"Hoy, Anne Margarette." Mula sa pagkakatulala ay nilingon ko si Addison.
"Anong pakiramdam na daddy ang daddy mo?" Tanong nito habang nakapangalumbaba at nakatingin sa akin.
Tumingin ulit ako sa libro na binabasa ko bago pa man ako matulala kanina.
"Si daddy?" Ulit ko.
"Oo.." Sagot nito kasabay ng pagtango.
"Mayor ng bayan natin. Kilalang negosyante. Sobrang istrikto. Kinatatakutan ng lahat." Paliwanag nito sa ibig niyang sabihin.
Sinarado ko ang aklat tsaka huminga ng malalim.
"Si dad ay..." tumingin ako sa taas para mag-isip ng sagot.
"Ayos lang naman siyang daddy. Just do what he wants. Obey what he commands and you can live your life peacefully." Sagot ko.
"Aaahhh.." wala sa sariling ani ni Addison.
Mabilis ulit siyang tumingin sa akin.
"Eh yung ate mo? Kamusta na? Pinaparusahan pa din ba?" Tanong nito.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Halos nung nakaraang buwan lang nanganak si ate.
Graduating na dapat ito sa highschool nung pumutok ang balitang nagdadalang-tao siya.
Doon ko lang nakitang sobrang galit si daddy na kahit ako na walang kasalanan ay naiyak sa sobrang takot. Binugbog niya si ate hanggang sa mahimatay ito.
Pinatigil ng pag-aaral at pinutol lahat ng komunikasyon sa labas ng mansyon. Pinalabas na nag-aaral ito sa ibang bansa.
"Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa inyo na hindi niyo magugustuhan ang mangyayari sa iyon kapag nagpabuntis kayo ng maaga. Gagamitin ko lahat ng kapangyarihan ko para magdusa kayo. Alam niyo naman kung gaano ang paghihirap ko para lang mapunta sa kung ano ako ngayon. Kaya kayo!" Tinuro kami ng mga natitira ko pang ate at pinsan.
"Kapag may isa pang gumaya sa walang-isip na babaeng ito.." anito sabay turo kay ate Divine.
"...mas matindi pa ang mangyayari sa inyo!"
Sobrang tumatak sa amin iyon kaya ganoon na lamang ang takot ko magboyfriend.
"Doon siya natutulog sa maid's room. Ayaw kaming palapitin sa kanya. Mayayari daw kami kapag nagpumilit." Sagot ko.
Kahit si Addison ay napabuntong hininga sa sagot ko.
"Ang hirap din pala maging Buenaventura, ano? Oo, sikat ka nga. Halos lahat ng tao ay pinapaboran ka pero hindi nila alam kung gaano kabagsik ang mayor." Anito.
Malungkot akong ngumiti.
Umusog ako dahil may umupo din sa tabi ko. Nandito kami sa labas na parte ng cafeteria. Wala kasi yung teacher namin sa isang subject.
"Ano nga palang baon mo dyan?" Tanong ni Addison. Siguro ay na stress siya sa mga sagot ko kaya nagutom.
"Sandwich lang, pinalusot ko kasi kay ate Divine yung baon ko." Paliwanag ko.
"Nakita niyo na ba siya?"
"Oo. Grabe! Ang gwapo niya talaga! Anong year na kaya siya? Sana maging magkaklase kami!"
"Marunong kaya siyang magtagalaog? Laking Amerika daw kasi siya."
Sabay kaming napalingon ni Addison sa katabi ko.
"Oy, sino yung pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Addison.
Nagulat ang mga ito nung makita ako tsaka bahagyang yumuko.