IBA NAMAN

446 23 3
                                    

Iba Naman
(Spoken Word Poetry #1)

Nagkita tayo muli sa dati nating tagpuan,
Bumalik ang mga alaala na pilit kong kinalimutan.
Nakita ko ang lungkot sa iyong mga mata.
Nakita ko kung paano tumulo ang luha.

Naalala mo pa ba yung araw ng una nating pagtatagpo?
Mahal naalala mo pa ba kung saan 'yon?
Dito. Dito kung saan tayo nakatayo.
Dito kung saan tayo muling nagtagpo.

Masaya tayo, sobrang saya,
Dahil hindi lang natin nakilala ang isa't-isa,
Hindi lang tayo naging magkaibigan,
Tayo'y naging Magka-ibigan.

Mahal wala na akong mahihiling pa,
Para sa akin ikaw na talaga,
Lagi mo kong pinapasaya sa mga panahong punong puno ako ng problema.
Hindi ko na alam kung ano aking gagawin kapag nawala ka pa.

Alam natin sa isa't-isa na tayo'y hindi perpekto,
Pero tinanggap natin 'yon,
Tumingin ka sa mga mata ko,
At sinabi ang mga katagang, "hindi kita iiwan, mahal ko."

Umasa ako na hindi ka katulad nila,
Katulad nila na bigla akong iiwan,
Iiwan na parang bula,
Bula na bigla nalang mawawala.

Pero bakit isang araw,
Sinabi mo na hindi mo na ako mahal.
Siya ba, na ngayon mo lang nakilala,
Ang ipapalit mo sa matagal mo ng kasintahan?

Naalala ko kung paano kayo unang nagkakilala,
Yung mga titigan niyo na parang walang ibang nakakakita,
Yung titigan na hindi manlang natin nagawa,
Yung titigan na hindi mo sakin ginawa.

Ginawa ko ang lahat, minahal kita.
Minahal kita ng sobra sobra.
Hindi ko alam kung paano ka niya nakuha,
Ito na ba ang katapusan?

Natatakot ako na baka isang araw tuluyan kang maglaho,
Baka isang araw hindi na tayo magtagpo.
Baka isang araw wala nang tayo,
Baka isang araw hindi na tayo.

Hinabol kita, nagmukha akong tanga.
Pero wala kang sinukli sakin kahit barya.
Akala ko noon wala ng iwanan,
Planado na nga ating hinaharap diba.

Mahal, hindi ka man perpekto,
Hindi ka man gwapo,
Hindi ka man katulad ng iba,
Mahal pa rin kita.

Masaya ako tuwing nandyan ka,
Masaya ako tuwing kasama kita,
Pero ito ang tanong ko,
Mahal, parehas ba tayo ng nadadama?

Hindi ko alam kung papaano nangyari 'to,
Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko.
Mahal hindi ko na alam.
Patawad.

Patawad kung hanggang ngayon mahal pa rin kita.
Patawad kung hanggang ngayon ginugulo kita.
Patawarin mo ako mahal, patawarin mo ako.
Patawarin mo ako kung hindi ako tulad ng iba.

Ngayon, muli kang bumalik,
Naalala ko iyong mga halik,
Pero ayoko na, tama na.
Sapat na yung nagmukha akong tanga.

Para akong kumapit sa manipis na kawayan,
Na siyang hindi ako kayang hawakan,
Pilit akong nagbulag-bulagan mahal,
Nagbulag-bulagan kahit nasa harapan ko na ang katotohanan.

Katotohanan na may mahal ka nang iba.
Mahal patawad kung minahal kita.
Patawad kung hanggang ngayon umaasa pa rin ako.
Patawad.

Ngayon tinatapos ko na ang lahat,
Hindi ko na muling babalikan,
Kaya please, kung mamahalin mo ako ulit,
Pakiusap. Iba naman.

Untold Words From A Broken HeartWhere stories live. Discover now