Hanggang Dito Nalang
(Spoken Word Poetry #2)Nagsimula ang istorya natin,
Istorya na akala ko walang hanggan,
Istorya na sobrang saya ng laman,
Istorya na hindi ko alam na may katapusan.Una, nagkaroon ng banggaan.
Hindi sinasadyang mata nati'y nagkatamaan,
Hindi mapigilang magkatitigan,
Mga labi'y kusang nagkangitian.Sumunod, nagkakilala na,
Pangalan nati'y inalam ng isa't-isa,
Saglit tayong nagusap,
Pero bakit ganon parang sobrang tagal, ang bagal.Ayoko pa sanang tapusin ang usapan,
Pero talagang kailangan,
Pumasok ako sa eskwelahan,
Isip ko'y ikaw lang ang laman.Dalawang araw ang lumipas,
Tayo'y muling naglandas,
Hi, Hello, palitan nating dalawa,
Hindi maitatangging lumiwanag at umaliwalas ang mukha.Masaya tayong nagkausap dalawa,
Hindi nga natin namalayan na late na tayo sa klase diba,
Natatawa tayong tumakbo paakyat sa kanya nating silid aralan,
Doon ko napagtanto na parehas pala tayo ng paaralan.Tapos, lumipas ang panahon,
Malalim na ang ugnayan nating dalawa,
Naalala ko pa yung tawagan nating dalawa na 'hon',
Pero hindi ko akalaing isang araw bigla nalang nawala.Ang saya saya ko no'n alam mo ba 'yon?
Malamang hindi.
Dumating pa sa punto na nahulog na ng tuluyan ang loob ko, alam mo ba 'yon?
Malamang hindi.Hanggang sa hindi ko na alam ang takbo ng ating istorya,
Nababaliw na ako kakaisip sayo ng sobra,
Puso ko na tila ba sasabog sa bigat ng problema,
Isip ko na tila ba puputok kakaisip sa bagay na alam kong hindi naman maganda.Pinaasa mo ako, mali. Umasa ako.
Umasa ako kasi nagbigay ka ng motibo,
Natatawa ako na naaawa,
Kasi nasasaktan at wala akong magawa.Hindi ko na kasalanan kung iba,
Kung iba yung nakakuha ng pag-ibig mo,
Pero, hon, gusto ko akin ka.
Alam kong wala akong karapatan, pero Mahal na kita."Best, kami na ng bestfriend mo,"
Mga katagang tumagos sa puso,
Ang sakit kasi bakit siya pa?
"Congrats!" saka bumagsak aking luha.Tinalikuran kita no'n,
Tinanong mo pa kung anong problema ko,
Hindi ko na napigilan ang sarili ko,
At sinabi kong ikaw ang problema ko.Nagtaka ka pa kung bakit,
"Eh bestfriend lang tayo, diba?"
Sabi mo pa sakin,
Bestfriend, oo. Bestfriend.Ako lang pala yung nagbibigay ng kahulugan
Sa mga yakap at ngiti na binibigay mo,
Hindi ko alam na siya pala ang dahilan
Ng bawat ngiti, akala ko ako.Martyr na kung martyr,
Tanga na kung tanga,
Umasa na kung umasa,
Nasaktan na ako wala na tayong magagawa.Tinapos ko ang istorya,
Na akala ko happy ending ang dulo,
Na ako lang magisa ang gumawa,
Istorya ng pagiging tanga ko pala 'to.Dito na nagtatapos ang istorya na nagawa,
Ititigil ko na dahil sa sinabi mo,
Kung saan naliwanagan ang utak at puso ko,
"Hanggang dito nalang, Anna."
YOU ARE READING
Untold Words From A Broken Heart
PoetryHi! This is dedicated for those who love poems. Keep in mind po na gawa-gawa ko lang po ang mga Poem na ito. No plagiarism. Hindi ko kinopya, pero aaminin ko na nanghihingi ako ng inspiration mula sa mga napapanood ko na Spoken Word Poetry. :) Thank...