"Jade, your Tita Clara offered you a great opportunity! It's Paris! Kukunin ka niyang scholar! Pag-aaralin ka niya sa 'The Great' Meddleton University! Wag mo nang tanggihan pa!" Kagabi pa pinipilit saakin yan ni Mommy.
Nag-offer kasi si Tita Clara sakin ng scholarship at sinagot ko ay pag-iisipan ko muna. After 1 month pa naman yun so matagal tagal pa ang pag-iisip ko kung papayag ba ako o hindi.
Ayoko kasing umalis ng bansa na hindi pa nagtatrabaho. Gusto ko yung may trabaho na ako para lahat man ng gustuhin kong bilhin ay mabibili ko. Oo, alam ko namang mayaman kami pero gusto kong abutin ang mga pangarap ko na may sariling pagsisikap. Ayoko nang umasa pa sa mga magulang ko. Gusto ko makuha ang mga bagay na gusto ko sa sarili kong paghihirap. Tsaka nandito ang bestfriend ko. Andito si Kuya Jude at si Mom and Dad. Ayokong mahiwalay sa kanila kaya hindi agad ako makapag-decide. Marami pa namang mangyayari sa 1 month eh, so pag-iisipan ko pang mabuti ang desisyon ko.
"Ma, sabi ko naman po pag-iisipan ko pa." Sabi ko.
"Anak you should've answered yes. Minsan lang magkaroon ng ganung offer." Kaya naman ako pag-aralin ni Mom at Dad sa ganung school, bakit niya pa ako pinipilit?
"Ma, bakit po ba gusto niyo ako dun?" Tanong ko, I'm really confused kung bakit yun yung gusto niya.
"Anak, mas okay kung dun ka."
"Ha? Ano pong mas okay? Para namang may nagtatangka ng buhay ko dito at pinapaalis niyo ako para dun." Biro ko naman.
"Pwede pero baka madamay ka sa kuya mo."
"Ha? A-no po?"
"Basta makinig ka sakin, mas ikabubuti mo 'yon." She frustratedly said.
"Ma, please. Wag niyo po ako pilitin. Pero pag-iisipan ko pa po. Sige po una na ako. Baka malate pa po ako."
"Sige anak. Ingat ka. Pag-isipan mong mabuti yan."
"Opo." humalik na sa pisngi ko si Mommy at umalis na ako sa bahay.
Dumiretso na ako sa school. Nagsimula na ang klase at nakita kong absent si Alexzandre. Haaaay. Siguro okay na din na wala siya ngayon para naman makausap ko si Raya.
Nung lunch na, pinuntahan ko agad si Raya sa classroom nila at sa kasamaang palad, absent din siya. Bakit pareho silang absent?! Sinadya ba o nagkataon lang? Pero imposible kasing umabsent si Raya ngayon eh. Una, dahil Monday ngayon at may Cheerleading Practice sila. Pangalawa, hindi siya yung tipong pala-absent.
Nung uwian na, umuwi agad ako sa condo ko dahil madami dami akong gagawin. Kailangan kong gawin yung pinagawa ng teacher ko, pinagagawa kasi AKO ng fairwell video ng class namin. Tama ang basa niyo, "AKO". Wala nang ibang gagawa kundi ako lang. Due na nito bukas ng uwian kaya pinayagan din ako ng teacher ko na umabsent bukas ng umaga. Bale tanghali na ako papasok sa school.
Agad kong binuksan ang laptop ko, magpapasa kasi ng mga picture yung classmates ko saakin sa facebook. Naglog in agad ako sa fb para hindi ako maflood ng mga pictures na isesend nila.
At tama nga ako, madami na ang nagsend saakin ng pics. Puro group pictures. Nung fieldtrip, nung retreat, nung foundation day, nung Christmas Party at kung ano ano pa. Dinownload ko na yung iba, siguro 50 plus yung pics na nadownload ko na sinend ng ISA kong classmate. Take note, ISAng classmate ko lang.
Nag-umpisa na din ako mag movie maker.
Ang dami kong nakuhang pics nila, 450+ yun, kaya yung iba, inedit ko pa para gawing collage. Napakadaming pictures! Pano ba naman kasi, pati yung pics nila na kasama yung ibang section sinend pa saakin. So nilagay ko na din. Naglagay din ako ng pictures namin ni Raya. Siya lang kasi yung kasama ko sa mga pictures ko, maliban nalang kung whole class yung pic. May nagsend din sakin ng pictures ni Alexzandre, si Kit. Puro pics ng barkada nila yung sinend niya. Inisa-isa ko yung mga picture na sinend niya at isang larawan ang kumuha ng atensyon ko.
Picture yun ni Drei na may kaakbay na babae. Sobrang sweet nila sa pic na yun. Parang may binubulong si Drei sa babaeng yun at halatang tuwang tuwa siya. Hindi malinaw ang mukha ng babae dahil medyo nakatalikod siya. May date sa ilalim kung kailan kinuha ang picture na 'yun, 10/25 15:42. Kanina lang?! Ano toh?! Umabsent siya para dito? Ano niya ba itong babaeng toh? Eto ba yung kaMONTHSARY niya?
Nakakita din ako ng mga stolen pictures ni Alexzandre na kinuha ng mga classmates ko na halata namang crush siya. Nakakita ako ng pic ni Drei kasama si Raya. Kuha yon nung inter-school competition sa school namin. Katabi ko si Raya at pinupunasan ni Drei si Raya ng pawis habang si Raya naman, nagce-cellphone.
Ang dami nilang pictures dito pero 9 na pics lang ang nilagay ko sa video. 10 minutes lang kasi ang limit ng fairwell video na pinagawa ng teacher ko. Pati yung messages ng classmates ko na sinend nila ay nilagay ko kaya kailangan saglit lang per pic tapos saglit na transition.
Sobrang sakit na nga batok ko! Medyo mahaba haba pa to. Tumayo muna ako tapos pumunta sa kusina. Kumuha ako ng fresh milk at chocolate. Tinignan ko kung anong oras na at 9:23 pm na pala. Hayyy. Puyatan na toh.
Konti nalang matatapos ko na...
BINABASA MO ANG
He loved her more (Editing)
Ficción GeneralYes, he loved her more but he came back to me...