Hindi Ako Kasama
Spoken Word Poetry #4Sisimulan ko na ang tula,
Kung kailan tumutulo na ang aking luha.
Ayoko mang ipaalam,
Pero ito ang tunay kong dinadamdam.
Salamat sa paga-arugang aking natatanggap,
Kahit ang ilan ay pawang pagpapanggap,
Hindi ko mapigilan ang luha na para bang pawis na tumatagaktak,
Sumasakit ang ulo na tila ba natanggalan ng utak.
Tinanggap ko ang lahat,
Kahit masakit, makita kayong masaya ay sapat,
Sa bawat sakit na nadudulot sa aking sistema,
Sa bawat bigay niyo sakin ng sandamakmak na problema.
Nagtataka ako kung bakit sa bawat paglabas,
Sa bawat pagsasalo-salo,
Para lang akong estatwa sa labas,
Laging nakakulong sa kuwarto.
Pinilit kong maging masaya,
Sa piling niyo para akong nasa putikan,
Na kahit ilang pilit niyong tapak-tapakan,
Nandito pa rin ako at hindi nagpaparaya.
Alam kong hindi ako isa sa inyo,
Alam ko na.
Dahil hindi ako katulad ng iba.
Nasa sobrang minamahal ninyo.
Bakit nga ba nagtataka pa ako,
Bakit nga ba hindi pa nasanay ang puso ko,
Sa sakit na naidudulot niyo?
Kahit alam kong hindi ako kasama sa takbo ng buhay niyo?
Sa aking mga kaibigan
Na pilit kong pinakisamahan.
Kahit ako'y inyong hinuhusgahan,
Alam niyong nandito lang ako kung kinakailangan.
Sa pamilya ko na hindi ko rin malaman,
Kung sa akin ba'y suportado
Baliwala ang aking mga talento,
Mahal ko ka'yo, sana ay inyong tandaan.
Ngunit hindi ko na kaya.
Kaya ako na ang magpaparaya.
Salamat sa maikling panahon na kayo'y nakasama.
Salamat.
Aalis na ako,
Sana ay walang magbago.
---
Ikli. Hays.
YOU ARE READING
Untold Words From A Broken Heart
PoetryHi! This is dedicated for those who love poems. Keep in mind po na gawa-gawa ko lang po ang mga Poem na ito. No plagiarism. Hindi ko kinopya, pero aaminin ko na nanghihingi ako ng inspiration mula sa mga napapanood ko na Spoken Word Poetry. :) Thank...