HULI NA 'TO, PROMISE

178 8 2
                                    

Huli Na 'To, Promise
Spoken Word Poetry #3

Alam kong medyo makulit ako pero,
Huli na 'to, promise hindi na biro.

Kailan ko nga ba huling sinabi,
Yung huli na 'to, promise?
Hindi ko na matandaan,
Kung ilang promise na ang nagdaan.

Kasi sino ba naman ang hindi babalik
Sa bawat binibigay mo saking halik?
Yung halik na mararamdaman
Ang pagmamahal noong nakaraan.

Ilang beses ko nang tinangkang magpaalam,
Pero bakit parang gusto mo pa kong saktan
Sa paraang iyong alam,
At hindi ako payagang lumisan.

Sabi nila, masarap daw magmahal
Lalo na kapag mahal ka rin niya,
Pero bakit mukha na kong walangya,
Nandito pa rin ako, ika'y mahal na mahal?

So ano 'yon, nasasarapan ako masaktan?
Nasasarapan ako maging tanga?
Nasasarapan ako kahit iyang mata mo ay iba ang tinitignan?
Nasasarapan ako kahit hindi ako ang laman ng puso mong 'yan?

Grabe naman atang sarap 'yan.
Kakaibang sarap na sayo lang malalasahan.
Pero kahit gaano pa kasarap yang sakit na 'yan,
Napapagod din ako at nasasaktan.

Ilang beses kitang pinagbigyan,
Pero anong ginawa mo?
Sinayang mo lang,
Tuluyan mo nang winasak ang puso ko.

Hindi ko nga alam kung bakit pinapatawad pa kita,
Na sa halip dapat ay hinahayaan nalang.
Mahal kasi kita kaya ganon,
Bakit 'di mo maramdaman 'yon?

Binigay ko puso't isipan ko sayo,
Pati nga time ko kinuha mo,
Hindi ko alam na lahat ng effort ko,
Napupunta lahat sa bago mo.

Ngayon magpapaalam ako,
Hindi na ko na matiis
Na makita ang sarili kong naghihinagpis,
Kaya Huli Na 'To, Promise.

Untold Words From A Broken HeartWhere stories live. Discover now