Chapter 7 ✖

183 14 0
                                    

Jade's POV

Ouch. Ang sakit. Dinilat ko ang mata ko para makita kung ano yung nakadagan sakin. Ang bigat e. Umaga na pala.

Nakita ko si CS, topless at katabi ko sa kama. Hindi ba siya nilalamig? Jusko! Bata pa po ako! Nakapatong ang kamay niya sa bandang tiyan ko sa baba mismo ng dibdib ko tapos yung paa niya nakapulupot sa hita ko. Gawin daw ba akong unan?!

Tinanggal ko agad yung kamay niya kasi mabigat at yung paa niya kasi naiipit yung hita ko.

Gumalaw siya ng konti. Akala ko gising na hindi pala.

Pagod siguro to sa biyahe.

Pero may naalala ako kagabi e.

Yung sinabi niya bago ako makatulog?

Hindi ko matandaan lahat. 'Alam mo bang crush kita?' yan lang naaalala ko. Baka panaginip lang yun?! Kasi diba sa panaginip, 1/8 lang ang pangyayaring naaalala mo? Pero parang totoo talaga e.

Tumayo na ako tapos pumunta sa cr and nagtoothbrush. May extra toothbrush naman dito kasi hotel nga.

Paglabas ko, tulog pa din! Mukhang napagod nga to sa byahe.

Naisipan kong ipagluluto ko nalang siya ng breakfast para na din makapagsorry ako dahil sa mga nabitawan kong salita sakanya kahapon.

Pumunta agad ako sa kitchen at tinignan ko kung anong pwedeng lutuin. Buti nalang puno ang ref, mahal siguro isang araw dito?

Nagluto ako ng hotcake, egg, friedrice, bacon tsaka tuyo. Siguro naman hindi maarte to.

Nung natapos na ako, hinanda ko na yung plates. Dalawa lang naman kami so yun yung nilagay ko.

Habang inaayos ko yung utensils, may yumakap sa likod ko.

"Good Morning Lil' Sis!"

"Sabi mo wag kitang tawaging kuya pero Lil' Sis tawag mo sakin. Yung totoo?!" Kagaya ng sabi ko dati, crush ko siya. Hindi na lumalim pa yun kasi 'little sister' lang ang turing niya sakin. Pero di ko maiwasan na magkacrush ulit sakanya e. Haha. Landi ba?

"Eh ayoko e."

"Baliw. Magtoothbrush ka nga muna!" pagkasabi ko nito, dumiretso siya sa CR tapos ako umupo na.

"Sipag mo ngayon AJ ah!" umupo na rin siya pagkasabi niya niyan.

"Matagal na ko masipag!" Sabi ko naman, totoo naman ah. Masipag talaga ako! Lalo na sa gawaing bahay.

"By the way, ano tong maliit na isda na toh?!" Sabi niya sabay tusok ng tinidor sa tuyo.

"Tuyo yan. Tikman mo masarap."

"Eh. Wag na. Hindi ko gusto." Sabi niya.

"Ang arte mo! Porke mayaman! Titikman lang e!" Mayaman din naman kami, pero kumakain naman ako nun.

Hindi na siya nagsalita pa. Instead kumain na siya. Tapos kumuha siya ng tuyo.

Kumain na lang din ako.

Nung napansin kong ubos na yung Juice, pumunta ulit ako sa kusina para magtimpla ng panibago.

Pagkatapos ko magtimpla, bumalik ako sa dining table. Kaso wala si CS. San naman kaya nagpunta yun?! Baka nagCR lang.

Kumain nalang ulit ako...

20 minuto na ang nakalipas ah? Ang tagal naman nun? Tapos na ko kumain at lahat, wala parin siya! San naman yun nagpunta? Siguro iniwan na ko nun.

Pumunta ako sa kwarto. Andun pa naman yung gamit niya.

Pumunta naman ako sa CR.

Then I saw him lying on the floor.

"CHRISTIAN!" bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Natakot ako bigla dahil nakita ko siyang walang malay.

Patakbo akong lumapit sa kanya. Nakita ko yung mukha niya, may parang pantal. Pati yung leeg at braso niya. Napahagulgol ako nang makita ko ang kalagayan niya, pag ito namatay ako ang suspect kasi ako ang huling nakasama niya ayoko pa makulong. Joke. 'Gaga ka Jade, umiiyak iyak ka na at tulo na sipon mo, nakuha mo pang magbiro' sabi ng kunsensya ko.

Agad akong tumawag ng Hotel Staff then nagpatulong akong akayin siya papunta sa kama. Nagpatawag na din ako ng doctor. Nagpasalamat ako sa mga tumulong sakin na staff, umalis na agad sila nung dumating ang doctor.

"You're his girlfriend. Am I right?" tanong nung doctor. Aba! Bakit ganyan yung tanong? Ano toh? Interview sa showbiz? At tsaka, ano dapat ko isagot? Oo? Hindi?

"Huh?!" Maang na tanong ko.

"I'm just asking Ms. Buenavista. Are you his girlfriend?" Bakit girlfriend agad? Di ba pwedeng kaibigan muna?

"Uhm. Y-y e-s." I wish. Hindi ko alam kung bakit Oo ang naisagot ko kusa nalang 'yun lumabas sa bibig ko.

"Ah. Sayang naman. Haha. Don't be tensed hindi to graded. Uhm." gago yata tong doctor na to e! Doctor ba talaga toh? Tsaka anong hindi graded? Nagbuffer pa ako saka ko nagets 

So habang chinecheck nitong doctor na to si CS, hindi ko mapigilang titigan yung doctor.

Parang familiar siya e. Kaso hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.

Pogi siya.. Matangos ang ilong, mahabang pilikmata, maliit na labi.. Maputi at makinis na balat..

"Wag ka masyadong tumitig. Baka matunaw.." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa papel.

"Huh?!"

"Ang sabi ko, wag kang masyadong tumitig at baka matunaw.."

"Urgh! Ang yabang neto ah!" Bulong ko. Bakit sa dinami dami ng doctor na pwese nilang tawagan, ito pa? Parang may sapak sa utak.

"May sinasabi ka? Pakiulit nga." Sabi niya sabay lingon sakin.

"Aba't ngayon uutus-utusan ako?" Bulong ko ulit.

"Base sa observations ko.. Allergy to.. Ano ba mga kinain niya kanina?" He seriously asked.

"Uhm. Ano lang.. Fried Rice, Itlog, bacon tsaka tuyo." Sabi ko naman, yun lang naman ang hinanda ko para sa kanya eh.

"Aah. Egg or tuyo. Eh ininom?"

"Strawberry Juice lang"

"Aah. Most probably tuyo or itlog lang ang dahilan ng allergic reaction ng katawan niya. First time niya bang makakain ng tuyo?"

"Ah.. Eh.. O-oo." Shit. Ako nanaman ata ang dahilan.

"Dahil nga sa tuyo.. Sa susunod wag mo na siyang pakainin nun. Wag ka mag-alala, magigising din siya agad. Nahimatay siya dahil sa pagod or stress sinabayan pa ng allergy niya." Ako nanaman ang dahilan. Bakit ba ang malas ko? Ako ata malas sa kanila ni Kuya Jude eh, dati nung bata pa kami lagi silang napapaaway dahil sakin, ngayon naman ito. Nakakadown naman.

"Oh, Miss Buenavista. Wag kang umiyak.. He's okay now. Sige una na ako, may appointment pa ako eh." Tumango nalang ako sa kanya, yung bayad sa kanya sa hotel nalang daw babayaran sabi niya pa.

He loved her more (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon