"London Bridge is falling down, falling down, falling down..." I smiled as I watch the children playing London Bridge.
Mag-isa lang ako ngayon dito sa park at hinihintay ang bestfriend ko. Kanina pa talaga ako naghihintay pero nakakaloka siya at hanggang ngayon ay wala pa din.
"JADE!!" lumingon ako dun sa taong tumawag sakin at nakita ko ang bestfriend kona si Raya.
"Ang tagal mo naman Raya! Inugat na ko't lahat wala ka parin. Mag-iisang oras na kaya ako dito!" Reklamo ko, she's always late as ever. Nakakainis, kung alam ko lang na magtatagal siya eh di sana hindi agad ako pumunta dito. Tsk.
"Sorry naman nanuod pa kasi ako ng practice nila Alexzandre eh." Sabi naman niya, nakakainis ah. Palagi nalang 'yang Alexzandre na yan! Hindi naman siya pinapansin kahit anong pagpapansin ang gawin niya.
"Alexzandre, Alexzandre! Minsan nakakatampo ka na eh, palagi nalang yang Alexzandre na yan. Jusme, paalala ko lang Best, ilang beses ka na nagpapansin diyan pero ngayon nganga ka pa din." Well, I'm rude I know pero dapat kong sabihin yun. She made me wait for almost an hour, may karapatan ako mainis.
"Eto naman! Minsan na nga lang eh! Palagi na kaya silang walang practice dahil sa mga nonsense activities sa school." Hindi lang kaya minsan!
"Hindi lang minsan! Lagi kaya!" Sagot ko naman, totoo naman eh. Ang minsan sa kanya, palagi sakin.
'Minsan lang ah." Hay Jade, accept defeat. Hindi 'yan magpapatalo lalo na at tungkol kay Alexzandre.
"Tsk. Tara na nga! Punta na tayong school. Baka wala na tayong maabutan pag dating natin dun sa sobrang tagal mo." Yan nalang ang sinagot ko para makaalis na kami.
"Tara." Sabi niya sabay ngiting matagumpay.
Kuhaan ng cards ngayon. Tutal 4th year naman na kami, pwedeng kami na mismo ang kumuha ng sarili naming report cards.
Pagpunta namin sa school mabilis namin nakuha yung card namin dahil konti nalang yung tao. May subjects ako na tumaas at meron ding bumaba. Pero mataas parin naman yung average.
"Best may favor ako!" Sabi niya. Hindi ko sana siya papansinin dahil naiinis pa ako sa kaya eh. Hindi ako sumagot.
"Best!" Sabi niya ulit. Urgh. Resist Jade, wag kang mabait. Kailangan mong magsungit, isipin mo nalang ang halos isang oras na paghihintay mo.
"Oyyyy!" Sabi niya sabay yugyog sa balikat ko. Jusmiyo! Bakit ba ako nagkaroon ng bestfriend na gaya niya?
"Ano nanaman yan Raya?!" Sumagot na ako, knowing her, kukulitin ako nito buong araw kung hindi ko siya papansinin. We're bestfriends since we're kids that's why alam ko na halos lahat tungkol sa kanya. I know her too well.
"Alam mo ba number ni Alexzandre?" Toingks. Yun lang pala sasabihin niya. Peste.
"Oo? Di ko sure kung eto pa. Last year pa kasi to nung 3rd year." As a good bestfriend, nagpakabait na ako. Nakakalokang magpanggap na galit or inis lalo na sa kanya kasi parang hindi umeepekto sa kanya pag ganun pinapakita ko. She really know that I'm not a light person. Alam na alam niyang hindi ako ganun kababaw para magalit o mainis sa kanya.
"Ooooh. Sige penge ako!!" Sabi niya, ang landi best?!
"Oh eto, 09765432123"
"Got it! Tara uwi na tayo!" Umuwi na kami ni Raya pgakabigay ko nung number ng crush niya.
Opo crush niya po si Alexzandre Chua isang hearthrob pero suplado. Maraming nagkakandarapa sa kanya kahit na ganun ang ugali niya, para kasi sa babaeng yun, mas nakakaturn on yung bad boys kesa sa good boys. I just can't figure out why. They should be turned off by that attitude but that is the characteristic they like the most about Alexzandre Chua.
Ewan ko kung ano nagustuhan ng bestfriend ko sa kanya. Given naman na pogi si Alexzandre pero bakit siya pa? Ang dami namang ibang pogi sa school namin, bakit sa isang suplado pa?
Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil may announcement daw ang adviser namin. Dumiretso na ako sa room matapos kong kunin ang gamit ko sa locker ko. At pagpasok ko, nakita kong nag-uumpisa nang magsalita ang adviser namin.
"Class, I have an announcement to make. This 4th Quarter, hindi na ako ang adviser niyo. This would be my last day as your adviser. I am so happy to have you and be your adviser for 8 months. Aalis na ako papunta sa US to take my doctorate degree. All of you would be mixed with different sections. May mapupunta sa section green, orange, pink, blue or black. Sana kahit maghihiwa-hiwalay na tayo, wag niyong makalimutan lahat ng naituro ko sa inyo. Medyo napaaga ng 2 months ang end natin pero okay lang naman because END is a new BEGINNING. Bye students of Section Violet. Sa mga gusto akong makausap, may facebook at skype naman... Wag kayong mag-alala, di ko naman kayo makakalimutan..." Di na napigilan ni Ms. Joyce ang pagpatak ng luha niya. Bata pa yang si Ms. pero dedicated siya sa trabaho niya kaya nakapagmasteral agad siya, and now doctorate naman ang target niya. Kahit kami napaluha na din kasi super bait niya samin tsaka tinuring na namin siya na pangalawang nanay.
Puro hikbi na naririnig ko sa classroom. Hindi ako emosyonal na tao kaya naman hindi na ako naisali sa iyakan nila, nakakalungkot nga naman yun...
Pero curious lang ako...
Saang section kaya ako malilipat?
Sana sa matinong section or sa section ni Raya.
"GROUP HUGGG!!" Sigaw ng president namin.
Nag-group hug kami for the last time tapos nagsalita ulit si Ms. Joyce
"Yung sections na lilipatan niyo, nandun sa bulletin board. Tignan niyo nalang. Go and check it! Bye guys." Eto ang masaya pag ang teacher niyo ay konti lang ang tanda sa inyo, parang barkada lang ang turingan.
"Bye Miss Joyce! We love you!! Pasalubong namin pag bumalik ka na, kahit alam naming matatagalan ka. Haha" Sabi nung makulit naming classmate na si Tom. Pinilit ni Ms. Joyce tumawa kahit medyo may luha pa ring pumapatak sa mata niya.
Pumunta agad ako sa bulletin board, hinanap ko ang pangalan ko at nang makita ko, wala na akong magawa kundi mapanganga nalang.
Sa section GREEN?! Shete! Section ni Alexzandre yun eh!! Lagot nanaman ako sa bunganga ni Raya. Bungangera pa naman yun pagdating kay Alexzandre.
Kinabukasan, tama nga ang hinala ko, hinanda ko na ang sarili ko kay Raya pero hindi ko pa din keri ang pagdaldal niya at ang paulit ulit na pagsabi niya ng "Buti ka pa best, kaklase mo na siya!" Kanina pang bukambibig yan ni Raya. Naririndi na ko sa totoo lang.
"Buti ka pa talaga!!" Sabi niya ulit. Lord, ano po bang kasalanan ang nagawa ko at binigyan niyo ako ng ganitong kaibigan? Wala naman po siguro akong mabigay na kasalanang nagawa nung past life ko, bakit ho ganito?
"Raya, eto na yung classroom ko oh, kanina ka pa sabi ng sabi na swerte ako, na buti pa ako. Nakakarindi na best. Kung ako sayo, be thankful nalang kay Lord. Pasalamat ka wala kang ebola. Leche." Sabi ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at yun yung nasabi ko, pero napaisip siya kaya naman I grabbed the chance to go. Pero mukhang natauhan agad siya at saka nagsalita.
"Ge best bye muna! Pero ang swerte mo talaga."
"Ugh!!" Yan nalang nasabi ko sa sobrang frustration. Jusme.
Padabog akong pumasok sa Section Green dahil sa kunsumisyon kay Raya pero nang makapasok na ako, nakatingin sila sakin?
Pumunta ako sa vacant seat sa likod nang nakatungo. Nakakahiya, narinig siguro nila yung lakas ng pagkalabog ng pinto. Duh, Jade! Of course they'll hear it nasa loob kaya sila ng room na nasa kabilang side ng pintong binalibag mo.
Malapit na magtime kaya lahat ng seats occupied na maliban sa dalawa sa likod kaya dun na ako dumiretso. Umupo ako dun sa kanang upuan.
Sakto namang pag-upo ko, saka pumasok yung adviser ng Green sa room. Pinaupo agad kami nung teacher at saka dire-diretsong magsalita.
"Green Listen, sana maging friendly kayo sa mga galing sa Section Violet. Yang inuupuan niyo ngaun ang proper seats niyo. Wala nang magrereklamo. Tsaka yung sa pairing niyo, it will cha--"
Hapahinto yung adviser ng green nang biglang bumukas ang pinto.
*-*-*
(Raya and Jade sa side. )
BINABASA MO ANG
He loved her more (Editing)
General FictionYes, he loved her more but he came back to me...