MAHAL KITA

79 1 0
                                    

Mahal Kita
Poem #8

Nagsimula tayong masaya, yung tipikal na simula ng mga istorya.
Hindi ko makakalimutan yung araw na sinagot mo ako ng, "Oo, tayo na!"
Kasi yun yung araw na nakaramdam akong tunay na ligaya. 
Pero hindi ko inakala na sa'yo ko rin mararamdaman yung pagdudusa.

Tinanggap ko lahat ng hindi maganda sa'yo.
Ngunit tinanggap mo rin ba ako?
Nakakagago, pero mahal kita.
Sa isang salita, bakit bigla kang nawala?

Sinabi ng iba na may babae ako,
Oo, noon 'yon nung hindi pa tayo nagtatagpo.
Sinabi ng iba na meron ng ibang nakatikim sa katawan ko,
Oo, noon nung hindi ko pa alam ang pangalan mo.

Hindi kita hinusgahan,
Ano man ang sabihin ng iba ay hindi ko pinakinggan.
Suot-suot ang pang-ulong hatinig,
Minabuti kong sa musika makinig.

Gusto ko lang naman na huwag mo kong husgahan,
Husgahan ng hindi pa nalalaman ang totoo.
Ginawa ko ang lahat, sa bawat pag-iyak mo nandyan ako upang magpatahan.
Kasi ako? Minahal kita kahit alam ng iba na gago ako.

Hindi ko alam bakit sa maling tao pa ako nagseryoso.
Kung kailan handa kong ibigay ang lahat ng ako,
Para sa taong akala ay tanggap ako.
Para sa taong niloko ako.

Nalaman ko nalang isang araw,
Iba na ang tinitibok ng puso mo.
Sinabi mo pa na siya ang huli mong isinayaw,
Nakita ko ang ligaya sa mga mata mo.

Pero alam mo?
Iwan mo man itong gagong 'to,
Nandito pa rin ang puso ko para sa'yo.
Handang maghintay sa pagbabalik mo.

Untold Words From A Broken HeartWhere stories live. Discover now