"Is there something wrong, babe?" Tanong ni Alzaine.
Iniabot ko sa kanya yung sandwich na ginawa ko.
"Napa-check up na ba si Azrael?" Tanong ko.
Tumango ito.
"Yung sugat niya sa noo? Magaling na ba?" Tanong ko ulit.
"Halos pagaling na." Sagot niya. He slightly bend backward and starts to eat.
Ngumuso ako.
"So, bakit ka nga malungkot?" Tanong niya.
Yumuko ako tsaka kinuwento sa kanya yung sinabi nila Ivey.
"Iniisip ko na baka nga tama sila ate. Baka nga masyado akong nagpapalakas kay daddy na hindi ko naman talaga intensyon," ani ko.
"Gusto ko lang naman mapatawad ni daddy kaya pinilit kong maging Valedictorian. Gusto ko lang naman maka-ipon para sa first birthday ni Azrael kaya nagpart-time ako." Tuluyan na akong naiyak.
Hinagod ni Alzaine yung likod ko.
"Stop crying. It is not your fault if you are almost perfect. Sila ang may problema if they are too insecure with you.." aniya.
Pinunasan ko yung pisngi ko.
"Inuuto mo lang ako para hindi na ako umiyak eh." Sabi ko.
Tumawa siya.
"Why so cute, babe?" Tanong niya tsaka ginulo yung buhok ko.
"Mall tayo!" Aya ni Ivey.
Parang nanlaki yung tenga ko.
"Sama ako!" Sigaw ko.
Napatingin yung mga kaklase namin kaya napatakip ako ng bibig.
"Wow ah. Ilang dekada ka na ba nakakulong sa mansyon niyo at excited na excited ka magmall?" Tanong ni Rexy.
Napabungisngis ako.
Nagkatinginan ang tatlo.
"Hala siya. Ang weird niya ngayon. Tumatawa." Sabi ni Dama.
Tumawag kaagad ako kay mommy para magpaalam.
Sinabi nitong magpicture ako kapag nasa mall at kung sino ang kasama ko. Um-oo naman kaagad ako.
Tinext ko agad si Alzaine para sabihing magmamalling kami. Nagreply naman agad siya na kukunin niya si baby.
Halos hindi ako makapag hintay na matapos ang klase namin.
Makikita ko na si baby!
Napapanuod ko na sa video call namin na naglalakad na siya and I can't wait na makita iyon sa personal.
Madali kong na-perfect ang quiz namin dahil sa sobrang saya.
Nakasalubong namin sila ate Desiree habang palabas ng school.
"Ang sungit ng ate mo no?" Tanong ni Ivey. Nagkibit balikat lang ako.
Hindi na kami nag-uusap simula nung saktan nila ako.
Pakiramdam ko ay hindi kami nag-e-exist sa buhay ng isa't-isa. May tampo pa din ako kay ate Antonette. Pakiramdam ko ay si ate Divine nalang ang kakampi ko sa pamilya pero nasa malayo naman.