Chapter 2 ✖

217 15 2
                                    

"I'm sorry because I'm late sir." Bumungad samin ang isang Alexzandre Chua na pawisan na kapapasok palang sa classroom namin.

"Where have you been Mr. Chua?" Hala! Totoo nga ang tsismis, na terror ng magiging adviser namin

"Nagmeeting po kasi kami sa Varsity Club. Emergency meeting po kasi kaya di po ako nakapag-provide ng excuse letter." Sabi ni Alexzandre sabay kamot sa batok niya at yumuko.

"Next time I NEED A LETTER okay?" Sabi nung teacher namin na nanlalaki ang mga mata pati na butas ng ilong. Para siyang kakain ng tao.

"Yes Sir."

"Ok, you may now take your seat." Lumakad naman si Alexandre habang nakayuko. Teka?! Bakit papunta sya dito?

Napatingin siya sakin kaya naman agad kong iniwas ang mga mata ko. Tumingin nalang ako sa buong classroom. Humanap ako ng upuan na bakante wala na. San uupo si Alexzandre?

Paglingon ko sa tabi ko, yun na lang pala yung bakanteng upuan. Nakita kong umupo na siya kaya naman nakinig na ako. Naglesson na kasi yung teacher namin.

Maya maya lang, naramdaman kong lumilingon siya sa pwesto ko.

Nung una, hindi ko pinansin pero feeling ko talaga tingin siya ng tingin sakin.

"Urgh! Why do you keep on looking at me?!" Sabi ko nang mahina, nakakabother kaya na may tingin ng tingin sayo tapos nagko-concentrate ka makinig pero di mo magawa dahil lingon ng lingon yung katabi mo.

"Ah... Classmate ba kita? Bakit ngayon lang kita nakita dito?" Tanong niya sakin. Sarap niyang sabihan ng, "Hindi hindi, kaya nga ako nandito diba?" Nakakaloka siya jusme! Pero dahil bago lang dito at mabait dapat ako hindi ko yun sinabi.

"I'm from Violet." tapos kinwento ko nalang lahat sa kanya at kung bakit kami nilipat ng section.

"Green LISTEN! Since some of you are from Violet. Your partner would change. Since kilala niyo na rin naman yung mga seatmates niyo, ang katabi niyo nalang ang partner niyo. Yan na ha at bawal na magpalit ng partner! That's all! Class dismissed!!" Tapos na pala ang klase, di ko manlang napansin dahil sa kadaldalan ng katabi ko.

Inayos ko muna ang gamit ko bago ako lumabas dahil panigurado naghihintay na sakin si Raya.

Paglabas ko ng room, sinalubong niya agad ako.

Dumiretso kami sa canteen tapos kinwento ko sakanya lahat ng nangyari mula kaninang pagpasok hanggang ngayong recess. Pagkatapos ko magkwento, parang nagsisi agad ako dahil sinabi ko pa sa kanya yung tungkol kay Alexzandre.

"Ooooohhh!! Swerte mo talaga Jade!! Buti ka pa!" Sabi ni Raya sabay hampas sa balikat ko.

"Ano nanaman? Kaninang umaga pa yang swerte swerte na yan ah! Best, hindi ako nanalo sa lotto. Kung maka-swerte naman 'toh. Over?" Sabi ko, totoo naman. Kanina pa siya sa swerte na yan.

"Best, grabeh kasi ang kaswertehan mo eh! Ikaw na!"

"Ay ewan. Bakit naman kasi kung makareact ka grabeh! Baka pag naging kaklase mo yun ma-obssess ka na sa kanya? Para ka na pong tanga." Sabi ko.

"Huhu! Masyado ka naman best! Kung makapagsalita ka." Hala! Baliw na ba toh? Bakit umiyak siya?

"Halaaaa! Bakit ka umiiyak Raya? Baliw ka na ba?" Grabeh. Best actress ah. Haha. Joketime ba toh? Maniniwala na ba ako luha niya?

"..." Ngayon ayaw naman ako kausapin, mukhang di na 'toh biro ah...

"Huuyyyy!!" Sabi ko sabay alog sa balikat niya.

"..." Wala parin talaga.

"Raya!!!!!"

"..." Umiiyak lang siya. Jusme. Ang childish niya, bestfriend ko ba talaga 'toh?

"Hala! Ano ba yan! Di mo ba talaga ako kakausapin?" I said frustratedly. Nakakaloka ah?

"..."

"Raya naman " sabi ko. Kailangan ko ba siyang lambingin?

"..."

"Sige, Anong dapat gawin ko para pansinin mo ako?" Yan nalang nasabi ko. Sana ice cream lang hingiin niya or ilibre ko siya sa food stall.

"..." walang effect, hindi pa din ako pinapansin. Lord, bakit ganitong bestfriend ang binigay niyo sakin?

"Raya, huy! Kahit ano gagawin ko, pansinin mo lang ako."

"..."

"RAYA!! PLEASE! KAHIT ANO TALAGA GAGAWIN KO..."

"Kahit ano?" Sa wakas! Pinansin na ako.

"Oo kahit ano..."

"Promise?" Sabi niya na parang bata.

"Oo sige promise..."

"Okay! Ilakad mo ako kay Alexzandre!!" Huh?! Bakit ganun? Bigla siyang tumigil sa pag-iyak. Baliw na nga yata tong bestfriend ko. Para talaga siyang bata. Pero natigilan ako sa sinabi niya. Ilakad ko daw siya?

"Ha?"

"Sabi ko, ilakad mo ako kay Alexzandre."

"Pano naman?"

"Simple lang, Ilakad mo ako. Parang gagawa ka ng paraan para magkalapit kami at magustuhan niya ako."

"Hindi ko yata magagawa yan. Iba nalang."

"The PROMISE!"

"Urgh!" Matalino talaga siya, she knows how I hate people who can't keep their promises.

"Hindi na pala tumutupad ng promise si Jade Buenavista?"

"I can't"

"You can!"

"How did you know?"

"I'm your bestfriend and I know you can."

"Urgh! Fine!! RAYA, you're getting on my nerves!"

Pagpasok ko sa room, I started my mission. Kelangan maging si Raya at Alexzandre. Pero pano? Di ko alam!

Umupo na ako sa upuan ko at iniisip kung pano ko gagawin yung pinapagawa sakin ni Raya.

I-blind date ko kaya?

Ang panget naman nun! Masyadong old school.

Eh kung...

"MS. BUENAVISTA!" Natauhan ako nung tinawag ako ni Ms. Flores.

"Y-yes Ma'am?" hala! Special mention?

"I'm asking..."

Ano yung tanong? Jusme Jade, dapat kasi hindi ka nagpapakalutang pag class hours. Yan tuloy.

"Sumation of 31x and 45yz by the cube root of 8" bulong ni Alexzandre sa tabi ko.

Napalingon ako sa kanya at tumingin na parang nagtatanong.

"Yan yung sagot." Para namang nabasa niya yung naiisip ko.

"Sumation of 31x and 45yz by the cube root of 8 po Ma'am" sabi ko.

"Okay. Take your seat." Sabi nung teacher namin saka nagdiscuss na ulit.

Umupo na ako at nakinig na.

"Thanks." Bulong ko.

"Sus! Yun lang eh! Kaya nga partners, tulungan! Haha!" Aba kinindatan pa ko. Kaya ang daming may gusto dito eh, grabeh mag-umapaw ang charms. Tsk.

"Haha! Basta thanks!" Bulong ko.

"Ge, makinig ka na nang makasagot ka na next time. Haha"

Gaya nga ng sabi ni Alexzandre, nakinig na ako at ganun din naman ang ginawa niya.

He loved her more (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon