Chapter 3 ✖

183 15 1
                                    

Lunch na kaya naman lumabas na agad ako ng classroom, panigurado kasi naghihintay na sakin si Raya, paglabas ko nakita ko na nga siya na nag-aabang sa may pinto.

"Best, umpisahan mo na ha..." Bungad ni Raya sakin paglabas ko ng room.

"Oo na! Tantanan mo na ako diyan sa kaechosan mo." Magsasabi nanaman yan ng swerte ako eh. For pete's sake sawang sawa na ako. 3 days na niya ako kinukulit.

"Sige! Byeee Best!" Sabi niya.

"Ge!" Mabuti nang lumayo ka muna nt nang matahimik ang mundo ko. Lol.

Pag-alis ni Raya, pumunta naman si Alexzandre dito sa kinatatayuan ko.

"Jade, pano yung sa Math Project?" Panimula niya.

"Bukas nalang natin pag-usapan." Sagot ko naman, next week pa naman ang deadline. Friday palang kaya.

"Eh deadline na nun sa Wednesday eh!" Sabi niya naman. Grade concious ba ito at matagal pa naman ang deadline minamadali gawin yun?

"Next week pa naman ah?"

"Hindi ako pwede sa weekends, may practice ang Varsity." Ahhhh. Kaya naman pala minamadali. Dapat na nga umposahan kung di kami magmi-meet ng weekends.

"Ah ganun ba? Sige mamayang uwian nalang natin pagplanuhan."

"Sabay nalang kaya tayo maglunch? Mas okay kasi kung mamayang uwian, bumili na tayo ng materials at bukas na tayo magstart." Ssuggest naman niya. Pero ayoko! Baka mamaya pagtinginan kami pagnakita kaming magkasama nito maglunch. Sikat pa naman siya dito sa school.

"Ha?!"

"Sabi ko sabay na tayo maglunch para makapagplano na tayo." Ulit niya sa sinabi niya.

"Ah... Eh..." Hala! Inaaya niya ko maglunch! What to do? Ayoko talaga sumama eh.

"Hindi ako sasabay sa Varsity para mapag-usapan yung sa Math."

"Hindi wag na! Suma--" he cut me off.

"No, I insist. It'd be better if we'll start planning now." Seryosong sabi niya naman. At tinignan ako eye-to-eye. Hindi ko alam kung anong nadilot sakin nung tingin na 'yun, bigla nalang nagbago ang sagot ko.

"Ha?! Si- sige..."

"Great! Tara na!" sabi niya sabay akbay. Jusme. Wag mo ko akbayan please. Nakakahyperventiliate.

Omo! Bakit niya ba kasi ako inakbayan? Bakit parang may dumaloy na kuryente nung inakbayan niya ko? Ako na ba si Volta?! Nababaliw nanaman ako. I hate this!

"Jade are you listening?" Sabi niya nang nakakunot noo.

"Huh?"

"Kanina pa po ako nagsasalita pero parang di ka po nakikinig" Mali ka, di talaga ako nakikinig. Joke. Eh kasi naman ewan! Ano bang nanguayari sakin? Jusko. Akbay akbay pa kasi. Lutang na tuloy ako. Hashtag nagmamalandi si Jade.

"Sorry... Medyo masakit lang ulo ko. Hehe." Ano ka ba naman Jade! Of all the allibies, yan pa sinabi mo. Landi teh?

"Gusto mo ba dalhin kita sa clinic?" Alok niya naman.

"Hindi wag na! Tara lunch na tayo. Gutom lang ata to.."

Dumiretso na kami sa canteen. Maraming tao ang nakatingin. Medyo nahihiya ako ah! Sabi na nga ba at pagtitinginan kami eh. Tsk.

"Uhm, Alexzandre, I don't think this is a good idea. Kay Raya nalang ako sasabay."

Tatalikod na sana ako at maglalakad palayo pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Don't mind them." Bulong niya.

"Eh. Wag na! Let's plan later."

"Ngayon na! Wag mo nalang silang pansinin." Aba! Nagpumilit pa?! Hay Jade, wag magpantasya. Tandaan mo may misyon ka.

"Ah. Eh.."

"Please. " Hala! Nagplease na! Mabait akong tao kaya pag may nagplease na sakin, pagbibigyan ko na agad.

"Sige na nga."

"Okay. Ako na bibili!" Masiglang sabi niya.

Pumunta na ako sa isang table. At saka umupo.

Tumingin ako kay Alexzandre na nakangiting nakapila doon sa bilihan. Tama nga sila, 'Don't judge a book by its cover.' Mali pala talaga ako, hindi naman siya suplado mukhang suplado lang in fact ang friendly niya pala. Mabait pala talaga siya kaya no wonder, nagustuhan siya ni Raya.

Bilang dumating si Raya kaya natigil ang pag-iisip ko.

"Best ha!" Sabi niya ulit sakin.

"Oo na!" Sagot ko naman.

"Pwede pashare ng table?" Sabi niya, bilang bestfriend, pumayag ako. Sabi niya kaninang umaga, sa mga ibang kaibigan siya sasama para daw maumpisahan ko na yung misyon ko kuno pero nakakapagtaka, bakit bigla siyang sumulpot?

"Ha? Sige.."

"Kasama mo siya?" Tanong niya, ay kaya naman pala siya sumulpot bigla! Bakit ko ba hindi naalalang kasama ko si Drei?

"Oo, pagpa-planuhan namin yung sa Math Project."

Habang nag-uusap kami ni Raya, biglang dumating si Alexzandre.

"Jade, here's your food."

Sinipa ni Raya yung paa ko, pero di malakas. Magkatapat kasi kami ng upuan. Pinandilatan niya ako ng mata. Parang sinasabi niya, "Best! Pakilala mo na ako!"

"Ah. Alexzandre, si Raya nga pala. Bestfriend ko.." Pinakilala ko na tutal yun yata gusto niya.

"Oh, Hi Raya! I'm Alexzandre." Masayang bati ni Alexzandre sabay lahad ni kamay.

"Hello! I'm Raya Pauline Castro simply call me yours." Aba! Ang landi ng bestfriend ko! Masyadong luma na yang banat na yan ah!

"Haha! I can't call you 'yours' but I'll call you 'mine'" Hala! Meganon? Naglandian pa sa harap ko.

He loved her more (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon