Two months later..
Nanlabot ang mga tuhod ko kaya mabilis akong kumapit sa sink.
Tinignan ko yung repleksyon ko sa salamin. Halos takasan na ako ng kulay dahil sa takot.
Nanginginig ang kamay ko na nagbukas ng panibagong pregnancy test at sinubukan ulit.
Naghintay ako at napapikit nalang nung ganoon pa din ang resulta.
Napa-upo ako sa sahig ng banyo ko.
This can't be. This can't be right.
Ano na ang gagawin ko?
Paano ko ito sasabihin?
Hindi. Hindi ko dapat sabihin. Umiling ako.
Baka patayin ako ni dad.
Gusto kong umiyak pero dahil sa pagkashock ay ayaw niyang lumabas.
Yumuko ako.
Ang dami-daming pumapasok sa utak ko ngayon.
Ang gulo.
Napa-ayos ako ng upo.
"Si Alzaine.."
Tumakbo ako palabas ng kwarto at kinuha yung cellphone ko.
Nag-isang ring palang ay mabilis ko itong pinatay.
"Si Alzaine at yung mga kateammates niya ang tipo ng mga seniors na once makuha ang gusto ay iiwan ka nalang bigla,"
Inisip ko yung mga nangyari pagkatapos nung birthday niya.
Pareho pa din nung dati.
"Pero paano kung sabihin ko at bigla nalang niya akong iwan?" Sinabunutan ko ang sarili ko.
"Ang tanga-tanga mo kasi, Margarette! Ang tanga-tanga mo!"
"Ma'am Margarette, kakain na daw po," halos mapatalon ako sa gulat dahil sa katok.
"O-Oo, susunod na ako." Sagot ko.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
Niligpit ko yung mga pregnancy test at binalot ng maayos. Sa daan ko ito itatapon.
Naghilamos muna ako at pinakalma ang sarili.
Lalo akong mabubuko kung magmumukha akong guilty.
Dahil linggo ay kompleto kami sa hapag, maliban kay ate Divine.
Tinignan ko si daddy. Nagbabasa siya nung kung ano habang kumakain.
"Kamusta ang project para sa mga PWD?" Tanong nito kay mommy. Ito kasi ang gumaganap na secretary niya. Alam ni mommy lahat ng projects ng munisipyo kaya kapag wala si dad ay wala din si mommy.
"Nag-umpisa na last week ang kaso ay kulang tayo sa gamit dahil hindi natuloy ang sponsorship ng mga Del Monte for sure ay may kagagawan nun ay ang mga Cruz," medyo naalarma ako nung marinig ang pamilya ni Alzaine.
Kaaway din kasi ito ni daddy. Mabuti nalang at sa hindi Cruz na kamag-anak ni Alzaine ang president ng school kaya hindi iyon issue kay dad.
"Talagang ginagalit ako ng mga Cruz na yan, kapag nakahanap lang ako ng butas para tanggalan sila ng business permit ay gagawin ko talaga," galit na sabi nito.