MAY TAYO PERO MAGULO

111 3 2
                                    

"May Tayo Pero Magulo"
Poetry #5

Hindi na bago sa akin ang masaktan,
Masaktan kasi umasa sa nakaraan,
Nakaraan na nga, hindi na dapat balikan,
Pero hindi mo ko masisisi kung pati paglimot ay aking nakaligtaan.

Masarap magmahal lalo na kung mayroon kang tiwala,
Yung pakiramdam na parang nasa langit ka,
Kasi alam mong may tiwala kayo sa isa't-isa,
Pero hindi mawawala ang pagdududa.

Alam kong isip bata ako,
Alam kong moody ako,
Alam mong mahal kita,
Pero bakit bigla kang nawala?

Sinabi mo sa akin na walang iwanan,
Na dalawa tayo magmamahalan,
Na hindi ka tutulad sa mga tao na ako ay sinaktan,
Umasa ako sa sinabi mo nung nakaraan..

Akala ko ba mahal mo ako?
Hindi ka tulad nung mga tao na walang ginawa kung 'di manakit ng tao?
Mahal kita at alam kong mahal mo ako,
May tayo... Pero magulo..

Untold Words From A Broken HeartWhere stories live. Discover now