'Ma'
Isang malayang taludturanHabang pawis mo ay noo'y tumatagtak,
At ako'y iyong ipinapanganak,
Nahirapan ka ng sobra.
Ngunit napawi ang sakit at hirap nang ako'y ngumiti at iyong nakita.Lagi mo akong yakap at hinahagkan,
Para akong nasa langit.
Gusto kitang makasama ng walang hangganan,
Bawat yugto ng buhay ko ay may kasamang hagikgik.Nahihirapan ka, Ma. Alam ko.
Ngunit ang mag-aral ng mabuti ay ang tanging maibibigay ko,
Masuklian manlang ang hirap at pagod
Sa bawat araw at gabi na ikaw ay kumakayod.Kahit pa sabihin mong ayos ka,
Ramdam ko ang hirap na iyong dinadanas,
Pagbabago ng ugali ay laging kong nakikita.
Sasamahan ka saan man tayo maglandas.Anak mo ako, ina kita.
Dapat tayong magtulungan dalawa.
Kahit wala na si Papa,
Ay nagawa mo pa rin akong pag-aralin.Isang trahedya ang nangyari,
Hindi natin inaasahan noon.
Para itong yugto sa buhay na pinapahirapan tayo ng panginoon.Si Papa ay nawala ngunit nakabangon pa rin tayo mula sa pagkasawi.
Gayunpaman namuhay tayong dalawa na masaya,
Nagagawang ngumiti sa harap ng sandamakmak na problema.
Ma, pati ikaw ay ayaw kong mawala.
Sana malaman mong mahal na mahal kita.Hindi kita iiwan,
katulad ng hindi mo rin sa akin pag iwan.
Magkasama nating hahaeapin ang lahat,
Pangako, Ma.
YOU ARE READING
Untold Words From A Broken Heart
PoesíaHi! This is dedicated for those who love poems. Keep in mind po na gawa-gawa ko lang po ang mga Poem na ito. No plagiarism. Hindi ko kinopya, pero aaminin ko na nanghihingi ako ng inspiration mula sa mga napapanood ko na Spoken Word Poetry. :) Thank...