Ang Perya na nagsilbing tahanan,
Unti-unti nang lumilipas sa pagdaan ng mga taon,
Mga teknolohiya na bumulag sa Kabataan,
Ang sarap balikan ng panahong yaon.Perya, habang buhay kong ibabaon ang memorya ng kasiyahan,
Dahil sa'yo marami akong nakilala't natuklasan.
Mga taong hindi normal ay pinagpepyestahan.
Mga taong kumakain ng buhay na hayop ay ginagawang katatawanan.Marami akong naging kaibigan sa piling mo,
Ang iba'y nagsipag-asawa na't nagsipag-trabaho,
Ang saya lang na balikan mula ang mga ala-ala,
Sa piling ng perya, mga problema ko noo'y nakalimutan.Masaya ako't naabutan ko ang presensiya mo,
Masaya ako't isa ka sa bumuo ng mga alaala ko.
Pero ngayo'y nalulungkot ako,
Sapagkat hindi na ito gaya noon.Unti-unti ka nang lumilipas,
Unti-unti ka nang kumukupas.
Wala na ang dating sigla at saya.
Wala na ang mga tao at palarong dati'y pinagpe-pyestahan.
YOU ARE READING
Untold Words From A Broken Heart
ŞiirHi! This is dedicated for those who love poems. Keep in mind po na gawa-gawa ko lang po ang mga Poem na ito. No plagiarism. Hindi ko kinopya, pero aaminin ko na nanghihingi ako ng inspiration mula sa mga napapanood ko na Spoken Word Poetry. :) Thank...