Kinumpiska ang cellphone at laptop ko. Mabuti nalang at naitago ko agad ang spare phone ko.
Putol din ang cord ng telepono sa kwarto.
Kinabukasan ay sa sasakyan ko sumakay si Claire dahil sa utos ni daddy.
"Huwag kang mag-alala couz, aalagaan ko tong chikot mo," pang-iinis niya.
Humigpit ang hawak ko sa manibela.
"Mahuli lang talaga kita, tapos ka sa akin.." pagpapatuloy nito. Binilisan ko nalang ang pagpapatakbo para makarating na kami sa school at makalayo na ako sa kanya.
Sa room ay tatawagan ko sana si Alzaine ng mapansin kong nakatingin sa akin si Wilma. Kaibigan ni Claire na kaklase ko naman.
May hawak itong cellphone at parang hinihintay lang na may gawin akong pwede nilang isumbong kay dad kaya binalik ko kaagad yung phone sa bulsa ko.
Inirapan ko si Wilma.
Lalo akong namroblema kung paano sasabihin kay Alzaine. Sa bahay kasi ay dapat na laging nakabukas ang pintuan ng kwarto ko.
Baka maghintay iyon sa akin.
Sumulat nalang ako sa papel ng paliwanag ko tsaka hinintay ang breaktime.
Sumabay ako kila Rexy pero pinilit kong mapabagal ang paglalakad namin.
"Magbe-breaktime ba tayo o mag-po-flores de mayo dito?" Inis na tanong ni Addison.
"Wait lang. Medyo masakit yung hita ko." Palusot ko sa mga ito.
Panay reklamo yung naririnig ko nung sa wakas ay nakita ko si Alzaine.
Tinitigan ko siya ng ilang segundo sa mata at nagdasal na sana makuha niya ang ibig kong sabihin.
"Tara na," aya ko kila Ivey tsaka nagmamadaling naglakad papunta ng cafeteria.
"Oh akala ko ba masakit ang hita mo?" Tanong ni Rexy.
"Hindi na. Magaling na siya," sagot ko.
Lumingon ako sa paligid. Kita ko ang mga galamay ni Claire.
Umupo muna kami saglit.
Nakita ko si Alzaine na pumasok ng cafeteria kasama ng mga kateammates niya. Nagtinginan tuloy yung iba. Hindi naman kasi siya pumupunta dito. Mas gusto niya pa sa isang room sa covered court kumain kasama ang mga kateam niya.
Tinitigan ko siya tsaka tumingin sa counter.
Tumango naman siya tsaka tumayo at lumapit sa counter.
"Tara na, order na tayo!" Aya ko kila Ivey.
Pasimple akong pumila sa likod ni Alzaine.
Halos hanggang balikat niya lang ako.
Tumingin ako sa paligid bago pinasok sa bulsa ni Alzaine ang papel.
Kumuha na din ako ng tray tsaka naglagay ng pagkain.
"Are you okay?" Tanong nito.
"What?" Tanong nung barkada niya na nakapila sa unahan.
Umiling si Alzaine.
"Yes.." mahina kong sagot.
"May sinasabi ka Margarette?" Tanong ni Ivey sa likod ko.
"Huh? Wala." Pagtanggi ko.
Umupo na kami.
Panay ang tingin ko sa paligid.
Nakita ko sila ate Desiree pati ang pag-iwas ng mga students sa kanila.
Napa-iling nalang ako.
Ilang beses na nagtama ang paningin namin ni Alzaine.