Dalawang linggo lang ako nagpahinga. Mabuti at hindi ako kinailangan tahiin kaya mabilis akong nakarecover. Sobrang saya namin na parang ayaw ko nang bumalik sa bahay. This is the perfect family for me. Nagmamahalan, nagdadamayan.
Pero hindi din naman naging madali ang lahat. Halos gabi-gabi ay puyat kaming dalawa ni Alzaine lalo na kapag biglang nagigising si baby. Nasa unang linggo palang ako ay pinilit ko nang tumayo para mas mabilis daw masanay ang katawan ko.
Alzaine also helps me sa pagdadiet. Sabi ni Dr. Jane ay maswerte daw ako at hindi ako tumaba kahit nabuntis.
Ang saya pala kapag araw-araw ay may dahilan ka para gumising at ngumiti.
But like what they say, everything must come to an end.
Nahirapan pa akong tanggapin na mawawalay agad ako kay Baby Azrael at Alzaine. Kung ako lang ang masusunod ay mas gugustuhin kong hindi na umuwi pero para sa magandang future namin ay kakayanin ko.
"Gusto ko magpakulay," ani ko kay Alzaine habang nag-aayos na kami ng gamit.
"Why? Kakapanganak mo palang," aniya.
"Nagsearch ako kagabi. Pwede naman daw basta hindi na nagpapabreastfeed." Paliwanag ko.
Tumango naman siya.
Nilapitan ko si baby.
"Magpapakabait ka kay yaya Cathy mo ah, pipilitin kong makadalaw lagi," kausap ko dito.
Tulog na tulog ito. He's really an angel.
Iisipin ko palang na hindi na kami magkatabing matulog mamayang gabi ay nadudurog na ang puso ko.
Maya-maya lang ay dumating na ang yaya na kinuha ni Alzaine. Nasa 40 na ito at walang asawa. Hindi ko na itinanong kung saan ito nakuha ni Alzaine.
Nagpasama muna ako kay Alzaine sa parlor para magpakulay.
"Ano pong kulay ma'am beautiful?" Tanong sa akin nung bading.
"Kahit ano, basta magmumukha akong rebeldeng anak." Biro ko.
"Yun lang po ba? Ako na po ang bahala dyan basta bigay niyo lang po ang number ng yummy niyong kasama," anito tsaka humagikgik.
Tinignan ko si Alzaine. Nagbabasa ito ng magazine sa gilid.
Tumawa lang ako sa sinabi nung bading.
Maya't-maya ay kinakausap siya ng ibang bading kaya bago pa man matapos yung pagpapakulay ko ay nagpaalam na siyang sa kotse niya nalang ako hihintayin.
"Wow! Ang ganda niyo na lalo, ma'am!" Bulalas nung nagkulay sa akin.
Siguro ay ganoon dapat para bumalik sa kanila ang customer.
Nagbayad na ako tsaka lumabas.
Nakita ko si Alzaine na may kausap sa cellphone niya habang naka-upo sa hood ng sasakyan.
Naramdaman niya ang paglapit ko kaya lumingon siya.
Nahihiya akong ngumiti. Magugustuhan niya kaya?
Ngumiti siya tsaka ako inaya pumasok sa sasakyan. Huminto kami saglit sa mall para bumili ng mga kailangan ni baby.
Habang naglalakad ay pinagsalikop ni Alzaine ang mga kamay namin. Napatingin ako doon.
"Kahit ngayon lang ay maranasan nating magdate in public," aniya.
Tinignan ko siya.
Hindi ko alam kung ano ba itong naramdaman ko.