Nung ikatlong araw ay maaga akong ginising ng dalawa.
"Pankey! Pankey!" Sigaw ni Azrael habang inaalog ako.Pinilit kong dumilat kahit antok na antok pa ako.
"Pancakes?" Tanong ko.
Mabilis itong tumango.
"Okay, okay. i'll be there." ani ko tsaka umupo.
Nagkatinginan kami ni Alzaine tsaka tumawa.
Tumayo na ako para maghilamos at mag-ayos.
Pagbaba ko ay naabutan ko yung dalawa na may tinitignan.
"How do you do it?" Tanong sa akin ni Alzaine. Itinaas niya yung box ng ready to cook pancakes.
"So, ayan yung pancakes na sinasabi niyo?" Tanong ko.
Hindi ko alam kung paano nakuha agad ng anak namin yung tanong ko pero sabay silang tumango.
Tumawa ako.
"Okay.." sagot ko. Akala ko kasi ay yung pancakes na from the scratch.
Lumapit ako sa kanila at kinuha yung box.
"So, ganito yan.. first, you will put the flour in the bowl.." turo ko habang pinapakita sa kanila kung paano gawin.
"And then put some water. Make sure na tama lang yung amount para hindi maging malabsaw.." ani ko.
Tumango-tango naman si Alzaine.
"Alam na alam mo ah.." natatawang sabi niya.
"Syempre madalas namin lutuin nila at-"
"Ate Divine?" Tawag ko. Mahina akong kumatok sa pintuan niya. Walang sumagot kaya kumatok ulit ako.
"Bunso?"
"Ay palaka!" Mahina kong tili.. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.
"Ikaw pala yan ate Anita.."
"Anong ginagawa mo dito? Alas dos na ng madaling araw ah.." sita nito sa akin.
"Eeehh kasi di ba kanina pinagalitan ako ni dad dahil lowest ako sa exam.." ani ko.
Tumango si ate.
"Oo, kasi pinagpalit mo yung papel niyo ni Claire, di ba?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Hindi ako pinakain ni dad kaya ayun, nagugutom ako ngayon. Magpapasama sana ako kay ate Divine sa baba. Baka magpakita sa akin yung kapre na nangunguha ng magandang babae.." paliwanag ko. Kumapit pa ako kay ate dahil naalala ko na naman yung kapre.
"Tsk. Ikaw talaga nagpapaniwala ka kay aling Belen. Tara, katukin mo na si ate.." sabi nito kaya dalawa na kaming kumatok.
Nasa kabilang parte yung kwarto nila mommy at daddy. Magkahiwalay ang mga hagdan nito sa amin kaya hindi kami nito maririnig agad-agad.