Naghanap agad ako ng taxi.. Kaso wala talaga e.
Naglakad lakad muna ako hanggang nakarating ako sa highway? Highway yata to e. Basta malaki yung kalsada tapos madaming kotse ang dumadaan.
Pumara agad ako ng taxi then nagpahatid ako sa Airport.
I tried calling Christian pero di siya sumasagot. Hala nagalit ata. Teka, bakit nga naman siya magagalit? Bestfriend lang naman siya ni Kuya? Hindi ko naman siya boyfriend
Tanga ka Jade! Siyempre sinabihan mo ng kung ano-ano kanina.
Pagdating sa airport, nagbayad agad ako kay manong taxi driver then pumunta agad ako dun sa labasan nung mga bagong dating.
Tinatawagan ko parin si Christian pero di talaga sumasagot.
Mga pang 8 na tawag ko na toh. Paikot ikot na ko sa puwesto ko ngaun. Mukha na kong tanga.
'please sumagot ka na.' Isip ko.
"Hello?" Finally! Sumagot din sa wakas!
"Ano.. CS! Andito na ko sa Airport. San ka ba?"
"I'm already here at the hotel." Bakit ang cold niya? Para yun lang galit na siya?!
"Oy! Galit ka ba sakin? Bakit ka ba galit?" naiiyak na ko. Jusme, hindi pa kami nagkikita pero galit agad siya sakin. Hindi naman tama na ang salubong ko sa kanya galing ibang bansa ay ganito.
"Hindi. Yun lang ba itinawag mo? I'm hanging. Bye."
"WAIT! Ano ba naman yan! Kadadating mo pa lang galit ka agad." Pinipigilan kong wag pumiyok kasi baka malaman niyang naluluha ako. Hindi ako emosyobal pero bakit ngayon ang babaw ng luha ko?
"..."
"Uyy! Magsalita ka nga please. Saang hotel ba yan? Pupuntahan kita."
"No need"
"Anla! Bilis na!"
"Bakit?! Para san? Diba wala akong pakialam?" Galit nga talaga toh.
"Hindi naman kasi ganun yung ibig ko sabigin! Sorry na!"
"Ok."
"Galit ka pa e. Feel ko talaga."
"Oo na nga!"
"Sus. Napipilitan pa."
"APOLOGY ACCEPTED! I'm here at Black hotel."
"I'm coming!" Ganyan talaga siya mabuti nalang at hindi siya nagbago. Mabilis magpatawad, masyadong light yung ugali niya at di siya galit like, SUPER GALIT. Na parang nanggagalaiti na.
I headed to Black hotel then I asked for his room number. Pumasok na agad ako sa room niya pagdating ko. Wala nang katok katok tutal nagbilin naman siya sa receptionist at binigyan ako ng susi.
Ganito talaga kami ni CS. Nasabi ko na bang liberated siya? Sa ibang bansa kasi lumaki. Lahat ng tao tinuturing na kaibigan.
Pagpasok ko, di ko agad siya nakita. Nasa CR siguro.
"Christian?!"
"Yow! Naliligo ako! Diyan ka muna! Haha." Gago talaga yun, kanina halos paiyak na talaga ako tapos siya ngayon tatawa tawa. Sumigaw pa galing sa CR.
Nagring yung phone ko, so sinagot ko agad nakita ko kasing si Kuya ang tumatawag.
"ALYSSA! NASAN KA BA?! I'm here at your place but you're not here! It's past eleven for god's sake! You should be here by this time! Aba! Kaya dapat tumutol talaga ako kila Dad nung binigay 'tong unit na to sayo! Nung nasa bahay ka 7 ang curfew mo! Hindi matinong oras ng pag-uwi ang midnight! Kahit may condo ka na at nagpapaka-independent ka, always remember that you're still a minor! 16 ka palang! Nasan ka ba? Ha?! Kung di pa ko napadaan, di ko pa malalaman na wala ka dito! Tsk." Si Kuya Jude, nakakatakot. Tinawag pa akong Alyssa. Tinatawag niya lang akong ganun pag galit siya. 18 years old palang siya pero akala mo tatay ko kung magsalita.
BINABASA MO ANG
He loved her more (Editing)
Ficção GeralYes, he loved her more but he came back to me...