BULONG

47 2 0
                                    

BULONG



Naririnig ko ang mga bulong.
Ang mga bulong ng panghuhusga.
Ang mga panghuhusga na tagos sa buto.
Nakikita ko ang mga tingin nila.

Mahalin mo ako.
Tulungan mo ako.
Nalulunod na ako.
Kaunti nalang ay susuko na ako.

Ang mga tingin ng mga kritiko,
Ang mga ngisi ng mga mapang-abuso,
Ang pananakit ng mga tao.
Natatakot na ako.

Hihingi ako ng tulong,
Mali, hindi.
Hindi ako hihingi ng tulong.
Dahil wala sa kanila ang makakaintindi.

Mananatiling tahimik itong
aking bibig kong gustong-gustong nang banggitin
Ang mga salitang, "Paki-usap, iahon mo ako."
Dahil takot akong mahusgahang muli.

Nais kong ibahagi ang mga ito.
Ang mga problemang matagal nang nananatili
Sa aking puso't isip,
Ngunit hindi pa rin maalis ang kaba at takot.

Huwag mo akong husgahan sapagkat ako'y biktima,
Biktima ng pagkaduwag at pagkahiya.
Nahihiya sa buhay na mayroon,
Naduduwag sa panghuhusga ng mga tao ngayon.

Untold Words From A Broken HeartWhere stories live. Discover now