Chapter 8 ✖

178 14 0
                                    

Pumasok ako ng maaga ngayon para i-submit ung report ko sa Journalism, kaya dumiretso na ako sa Faculty office.

Kumatok muna ako bago pumasok dun sa Faculty Office, baka kasi may mga teacher na kahit maaga pa.

"Good Morning Maam. Hehe. May ilalagay lang po sa table ni Ms. Santos." Nahihiyang sabi ko.

"Sige, diyan mo nalang Ms. Buenavista." sabi ni Maam Perez, yung pinakamaagang guro sa lahat. Haha. Siya palang kasi yung teacher dito sa faculty.

Habang nilalagay ko yung folder dun sa table, dumating si Sir Matt. Yung malanding MAPEH teacher. Hindi siya bakla, malandi siya yung flirty type ba. Yung ganun! Halos lahat kasi ng sexy teachers namin na single, nalilink sa kanya. Minsan nakikita siya na may kasamang co-teacher niya sa coffee shop, restaurants, etc. etc. Minsan nga pati estudyante nalilink din sakanya eh.

"Oh. Mabuti naman at andito ka Ms. Buenavista. Tamang tama. Halika dito. May iuutos ako sayo."At dahil mabait akong estudyante, lumapit ako kay Sir Matt.

"Oh etong mga shuttle cock at bola, dalhin mo dun sa stock room. Alam mo naman siguro yun diba? Dun sa may garden. Yung pumapagitna sa garden at gymnasium. Dun mo ilagay sa pangalawang cabinet yung shuttlecock tapos yung mga bola, dun sa unang cabinet, sa baba. Okay ba? Ito yung susi oh." Susmaryosep. Maglalakad lang papunta sa stock room di pa magawa. If I know, lalandiin niya lang si Ms. Perez dito e. Palibhasa silang dalawa pa lang. (Ano ba Jade! Yung utak mo masyado nang madumi!)

"Sige po sir.." No choice. Baka mamaya babaan nito grade ko eh! Mahirap na.

Kinuha ko yung dalawang lagayan ng shuttle cock tapos yung mga bola na nakalagay sa parang net. Binitbit ko na yung lagayan parang sako nga eh. Grabeh, medyo mabigat pala. Parang pa-Santa Claus yung pagbuhat ko. Yung nasa likod ko yung net. Ang bigat eh!

Ang konti palang ng mga tao sa corridors. Wait anung oras na ba?

Tumingin ako sa relo ko. Ayy. Kaya naman pala, 6:03 palang. Mamayang 7 pa ang start ng klase, yung iba naman, 7:30 pa yung start ng class nila. Iba iba yung oras, depende sa sched.

Nung nakarating na ko sa stock room, pinihit ko yung doorknob. Takte! Ayaw mabukas! Pinihit ko ulit tapos tinulak tulak ko pa. Urgh! Bakit ayaw?!

"Nakalock kasi. May susi ka namang hawak. Bakit di mo susian?" May nagsalita sa likod ko. Ayy. Tanga. Bopols mo Jade. May susi nga namang binigay, bakit pihit ka ng pihit?

"Halatang lutang na lutang ah? Anlayo siguro ng iniisip mo. Haha."

Teka sino ba yung dada ng dada sa likod ko?

Lumingon ako, nakita ko si Drei na medyo namumula yung mata. Ha? Ano toh? Mukha siyang Zombie.

"Drei? Kaw pala yan. Anyare sayo? Mukha kang Zombie tol!"

"MakaZombie ah?! Napuyat lang kagabi dahil dun sa report sa Journ."

"Napuyat? Eh bakit ang pula ng mata mo?"

"Napuyat nga po kasi." eh diba pag puyat, lalalim yung eyebags? Eh bakit mapula yung mata niya? Pumupula din pala yung mata pag puyat.

"Ahhh." sinabi ko yan habang nilalagay yung mga bola sa cabinet. "Kanina ka pa dito?" tanong ko.

"Hindi naman. Kadadaan ko lang."

"Ahhh.." Sabi ko.

"Sige Jade! Una na ko. Bye!"

"Ge." San naman kaya pupunta yun? Aga aga pa ah? Hayy. Bahala nga siya.

After kong ilagay yung mga shuttlecock at bola sa cabinet, naisipan kong pumunta sa Garden. I need air. Haha. Masyado na kasi akong stressed this past few days. Una, ang pagbabago ni Raya at mga dates nila ni Drei na di niya sinisipot. Pangalawa, yung pagdating ni CS galing France. Pangatlo, yung 'dug dug dug'.

Bwaaah. Ang bata ko pa para mamroblema ng mga ganito! Buti nalang tapos na ang entrance exams sa universities. Sana pumasa ako.

Umupo ako sa bench dito sa garden para irefresh ang utak ko at makalanghap ng sariwang hangin. Gusto ko dito muna hanggang magtime. Saka na ko pupunta sa classroom pag 6:50 na. Maaga pa naman eh.

Pumikit ako (gusto ko nga kasi magrelax.)

Mga isang minuto after kong pumikit, may narinig akong ungol. Juice Colored! Ano yun?

Lumingon ako, left and right. Up and Down. Kaso wala naman akong nakitang tao. Guni-guni ko lang ata yun! Hindi ko nalang pinansin at tsaka ko pinagpatuloy ang pagmuni muni ko. Maya-maya nakarinig nanaman ako ng ungol. Leche! Ano ba yun?!

Sa sobrang inis ko tumayo na ko. Tapos lumingon lingon pati likod ng puno na nasa likod lang ng bench tinignan ko na din.

S-i.. Si-..

Si... Si Raya... Nakita ko... May kahalikang lalaki..

Di ko na napigilan! Ayoko ng nakikita ko!

Tumakbo na ko. Di ko alam kung san ako pupunta.. Ayoko. Ayoko. Ayoko nung nakita ko. Bakit siya may kahalikang lalaki? Bakit di niya inisip ang mararamdaman ni Alexzandre? Bakit niya niloloko si Alexzandre? Kaya ba nagbabago na siya?

Bakit ganito? Bakit ako umiiyak? Bakit ako nalulungkot? Bakit ako naapektuhan at iniisip ang mararamdaman ni Alexzandre? Bakit?

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, namalayan ko nalang, nakarating na pala ako sa girl's cr.

I need to pamper. Bakit ganun? Ano na bangnangyayari sa mundo? Bakit feeling ko hindi na ako kasabay ng pag-ikot ni Mother Earth?

Makalipas sigro ang sampung minuto, napagpasyahan ko nang pumunta sa room.

Nung dumating ako sa classroom, wala pa namang teacher. Mabuti nalang! Pero teka... Bakit wala si Alexzandre dito sa room? San kaya yun nagpunta? Akala ko andito na siya. Kasi diba kanina, nung sa stock room.

Hayy. Bahala nga siya. Problema niya yun, hindi ko na yun problema.

Hayyyyy Jade. Nakakaawa ka naman. Ang boring ng buhay mo, sana magkaroon naman ng thrill kahit konti. Yung tipong mala-telenovela yung buhay mo. Hindi yung nag-aala 'tulay' ka sa bestfriend mo at sa lover niya.

Dumating na ang teacher namin at nag-umpisa na maglesson pero wala pa si Alexzandre.

Buong araw lang ako sa classroom at hindi lumabas, ayoko makaharap si Raya. Hindi ko na siya maintindihan. Wala ding Alexandre na nagpakita dito, tuluyan na siyang umabsent.

"Best!" I'm pretty sure it is Raya who called me. Hayyyy. Kaya ko ba siyang kausapin after ng nakita ko? Ang gulo naman nito!! Kaya ayokong nagiging kaibigan ang mga jowa ng mga kaibigan ko eh. Well, hindi pa naman sila pero going there na. Ayokong maipit sa isang sitwasyong hindi naman dapat ako kasali.

Hindi ko pinansin si Raya at dali dali kong inayos ang mga gamit ko.

I just need peace. Ayokong kumausap ng tao sa mga oras na ito. Sobrang gulo ng utak ko for heaven's sake. I'm weighing the truth and my friendship with Raya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Buti nalang weekend bukas at wala akong pasok.

Pagdating ko sa condo ko, natulog nalang ako. Feeling ko kasi ang daming nangyare ngayong araw na ito kahit wala naman masyado. 'Wala nga ba masyado Jade?' Sino bang niloko ko?

He loved her more (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon