Habang tumatagal lalong nagkakalapit si Raya at Alexzandre, siyempre dahil sakin. 5 months na din ang nakalipas mula nung nag-umpisa ako sa misyon ko. Ngayon, nagrereview na kami sa exams para sa admission at entrance exam for college.
"Jade! Mamaya magde-date kami ni Alexzandre. Pero di naman ako pinayagan ni Mommy." Bungad ni Raya sakin nang magkita kami. Papunta kami sa sa library ngayon dahil may report siya at tutulungan ko siya.
"Raya, natural! Hindi papayag si Tita. Baliw ka ba? Nagpaalam ka na makikipagda-" Natigil ang pagsasalita ko dahil pinutol niya ang sasabihin ko.
"Syempre hindi yun yung pinaalam ko." Sabi niya sabay ngisi.
"Huh?" Nako nako alam ko na siguro ang pinaalam niya. Heto nanaman siya. Tsk.
"Sabi ko, group project. Ayaw naman pumayag, unless kasama kita." Sabi niya. Oh well! Sabi na nga ba at ito nanaman sinabi niya sa nanay niya eh.
"Ano?!" Napasigaw na ako, sabi niya last na yung palusot niyang yun last week pero bakit yun nanaman?
"Please best..." Hay Jade. Masyado kang mabait para kunsintihin ang besfriend mo. Wag kang papayag
Ganyan.. Yan yung palaging sinasabi ni Raya. Ganyan palagi ang gawi namin.
Ako ang tagasalo niya...
Hindi ko na din alam.. Parang nagbabago si Raya. Di ko maexplain. Pero parang.. Hindi na siya yung Raya na bestfriend ko before. Nung nagsimula yung pinagagawa niya sakin, parang napapalayo na din siya sakin. Hindi na ako ang kasabay niya maglunch.. Madalas mag-isa ako. Pero minsan kasama ko si Alexzandre. Siyempre, MISSION ONGOING.. Nirereto ko palagi si Raya sa kanya.
Kinahapunan, hindi ko nakita si Raya. As usual, ako nanaman ang pupunta.
"Uhm. Alexzandre, di makakarating si Raya eh! May emergency kasi.." Yan din palagi ang sinasabi ko kay Alexzandre kahit di naman totoo. Hindi ko lang talaga macontact si Raya, nung pumunta naman ako sa kanila, sabi nung katulong nila, umalis daw. Akala daw nila kasama ko dahil ipinaalam ko daw si Raya sa mommy nito. Edi ako, to the rescue ulit. Sisiputin ko si Alexzandre sa pinag-usapan nila...
Eto yung dahilan kung bakit sinasabi ko na nagbago na si Raya, naaawa na din ako kay Alexzandre. Minsan naiisip ko, itigil ko na kaya tong kahibangan na to kasi ako din naiipit na.
Ayoko naman isipan ng masama si Raya dahil bestfriend ko siya pero sa pinapakita niya this past months, parang siya na din ang nagsasabi na nagbago.
Iba na to eh, pag naulit uli itong pangyayaring to, I swear kakausapin ko na si Raya and I'll tell her na ayoko na.
"It's okay Jade." Yan nanaman yung sad face niya. Pangatlong beses na siyang di sinipot ni Raya. Dati naman, date talaga pero this past few weeks, nag-umpisa na ang pang-iinjan ni Raya.
Para naman di maging masama si Raya sa paningin ni Alexzandre, ako na ang pumupunta.
"Wag ka na malungkot Alexzandre... I'm sure next time pupunta na yun." Wala siyang sinagot, straight face lang.
"Uyy! Bakit ka nanahimik dyan?" Tanong ko sa kanya, usually ako ang nagseset kung san sila mag-dedate. Bilang 'tulay' sa kanilang dalawa, part ng misyon ko ang maging cupid nila.
"Ahh. Wala tara!" bigla naman niya akong hinatak.
"Huh? San tayo pupunta?" Hindi niya ako sinagot, instead hinila niya yung kamay ko and he intertwined our fingers.
Eto nanaman, kaya ayoko na din nitong misyon na to e. Kasi madalas ganyan. Madalas kumabog kabog si Mr. Heart, ayoko talaga nitong pakiramdam na 'toh.
BINABASA MO ANG
He loved her more (Editing)
Aktuelle LiteraturYes, he loved her more but he came back to me...