Nakatulugan ko na ang ginagawa ko kagabi. Mabuti nalang at mamayang hapon pa ako papasok dahil inexcuse ako ng teacher namin sa morning class ko. Nagising ako ng alas nuebe kaya may tatlong oras pa ako para maghanda at tapusin itong ginagawa ko. Konti nalang naman ito kaya alam kong hindi ako malelate mamaya.
Pagpasok ko, ipinasa ko kaagad sa adviser namin yung pinagagawa niya. Pagpasok ko sa classroom, wala masyadong tao. Sabagay, lunch kasi kaya madaming nasa labas. Umupo na ako sa upuan ko at tumungo sa armchair ko. Medyo inaantok pa kasi ako dahil nga sa madaling araw na ako nakatulog kagabi. Sobrang sakit pa ng batok ko.
Nagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sakin.
Sino namang pangahas toh?! Hindi niya ba alam ang paghihirap ko kagabi para lang matapos yung pinagagawa ng peste naming teacher?
Tumingala ako at nakita ko sa harapan ko si Drei.
"Oh bakit?" Inaantok na sabi ko. May kasama pang hikab yan.
"Wala lang. Gusto lang kita gisingin tulog ka kasi." Ay peste.
"Wag ngayon please. Inaantok ako."
"Bakit ka inaantok"
"..." Inaantok talaga ako para sumagot pa.
Napansin kong umalis na siya sa harap ko, tumungo uli kasi ako dahil nga medyo inaantok pa ako.
---
Uwian na namin, gusto ko na agad umalis sa classroom dahil hanggang ngayon ay inaantok pa ako at hindi lang 'yun. Nadala na kasi ako kahapon dahil inutusan ako ng teacher namin. Ako ang nautusan gumawa nun dahil ako ang huling natira sa classroom. Wala nang iba pang mautusan yung teacher namin na gumawa ng video so ako nalang ang inutusan. Hindi naman pwedeng tumanggi ako dahil grades din yan!
Dali-dali akong umalis ng classroom at dumiretso sa condo.
Pagdating ko sa condo ko, bumungad sakin ang isang lamesa na puro petals ng rose. May kandila din at parang ito yung hinanda dati ni Drei para kay Raya pero mas maganda ito.
Laking pagtataka ko lang kung bakit meron nito. Nilapitan ko yung lamesa at nakita kong may dalawang plato.
Nagtataka talaga ako, sinong gumawa nito?
Hahawakan ko na sana yung lamesa ng may biglang tumakip sa mga mata ko.
"Andito ka na pala Jade." Sabi nung nagtakip sa mga mata ko. Binulong niya yan sa mismong tapat ng tenga ko, medyo nanginig pa ako dahil nakakakiliti yung ginawa niya. Feeling ko nga nawala ang pagkaantok ko dahil sa kanya eh.
"S-sphin-x?" Tanong ko. Nabosesan ko kasi siya. I'm pretty sure it's him. Tinanggal niya na ang kamay niya sa mga mata ko at saka ako hinarap sa kanya.
"Sabi ko na nga ba mahuhulaan mong ako 'toh eh." He said frustratedly. Nasira ko ba trip niya?
"Nako Sphinx. Anong pakulo 'toh?" Tanong ko sabay libot ng mga mata ko sa buong condo ko. Nakita kong nakasarado ang mga bintana at may itim na telang nakaharang dun kaya ang dilim.
"E-eh kasi..." Natigil ang pagsasalita niya, at humawak sa batok niya.
"Bakit ang dilim? At meron pa nito?" Turo ko sa lamesa habang nagtatanong sa kanya.
"G-gusto ko lang magpasalamat sayo. Ang laki kasi ng naitulong mo sakin mula pa nung dumating ako dito." Ahhh. Yun lang pala.
"Ahhh. So kakain tayo dito?" Tanong ko.
"G-ganun na nga." Nahihiyang sabi niya.
Sabi ko. Hihilain ko na sana yung upuan pero naunahan niya ako. Ipinaghila niya ako ng upuan at napatingin ako sa kanya. Walang ilaw pero nakasindi ang mga kandila kaya kitang kita ko ang mukha niya. Mukhang masayang masaya siya ah.
"Here." Sabi niya tapos umupo na ako.
"Wait lang." Sabi naman niya. Umalis muna siya dito saka dumiretso sa kitchen. Ano bang trip nun?
Nang bumalik na siya, may dala siyang tray ng pagkain saka niya nilagay sa lamesa.
"Ayan. Kain na tayo." Sabi niya sabay ngiti sakin. Pinaglagyan niya ako ng pasta sa plato na nasa harap ko. Parang carbonara ata ito. Nang makaupo na siya, saka ako nagsalita.
"Sphinx, bakit ba nag-effort ng ganito?" Tanong ko.
"Wala lang. Hindi naman masama diba?"
"Hindi naman. Pero bakit parang ang romantic ng ambiance?" Tanong ko sa kanya. I'm really curious kung bakit ganito.
"Hindi naman masama ah?" Sabi niya ulit.
"Hindi masama pero nakakabother. Do you have any other reason why you're doing this?" Tanong ko nanaman sabay subo ng pagkain.
"W-wala naman." Sabi niya sabay iwas ng tingin sakin.
"Really?" Sa pinapakita niya parang meron eh.
"Alam mo Sphinx, kung may pagkakataon, grab it. Kung may ipinahihiwatig ka, wag ka na pa-mysterious." Sabi ko.
"Fine. I just want to have a romantic moment with you." Sabi naman niya. R-romantic moment?
"What?" I asked.
"Wala." Sabi niya na parang naiinis.
"I heard it Sphinx. Romantic moment? Really?" Sabi ko. Tumango naman siya.
Napatahimik ako dahil feeling ko ang awkward.
Siguro buong oras na kumakain kami, walang nagsalita. Gusto ko sanang uminom nung juice kaya naman kinuha ko yung pitsel pero sakto naman at kinuha niya din. Nagkapatong tuloy ang kamay namin.
Nagkatinginan kami at sa di malamang dahilan gusto ko matawa.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, bigla akong tumawa at ganun din naman siya.
Kinuha niya yung pitsel habang tumatawa kami at saka ako nilagyan ng juice sa baso ko.
"Hahaha. Sinong mag-aakala na kaya nating tumahimik ng ganun katagal na magkasama?" Sabi ko sabay tawa.
"Hahaha. Yeah." Sabi niya naman. Awkward air vanished, mabuti naman.
"Hey. Sabi ni Tita Clara, ikaw daw ang kukunin niyang scholar?" Biglang tanong niya. Pano niya nalaman?
"How did you know?" Tanong ko.
"She's my aunt. Magkakaibigan sila Mom, Tita Marj at Tita Clara." Sabi naman niya. Wait, bakit alam niya yun tapos ako hindi?
"Ahh. Yeah, nabanggit niya sakin last time. Why?"
"Wala, naisip ko lang na kapag naging scholar ka niya sa France, magkikita tayo palagi."
"Alam mo CS, sa sinasabi at pinapakita mo, parang pinapahiwatig mo na may gusto ka sakin." Biro ko sa kanya.
"Matagal na." Bulong niya, umarte nalang ako na hindi ko narinig. Ayoko na magka-awkward air ulit.
Para kasing hindi ko maimagine na romantic kami ni CS sa isa't-isa. Kaibigan ko siya and I don't want to have a romantic relationship with him. Ayokong masira ang friendship namin kung maging kami man at magbreak kami. Baka kung mangyari yun, pati si Kuya Jude madamay pa at masira ang pagkakaibigan nila.
Tsaka I don't want to commit yet. Hindi pa ata ako handa. Dun naman sa sinabi ni Tita Clara, ayoko talaga pero kasi malaki nga namang opportunity yun. Kaso pano na si Raya? Nangako kaming walang iwanan eh. I finally decided, hindi ko tatanggapin yung alok ni Tita Clara.
BINABASA MO ANG
He loved her more (Editing)
General FictionYes, he loved her more but he came back to me...