mas mahal ko siya."

"At anong alam mo sa pagmamahal ko kay Genesis? Wala kang alam kung gaano ko siya kamahal," pangisi namang tugon ni Alice. Napakunot din ang noo niya nang makitang nag-iba ang ekspresyon ni Angeline—ngayon ay nakangiti na siya na parang isang anghel.

Nararamdaman niya na may pinaplano si Angeline. Hindi ito maganda, alam niyang may balak siyang masama kaya siya nagkakaganyan.

"WHAT?! Napakawalang kuwenta mo kung gan'on? Hindi ka deserve ni Genesis, dahil lumabas na mismo sa bibig mo na niloloko mo lang siya at si Kenndrick pa rin ang mahal mo," usal ni Angeline.

Mas lalong kumunot ang noo ni Alice. "Ano? W-Wala naman akong sinabi—"

Naputol ang sasabihin niya nang biglang nagsalita si Angeline, at naramdaman niya ang ibang presensya ng taong papalapit sa likuran niya.

"Hey, Genesis!"

Napahakbang si Alice at humarap sa likuran niya. Halos maluha siya nang makitang nakatingin sa kaniya si Genesis gamit ang blangkong ekspresyon nito. Marahil ay narinig niya ang mga gawa-gawang salita ni Angeline.

"G-Genesis..." bulong ni Alice.

Tuluyang bumagsak nang sunod-sunod ang mga kuha niya nang hawakan ni Genesis nang marahan ang kamay si Angeline, at iniwan siyang nakatulala sa likod ng bahay. Napaupo na lamang ulit siya sa bench at pumikit kasabay ng pagpatak ng luha niya.

✓Journey To The World Of Make-BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon